Natapos ang gabi namin ng hinatid ko sila ni Kat sa kanilang boarding house.
As usual, lasing na naman ito at kung ano-ano na ang pinagsasa-sabi. Buti nalang at kasama niya si Kat at may mag aalalay sa kanya.Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng phone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.
📞"Gising na!!! Goodmorning!!!!!"
"Uhmmmmmmmm. Ang aga-aga mo nagising ah?" Sagot ko naman habang namamaos pa ang boses.
Napangiti nalang ako sa kanya.
"Tanghali na po. Tingin orasan mo!"
Agad naman akong lumingon sa wall clock ko. Alas dos na pala ng hapon.
"Hala! Hapon na pala?!"
"Oo nga! Bumangon kana at kumain."
"Okay. Okay. Babangon na po."
"Very good. Sige bye." 📞
Pinatay agad nito ang tawag.
Ginising lang pala talaga ako nito. Ang sweet naman niya para gawin ito sa akin. Bumangon na ako at nag luto ng makakain. Bigla kong naisip ang mga nangyari kagabi, sobrang saya namin kasi kasama namin si Sab at si Kat. I never expected na mag beblend in ang aming friends. Buti nalang nagkabati na kaming dalawa.
Dalawang oras ang lumipas at tinawagan ko si Sab.
📞 "Hello?"
"Oh? Kumain kana ba?" Tanong agad nito.
"Opo tapos na po. Ikaw?"
"Tapos narin. Kanina pa kaya."
"Good. Anong gingawa mo diyan?"
"Wala naka higa lang, facebook."
"Labas tayo?"
"Saan tayo pupunta?"
"Kahit saan. Gagala lang."
"Ngayon na?"
"Oo ngayon na."
"Hahaha sige, bihis lang ako saglit."
"Sige, ako din. Susunduin kita diyan ha?"
"Okay. Bye." 📞
Agad akong naligo at nagbihis para sunduin siya. Nag iisip ako ng magandang lugar na pwede naming puntahan. Ng matapos na akong mag bihis ay tinawagan ko na ulit siya.
📞 "Tapos nako dito. Ikaw?"
"Patapos na rin. Punta kana dito?"
"Sige, papunta na ako diyan."
"Mag ingat ka ha? Saan pala tayo pupunta?"
"Hmmmm. Secret!"
"Saan nga?! Ayan na naman tayo sa secret eh."
"Hahahah. Basta malalaman mo lang yan pag nandoon na tayo."
"Saan nga kasi? Alexis naman eh!!!"
"Sa lugar na tahimik."
"Ha?! Saan yun? Sementeryo?"
"Hahahha bakit gusto ko ba dun nalang tayo?"
"Syempre hindi. Saan nga kasi?!"
"Sa tahimik nga. Sa pwede kitang ma solo. Hahahahha"
"Se-seryoso k-ka?"
"Hahahahahhaha nakakatawa kang babae ka! Wag na kasi puro tanong. Sige na ng makapunta na ako diyan. Bye!!! See ya!!"
......
25 minutes lang ay nandoon na agad ako sa boarding house nila. Buti nalang at alam ko ang short cuts dito kaya naka iwas agad ako sa traffic.
Pagdating ko ay naghihintay na si Sab sa labas ng boarding house nila. Ang cute ng suot niyang plain white tshirt at maong na shorts. Simple lang pero ang hot niyang tingnan.
Binaba ko ang bintana at tinawag siya.
"Ano pa hinihintay mo? Pasok na!"
Agad naman itong tumakbo at sumakay.
"Soooooo... saan na tayo ngayon pupunta?"
"Hmmmmm. Secret parin!"
"Pag di mo parin sasabihin bababa ako dito."
"Hahahah sige, try mo!"
"Kaka-asar ka naman eh!"
Para siyang bata na napipikon. Ang hindi niya alam ay dadalhin ko siya sa bahay namin. Parehong sa makalawa pa ang balik namin sa trabaho kaya tamang tama na ipasyal ko siya sa lugar namin.
Tahimik lang ako habang nag dadrive at siya naman ay naaliw na sa pag fafacebook kaya nakalimutan na akongn kulitin kung saan kami pupunta.
Bago dumiretso ay may nadaanan kaming Pure Gold kaya naisipan kung ibili siya ng mga kakailanganin tulad ng toothbrush at underwear niya.
"Oh? Pure Gold? Dito mo lang ba ako dadalhin?"
Ngumiti lang ako at hinala siya papasok.
"Ano bang bibilhin mo dito? Tsaka bakit dito pa? Pwede naman tayo sa mega mall ah?"
"Anong size mo sa panty?" Tanong ko habang pumipili.
"Ha? Ngayon kapa ba talaga bibili ng panty?"
"Ano nga kasi size mo??!???"
"Medium! Alam mo ang labo mo ha!!!!"
Hindi ko na siya pinansin at kinuha na ang tatlong pisaro ng medium size na panty at dumiretso na sa mga toothbrush. Bumili rin ako ng iced coffee para may maiinon kami habang nasa daan. Siya naman ay sunod ng sunod lang sa akin. Kahit naka simangot na ito ay pinipigilan ko paring sabihin sa kanya kung saan kami pupunta.
Pagbalik sa sasakyan ay tahimik na siya at hindi na ako pinapansin.
"Gutom kana ba Sab? Gusto mo kain muna tayo?"
"........"
"Sab??"
"Saaaaaaab"
"Sab!! Di mo talaga ako papansinin?"
"......."
"Uy grabe siya oh!"
"Itabi mo na nga to at bababa na ako!"
"No!!! Bakit ka bababa? Hindi pa nga tayo nakarating eh."
"Halos dalawang oras na tayong nasa kalsada Alexis! Saan mo ba talaga ako dadalhin?!"
"Malapit na tayo. Don't worry."
Hinawakan ko ang kamay niya at hindi parin ito kumibo.
Buong oras kong hinawakan ang kamay niya hanggang sa dumating na kami ng bahay. Wala naman itong pagkontra sa paghawak ko kaya naka holding hands lang kami habang nag dadrive ako.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
Roman d'amourYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...