61: Guilty

1.6K 53 8
                                        

Alexis

Gabi na ng dumating kami sa Manila. Super pagod at lowbat na talaga ako. Gusto ko ng umuwi, maligo at matulog. Pagdating sa airport ay nag seperate ways na kaming anim at syempre, kasama ko si Diane. Hindi parin ako pinapansin ni Sab kaya labis ko itong kinabahala.

"Uuwi kana ba mahal?" Tanong ni Diane sa akin.

"Oo mahal, bakit? May gusto kapa bang puntahan?"

"Gusto ko munang tumambay kasama ka."

"Mahal pagod na kasi ako. Gusto ko ng magpahinga. Hindi kaba napagod?" Tanong ko habang nilalagay ang mga bag namin sa compartment.

"Napagod din naman. Pero kasi, gusto pa kitang makasama eh."

"Hatid nalang kita sa bahay niyo ha? Next time nalang." Sabay pasok sa kotse.

"Pag si Sab siguro nagyaya sayo eh go kana kaagad kahit pagod ka no?"

"Paano naman nasali si Sab sa usapan?!"

"Wala, nagtatanong lang."

"Ayan kana naman eh."

"Bakit?! Fine. Hindi ko na pakikialaman si Sab mo."

"Diane please wag ngayon. Pagod ako ay wala. Ako sa mood magtalo."

"Eh hindi naman ako nakikipagtalo sayo eh. Ikaw nga diyan ang galit."

"Hindi ako galit!"

"Eh bat tumataas ang boses mo sakin?"

"Ewan ko sayo Diane. Bahala ka."

"Lex nagseselos ako!!!!!"

"Alam ko! Ano bang dapat kong gawin para huwag kanang magselos?"

"Layuan mo siya."

"What?! Ayoko nga! Hindi pwede yan."

"Bakit hindi? Kasi gusto mo pa siya no?!"

"What the fvck Diane! Ano ba! Sinabi ng hindi na nga diba?"

"Bat ka nagagalit kung wala ka na ngang nararamdaman?!!!"

"Eh sana pala nagsinungaling na lang ako sayo eh!"

"So may plano ka palang lokohin ako?"

"Wala nga! Kaya nga sinabi ko sayo diba?!"

"Bat ka sumisigaw?!"

"Eh nakakapikon ka eh!"

Hindi ko namalayan malakas na pala ang boses ko at umiiyak na pala si Diane sa tabi ako. Itinabi ko ang kotse para kausapin siya.

"Mahal, sorry na. Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi eh. Alam mo namang pagod ako diba?"

"Wag mo na akong ihatid. Mag tataxi nalang ako." Sabay labas niya ng pinto ng kotse at ngtungo sa compartment para kunin ang mga bag niya.

"Ano ba. Ihahatid kita. Bumalik na nga sa loob. Mahal naman eh!!!"

"Alam mo kung anong nararamdaman ko ngayon Lex? Feeling ko ginawa ko akong rebound."

Nagulat ako sa sinabi niya at hindi na nakapagsalita. Kinuha niya ang bag niya at sumakay sa taxi. Hindi ko na siya pinigilan o hinabol pa. Parang sinaksak sa dibdib ko ang sinabi niya.

Alam kong hindi manhid si Diane at nararamdaman niya ang kung anong meron sa amin ni Sab. Ayokong saktan siya dahil napakabuti niyang tao.

Dumiretso na ako sa bahay para mag pahinga. Sa makalawa pa ang balik namin sa trabaho kaya bukas ay rest day ko pa.

Kinabukasan

10:30 ng nagising ako sa isang tawag. Akala ko kung sino eh si Cass lang pala.

📞 "oh?"

"Hello? Lex! Asan pasalubong ko?!"

"Nandito. Excited kaba? Bukas pa nga balik ko eh."

" wait, nag away ba kayo ni Diane?"

"Ha? Bakit?"

"Eh kasi puro hugot yung mga post niya sa facebook oh."

"Talaga? Ano daw sabi?"

"Ang dami eh. Check mo nalang kaya."

"Nag-away kami kagabi eh. Umiyak siya."

"Nako lagot ka! Bat mo pinaiyak?"

"Nasigawan ko eh."

"Gaga kaba? Bat mo ginawa yun?!!!"

"Looooong story! Punta ka nalang dito sa bahay."

"Eh baka paglabhin mo naman ako diyan eh."

"Hahahha. Hindi!!"

"Okay! Sabi mo ha! Sige, bihis lang ako saglit."

"Dali-an mo. Magdala ka ng pagkain."

"Grabe siya oh!!!! Sige! Bye na!" 📞

Maya-maya pa ay dumating na si Cass at nadatnan niya akong nakatihaya sa sofa habang hawak-hawak ang remote.

"Oh! Pagkain mo! Kumain kana!"

Nilapag nito ang take out galing mcdo.

"Sakot! Gutom na kasi ako eh. Thank youuuu!!"

Agad akong umupo at kumain.

"Ang itim mo na! Kamusta naman dun? Masaya ba?"

"Ang ganda dun! Syempre masaya no!"

"Kamusta kayo ni Sab?"

"Nagalit sa akin yun eh."

"Bakit naman?"

"Gusto niya akong layuan dahil nagseselos si Diane."

"Nagseselos si Diane????!!!"

"Oo! Yan nga din ang pinag-awayan namin kagabi eh. Gusto niya kasing layuan ko si Sab."

"Talaga? Bakit naman?"

"Sinabi ko kasi sa kanya na muntik na akong magkagusto dati kay Sab."

"Eh ang tanga mo naman pala eh!!! Bat mo sinabi? Ang bobo mo Lex!"

"Eh nag tanong kung may past daw kami ni Sab. Ayoko namang mag sinungaling."

"Edi ikaw na yung honest!! So kaya mo bang layuan si Sab?"

"Hindi, pero wala narin yun kasi siya na mismo ang lumalayo sa akin."

"Ang sad naman. Friendship over na kayo ni Sab?"

"Siguro. Hayyyyyy. Tapos sinabi pa ni Diane na ginawa ko lang daw siyang rebound."

"Totoo naman ah!"

"Uy hindi ah!!!"

"Kahit anong tanggi mo pa eh yun naman talaga!"

"Yun ba yun?"

"Oo! Eh diba nga ginamit mo siya para makapag move on kay Sab?"

"Grabe na naman. Ganyan naba talaga ako ka user sa paningin mo."

"Hmmmmmm slight!"

"Bwiset! Kaibigan ba talaga kita?!"

"Hahahahah. Oo naman!!!!"

Tinatawanan ko lang si Cass pero na gi-guilty na ako sa mga sinabi niya. Hindi ko nga siguro na malayan na nagamit ko na pala talaga si Diane para makalimutan si Sab. Ang sama ko namang tao para saktan si Diane.

Si Diane na walang ginawa kundi ang mahalin ako.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon