53: Funeral of broken hearts

1.8K 56 16
                                        

Alexis

"Tahan na. Pagusapan niyo nalang yan ni Lance bukas." Sabi ko kay Sab habang nakahiga ito sa dibdib ko at umiiyak.

Masyado siguro itong nasakatan sa nalaman niya. Kung saakin nalang siya siguro eh hindi na sana ito umiiyak ngayon. Mas na gi-guilty ako kasi ako yung nagpakilala sa kanila ni Lance eh. Ayokong nakikitang ganito si Sab.

"Tama na yan Sab. Ayokong umiiyak ka. Don't worry maayos niyo din to okay?" Sabay punas ng luha niya. Wala itong sinabi na kahit anong salita.

"Ang pangit mo na! Tama na!"

"Ang pangit ko nga talaga siguro kaya ganito." Sagot pa niya.

Hinawakan ko ng dalawang kamay ang mukha niya at tinignan sa kanyang mata mata.

"Ikaw ang pinaka maganda. Tandaan mo yan Sab."

"Talaga? Hindi Diane?"

"Ahhh- ehhh. Pwede same kayo?"

Naloka ako sa tanong niyang yun ah.

"Edi hindi ako. Si Diane yung pinaka maganda kasi siya girlfriend mo."

"Ganun ba yun?"

"Oo ganun yun. Hayyyyyyyyy" She take a deep breath.

"Yan nga. Exhale the bad vibes Sab."

"Okay na ako. Thank you at nandito ka. Balik kana doon sa girl friend mo baka magising yun na wala ka at hanapin kapa."

"Alam kong hindi ka okay."

"Kaya ko naman to. Sige na balik kana doon."

"Ayaw mo ba akong ma solo kahit sandali?"

"Uy ano yang pinagsasabi mo?! Tumigil ka"

"Hahaha. Joke lang. Ayaw kitang iwan dito na ganyan ka. Tara pasok tayo sa loob para maikuha kita ng maiinom." Tumayo ako at inabot ang kamay niya.

Magkahawak kamay kaming pumasok pero nakita kong gising si Diane kaya agad ko itong binitawan.

"Ahhhhhh. Bat nagising ka?" Tanong ko sa kanya.

"Naramdaman ko kasing wala ka. Saan kayo galing ni Sab."

"Ahhhh diyan lang sa labas."

"Bat siya umiiyak? Okay kalang ba Sab?"

"Edi yung tungkol kay Lance. Okay lang siya mahal. Malakas to!!!"

Sabay tap ng likod ni Sab. Ngumiti lang ito ng bahagya.

Bumalik na ako sa tabi ni Diane at nahiga ito sa lap ko. Habang nasa tabi ko Diane ay pinagmamasdan ko si Sab sa gilid na naka tingin lang sa bintana. Damang dama ko ang lungkot niya ngayon. Gusto ko siyang i comfort at samahan pero ayoko namang may isiping iba si Diane. Mahal ko si Diane at ayoko siyang mag selos.

5:30 am ng mag pasya kaming umuwi ni Diane. Habang si Sab naman at Lance ay nag uusap na. Nag paalam na kami sa kanila at sumenyas nalang ako kay Sab ma aalis na. Ayoko ng lumapit kasi parang nag aaway na sila ni Lance.

Habang nasa kotse ay tulog parin si Diane.

"Kawawa naman ang mahal ko. Super antok na talaga oh."

Ngumiti lang ito sa akin kaya nagpatuloy nalang ako sa pagdadrive.

"Mahal?" Tawag nito sa akin?"

"Yes mahal ko?"

"Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Sab?"

"Hmmmmmmm. Mahigit isang taon na."

"So bago palang pala?"

"Oo mahal. Bat mo natanong?"

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon