73: No more

1.6K 58 37
                                    

Alexis

Mahigit isang buwan narin ng nawala si Sab. Hindi ko na matawagan ang phone niya at di ko narin siya mahanap sa social media. Maging si Cass, Hazel at Nicole ay wala naring balita sa kanya. Kinakausap ko si Kat pero ayaw naman nitong magbigay ng information tungkol kay Sab. Ang sinabi niya lang ay mag momove on daw muna to sa nangyari at kailangan ng space.

Para bumagsak ang mundo sa sobrang lungkot na maging ang trabaho at relasyon namin ni Diane ay na aapektohan na. Minsan habang magkasama kami ay bigla kong naaisip si Sab na parang gusto kong umiyak. Nagtatanong naman si Diane kung ano ang problema pero wala akong sinasabi sa kanya. May mga times din na wala akong ganang makasama siya o makita man lang siya pero parang hindi niya ito napapansin at akala niya ay wala lang ako sa mood. Gusto ko n tapusin ang kung anong meron sa amin pero hindi pa ako makahanap ng magandang tyempo.

Mas naawa ako sa kanya pag laging kaming ganito. Madalas narin kaming mag talo kahit sa mga maliliit na bagay lang. I tried to keep the fire burning pero wala talaga eh. Habang kasama ko si Diane, si Sab ang nasa isip ko. Mas lalo kong hinahanap si Sab at mas namimiss.

~~~~~

" Mahal? galit kapa ba?" Tanong ni Diane habang gumagawa ako ng report sa station ko.

Hindi ako lumingon sa kanya o sumagot man  lang.

"Sorry na po. Wag na po kayong magalit. Peace na tayo ha?" Sabay back hug nito sa akin habang naka upo.

"Pwede ba tayong mag usap mamaya?" Kinuha ko ang kamay niya sa pagkakayakap at humarap sa kanya.

"Oo naman! Yehey bati na kami!" Magiliw na sagot nito.

Nag half smile lang ako sa kanya.

"Dinner sa bahay mo mamaya?"

"Wag na muna. Sa labas nalang. Pagod ako eh."

"Mas mabuti nga pag sa bahay mo diba? Para makapagpahinga kana kaagad.

"Wag na. Sa labas nalang tayo."

"Hmmm. Sige. Miss ko na kasi yung luto mo eh."

"Next time nalang."

"Okay, sige."

Habang kausap ko si Diane ay iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya mamaya ang gusto kong mangyari. Ang daming pumapasok na idea pero kinakabahan parin ako. Sana ma intindihan niya ako. Alam kong mahirap at masakit ito para sa amin, lalong lalo na sa kanya pero kailangan. Ayokong lokohin siya at ang sarili ko.

After ng shift namin ay una akong bumaba at hinintay nalang siya sa parking lot. After 10 minutes ay dumating na siya.

"Tara mahal?"

"Tara." Sabay kaming pumasok sa kotse.

"Saan tayo kakain tsaka ano pala ang gusto mong pagusapan?"

"Mamaya nalang pagkatapos nating kumain. Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan basta kasama ka. Ayeeeeee. I miss you. Bat ang sungit sungit mo this past few weaks? Nireregla kaba?"

"Hindi ah. Di kaya. Pagod lang siguro."

"Tungkol parin ba sa away niyo ni Lance?"

"Hindi yun. Hayaan mo na, wala naman yun eh."

"Ikaw kasi eh. Bat sumali-sali kapa dun sa problema nila ni Sab."

"Diane please wag na muna natin silang pagusapan. Okay?!"

"Okay! Ayan galit kana naman!"

Hindi ako sumagot at nag concentrate nalang sa pag dadrive. Pagdating namin sa isang resto ay pumili agad ako ng isang napaka chill na pwesto kaya doon kami umupo sa may garden area.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon