92: This is it

4.5K 96 89
                                        

Sab

Lumuwas na ako ng Manila para sa flight ko to Cebu. Madaling araw pa ng umalis ko kasi malayo pa ang byahe at ayokong mahuli. 2 hours before flight at dapat nandoon na ako.
Hindi ako inihatid nila Mama at Papa kasi pupunta din sila ng Cebu after 3 weeks para ihatid ako pabalik ng Chicago.

Tinawagan ako ni Kat kasi daw na miss niya ako at ihahatid ako nila ni Kenneth sa airport. Gustong gusto ko narin siyang makita para maikwento sa kanya personal ang mga nangyari sa amin ni Alexis.

I admit, sobrang lungkot ko ngayon at galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Ano pa ba ang pwedeng mangyari? Nakakapagod na ang paulit ulit na mainlove sa kanya at masaktan. Ayoko na. Surrender na talaga ako. Tinatawagan parin niya ako at tinitext halos araw araw pero hindi mo sinasagot at hindi ko binabasa ang mga text niya.

Nasa bus na ako habang tawag ng tawag sa Kat at nagtatanong kung nasaan na ako. Hindi ko alam kung bakit siya pa yata ang mas nagmamadali kesa sa akin eh. Tsaka madaling araw palang ay gising na. Nakakapanibago naman yata.

5:30 AM ng dumating ako sa Manila at laking gulat ko na nandoon na si Kat at Kenneth sa terminal na naghihintay sa akin.

"Wow!!!! Napaka aga niyo ha??! Anong meron?" Tanong ko sa kanila.

"Hahahahaha. Di ba pwedeng gusto lang kitang makasama ng mas matagal bago ka pumunta ng Cebu?"

"Ayos karin ha? Sige, kamusta kayo???"

"Okay naman. Ikaw? Kamusta puso mo?"

"Hayyyyyyyyyyy nako!!! I kukwento ko nalang sayo mamaya."

"Kung maka hinga ka ng malalim ha? Siguro napaka stressful niyan no?"

"As in! Kumain na nga muna tayo."

Sumakay kami ng taxi at bumaba sa isang fast food para mag breakfast muna. Doon kami ng kwentuhan tungkol kay Alexis. Sobrang daming tanong ni Kat na talagang nakakapanibago. Pati si Kenneth nag tatanong na rin. Kailan lang ba nagkapakialam to sa amin eh dating namin ni comment wala. Hahahaha

Pagkatapos naming kumain at ma kwentuha ay diretso na agad sa aiport. 6:30 AM na ng pumasok ako at naiwan sila Kat sa labas. Umupo muna ako sa waiting area kasi hindi pa pwedeng mag check in. Naisip kong nasa terminal 3 pala ako at dito naka assign si Alexis kaya hindi ako umalis ng upuan ko o tumingin tingin man lang. Buong oras ay naka yuko lang ako sa cell phone ko.

7:45 AM ng nagpasya akong mag check in na at pumunta muna sa CR. Habang dala dala ko ang aking bag ay biglang may humarang na dalawang babaeng security sa akin at nagtatanong kung pwede ba nilang makita ang ticket ko at ma check ang aking bag.

Hindi namab nakakagulat ang approach nila pero kinakabahan na ako baka kasi may naglaglag ng bala sa bag ko na siyang uso issue dito sa airport. Kalmado lang akong nakikipag usap sa kanila pero hindi parib mawala ang nerbyos sa boses ko.

Iniabot ko sa kanila ang ticket ko at tinignan naman nila. Lumayo ang isang guard at may kinausap sa kanyan radio.

"Nakapag check in na po ba kayo?"

"Opo. Bakit ano bang problema?"

"Ahhh. Wait lang po ma'am ha?"

Lumayo ito ulit at kinausap ang radio niya

"Pwede na ba akong umalis?" Tanong ko.

"I'm sorry po, but you need to come with us"

"Huh?! Saan?! Ano bang kasalanan ko?" Medyo napa taas na ang boses ko kasi hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon