Sab
Alam kong mali kaya nagpasya akong lumayo nalang. Ito na siguro ang pinaka makakabuti para sa aming dalawa.
"Sure kana ba talaga diyan?" Tanong ni Kat sa akin habang naka higa na kami sa kama.
"Kay Alexis?"
"Hindi, sa pag aabroad mo! Iiwan mo na ba talaga ako?"
"Tagal ko naring pinag iisipan to eh. Siguro nakapag decide na talaga ako."
"Yung nangyari ba sa inyo ni Alexis ang rason kung bakit ka aalis?"
"Parang ganun na nga. Hayyyyy."
"So kailan yung interview?"
"This friday na. Sure ka bang hindi ka sasama sa akin?"
"I dont see my self working in a different country eh. Okay na siguro ako dito. Tsaka ayaw ni Kenneth na umalis din ako."
"Sige, kung ayaw mo talaga akong samahan. Mamimiss kita Kat." Malungkot kong magkasabi sa kanya.
"Sus! Ang bilis lang ng 2years no! Wag ka ngang ganyan! Ayoko ng sumisenti!" Sabi pa nito habang naka talikod sa akin.
Alam kong nalulungkot din siya pero ayaw niyang sabihin sa akin. I applied for a hotel receptionist in Chicago. Matagal na kasi akong pinapa-apply ng pinsan ko. Medyo ma taas na kasi ang position niya sa hotel kaya matutulungan niya daw ako.
Mas mabuti na siguro to. Masyado na kasing magulo ang isip at puso ko ngayob kaya alam ko na makakabuti na muna sa akin ang lumayo.
~~~~~~
Kinabukasan ay umuwi ako sa amin, sa Zambales. I applied for a vacation leave sa office kasi wala talaga akong sa mood mag trabaho at kailangan kong magpahinga at makapag isip-isip.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubog agad ako ng Mama ko ng isang mahigpit na yakap. Wala doon sa bahay ang mga kapatid ko at si Papa naman ay nasa talyer namin.
"Buti naman at naisipian mong mag vacation leave anak." Sabay kuha ni Mama ng dala kong bag.
"Na miss ko na kayo eh. Tsaka kailangan ko ng bakasyon ma, masyado na kasi akong na sestress this past few day." Sagot ko naman habang kumukuha ng tubig sa ref.
"Eh ano ba ang nagpapastress sa iyo? Yung interview ba?"
"Hindi yun ma."
"Eh ano nga anak?"
"Corny ba kung sasabihin kong love?"
"Love?!"
"Opo." Sabay yuko ko.
"Si Lance ba anak? Nag away ba kayo?"
"Wala na po kami ma eh. Niloko niya ako. Nahuli ko siyang may iba."
Bigla akong niyakap ni Mama.
"Maaaaa! Okay lang po ako."
"Mag move on ka nalang nak." Pasimpleng advice nito.
Natawa naman ako kay Mama.
"Nakapag move on na po ako no."
"Eh ano pa yung nagpapa stress sayo eh naka move on ka naman pala."
Bigla kong naisip si Alexis sa tanong ni Mama. Gusto kong ikwento sa kanya pero baka hindi niya ito maintindihan at natatakot ako.
"Ahhh wala na nga. Gusto ko lang mag pahinga bago yung interview."
"That's good anak. Dahil diyan, ipagluluto kita ng paborito mo."
"Yan ang namimiss ko lagi eh. Thank you po. Akyat po muna ako sa taas ha?"
"Sige anak."
Pagakyat ko sa taas ay agad akong nahiga sa kama ko. Na miss ko tong kwarto namin ng kapatid ko tsaka tong kama ko. Masaya akong naka uwi ako ngayon.
Inayos ko ang mga dala ko at nagbihis ng pang bahay na damit. Bumalik ako sa pagkakahiga at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
~~~~~
"Ateeeeeeee!!!" Sabay yakap sa akin ng bunso kong kapatid.
Nagising ako sa lakas ng boses at mahigpit na pagkakayakap niya.
Ang dami niyang kwento sa akin hanggang sa bumaba na kami. Gabi na pala at nandoon na silang lahat maliban ka Papa na pauwi narin daw.
"Malapit na tong maluto anak. Tamang tama at pauwi na ang Papa mo." Sabi pa ni Mama habang nag luluto ng ulam.
"Ang bango naman niyan ma. Gabi na pala, ang haba ng tulog ko ah."
"Masyado ka sigurong napagod sa byahe mo."
"Oo nga po eh."
Maya-maya pa ay dumating na si Papa at sinalubong ako nito ng yakap. Masaya siya at nakauwi ako ngayon. Sabay sabay na kaming kumain. Namiss ko to ng sobra.Matapos kumain ay naka upo ako sa sala katabi si Papa. Na nunuood siya ng news at minamasahi naman ni Mama ang kamay niya. Habang nag kukwentuhan kami ay biglang tumawag si Hazel. Sa una ay hindi ko ito sinagot at hinayaan ko lang na mag ring.
"Sino ba yan? Bat ayaw mong sagutin?" Tanong ni Papa.
"Wala po, kasama ko sa office."
"Di mo sasagutin baka importante."
Balak ko kasing wag ng magparamdam sa kanila hanggang sa umalis na ako.
"Nak sagutin mo na baka importante yan."
Sinunod ko nalang si Papa at sinagot ang tawag ni Hazel. Tumayo ako at umakyat sa taas.
📞 "Sab? Hello???????"
"Oh? Napatawag ka Haze?"
"Sab!!! Gusto ko lang magsorry sa ginawa ng pinsan ko sayo. I hope we can still be friends."
"Sus! Oo naman. Wala yun. Dont worry, I'm fine."
"Gusto ko nga siyang sakalin eh. Gago talaga yun. Nag away nga sila ni Alexis sabi niya eh. Muntik na daw niyang patulan?"
"Oo nga eh. Pero ok na yun. Alam ni Alexis na ok na din ako."
"Buti naman kung ganun. Basta walang magbabago sa friendship natin ha?"
"Oo naman Haze. Dont worry."
"Sige, thank you ha? Pahinga kana diyan. Bye Sab."
"Okay. Bye Haze."
Pagbaba ko ng phone ay bigla kong na miss si Alexis. Naalala ko ang mga bonding namin at nalulungkot akong isipin na hanggang dito nalang lahat yun.
Wala ng Alexis.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomansYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
