7: Ehu girl.

3.1K 73 1
                                        

Sab

🎶You set my heart on fire and now I dont know what to do. You set my heart on fire and now I'm so inlove with you my ehu girl. 🎵

"Lakas maka soundtrip ang aga-aga ah?" sabay katok ni Kat sa akin. Nasa banyo kasi ako ngayon at maagang naliligo.

"Makinig ka nalang kasi."

"Mukhang good mood ka ata ah? Labas kana diyan may dala akong breakfast. Nandito si Kenneth."

"Oo, patapos na ako."

Paglabas ko ay kumakain na silang dalawa. May take out silang galing jolibee.

"Anong meron? Bat ang sipag mo yata ngayon tsaka may pa soundtrip kapang nalalaman ngayon?"

"Wala. It's just a good morning."

"Eh dati 12:30 kana bumabangon ng higaan mo ah."

"Syempre for a change. Para naman maging productive ang araw ko no!"

"Baka naman may nag papa-inspired na sayo Sab." Sabi naman ni Kenneth.

"Uy Oo nga no? Meron naba? Bat di ko alam?!" Dugtong pa ni Kat.

"Wala no! Syempre pag meron ikaw agad ang unang makaka alam ano kaba! I'm just happy. Bawal ba yun?"

Nagkibit balikat lang ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain, sinaluhan ko naman sila kaagad.

"Ano palang gusto mong gawin sa day off?" Tanong ni Kat.

"Hmmm. Nothing much, magkikita lang kami ng Alexis. Kukunin m yun phone ko."

"Saan? Ayaw mo bang sumama sa amin? Pupunta kami ng Tagaytay ni Kenneth."

"Overnight ba kayo doon?"

"Oo, birthday ng Lola niya eh."

"Sama kana Sab."

"Di nga pwede. Kukunin ko nga yung phone ko. Kayo nalang muna."

"Okay kalang ba na ikaw lang dito?"

"Oo naman no. Mag enjoy nalang kayo."

Last duty na namin ngayon kaya excited na akong pumasok. Sigurado mag yaya na naman silang mag bar mamayang gabi. Marami kasi kaming nga kasama sa Casino na party people at panay Gimick. Lalong lalo na si Jino. Siya yung nanliligaw sa akin na kasama ko sa trabaho. Pogi naman siya, matanggad, mabait pero hindi pa talaga ako ready mag mahal kaya friends nalang muna kami. Ewan ko ba, parang wala lang talaga akong interest sa mga lalaki ngayon eh. Oo, may mga fling na nakaka-make out pero hanggang doon lang yun. Hindi naman ako madre para hindi magloko diba.

Habang nasa trabaho ay atat na akong umuwi para tawagan ang phone ko. Bukas na kasi kami magkikita. Nararamdaman kong mabait siya kasi okay naman siyang kausap sa phone eh. Mukha nga lang makulit pero okay naman yun kesa sa seryoso na mababato ka lang.

Paguwi sa boarding house ay agad kong hiniram ang phone ni Kat at tinawagan siyan.

📞" Good evening!"

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon