I'm on my break ng break ng tumawag sa akin si Lance. Gusto niyang kasing magpuyat sa lamay ng Daddy ni Hazel na tito niya kasi daw last night na. Tamang tama naman na day off ko na bukas kaya mamaya pag out ko ay didiretso na kaming dalawa doon.Niyaya ko si Kat pero hindi daw siya pwede kasi uuwi siya. Nag leave kasi siya sa trabaho dadating kasi ang boyfriend nya, si Kenneth.
Bigla kong naisip na baka nandoon din sila ni Alexis. Ilang araw narin ang lumipas ng iniyakan ko siya. Bihuhos ko ang lahat lahat ng naramdaman ko noong gabing iyon kaya ngayon ay okay na ako. Sana nga okay na ako talaga.
10:15: PM ng lumabas ako sa office at naghihintay na si Lance sa labas.
"Hey babe! Kamusta work mo?" Sabay halik nito sa akin pagpasok ko sa kotse niya.
"Okay naman babe. Ikaw? Kamusta araw mo babe?"
"Eto, medyo pagod. Wala pa kasi akong tulog eh. Ang daming delayed flights kanina."
"Ganun ba? Eh magpapaumaga ba tayo doon sa lamay?"
"Oo naman babe. Last night na ni tito kaya dapat lang talaga plus, nandoon sila Mommy ngayon. Ipapakilala na kita ha? Please!!!"
"Nahihiya ako babe."
"Bakit naman? Ayaw mo lang siguro silang ma meet?"
"Hindi naman sa ayaw ko. Nahihiya lang talaga ako."
"Wag kanang mahiya babe. Now is the time na ma meet mo na sila. Okay?"
"Okay babe."
"Ayan!!!! I love you so much Sab."
"I love you too Lance."
Sa totoo lang, ayokong ma meet muna ang family ni Lance kasi ayokong ma attach kaagad sa kanila. Malay mo, di naman kami mag tagal nito.
Maya-maya pa ay dumating na kami sa Loyola. Ang daming tao pero sinalubong naman kami ni Hazel at Nicole. Tamang tama nga ako, nandoon nga sila Alexis kasama ang girlfriend niya at si Cass. Naglalaro sila ng cards sa isang table sa gilid.
"Sorry ngayon lang ako nakadalaw ha? Sila Mommy nandito narin ba?" Tanong ni Lance kay Hazel.
Bago palang kasi naka dalaw si Lance dito eh ako naman ay pangalawang beses na ito."Okay lang nu. Naiintindihan ko naman yang trabaho mo. Sila tita nag dinner lang sa labas. Maya-maya siguro babalik na yun. Kasama niya sila Bea tsaka Dane."
"Ah ganun ba. Sige doon na muna kami."
"Sige, andoon sila Alexis Sab oh. Puntahan niyo nalang sila. Magpupuyat din dito ang mga yan eh."
Parang ayoko nalang lumapit sa kanila Alexis pero ayoko din naman na mahalata nila na affected ako na ngayong may girlfriend na siya kaya lumapit padin kami at hinayaan ko nalang. Ako ang unang lumapit sa kanila kasi lumapit pa si Lance sa ibang relatives nila.
"Uy Sab!! Nandito na pala kayo. Mag pupuyat din ba kayo?" Tanong ni Cass.
"Hi Sab!!!! Upo ka dito oh. Sino kasama mo? Si Kat?" Tanong naman ni Alexis sabay offer ng nakanteng chair sa tabi niya.
"Hi, Hello! Kasama ko si Lance ayun siya oh. Oo, magpupuyat din kami." Umupo ako sa tabi ni Cass at hindi sa tabi ni Alexis.
"Sali ka Sab. Ulitin nalang natin para maka sali si Sab." Sabi pa ni Diane.
"Ah, wag na muna. Tapusin niyo nalang yan."
"Oo nga mahal. Hayaan mo na si Sab. Kunwari kapang sasali siya siguro panget yang baraha mo! Hahahah" Sagot naman ni Alexis sa kanya.
"Uy hindi ah. Ano akala mo sa akin? Mandaraya?" Sabay kurot naman ni Diane sa ilong niya.
Dito pa talaga sa harap ko silang dalawa nag kukulitan pero okay lang.
"Yan! Ganyan sila Sab. Kahit sa office ang haharot ng mga yan eh." Sabay turo sa akin ni Cass sa kanilang dalawa habang nagkikilitian.
"Uy ano ba! Maglalaro paba tayo oh punta nalang kayong Sogo?"
"Eto naman si Cass. Mag love life ka narin kasi para naman ma feel mo kung gaano kasarap mag harutan. Ahhahahha diba Sab?"
"Ahh- Oh-Oo nga naman Cass."
Biglang dumating si Lance sa table namin.
"Hi po sa inyo." Bati nito.
"Uy Lance. Upo ka oh. Si Diane pala, girlfriend ko."
"Ahhhhhh. Kaya pala familiar siya. Iisang department kayo diba? Nice meeting you Diane."
"Nakita kita noong new years party namin eh. Diba nandoon ka?"
Hindi ko ma gets ang sinabi ni Diane kay Lance pero nakitang kong nanlaki ang mata nito.
"Ahhhhhhh. Si Sab pala, girlfriend ko."
"Yeah. Nag meet na kaya kami niyan." Sagot naman ni Diane sa kanya.
Binulungan ni Alexis si Diane at bigla itong napahawak sa bibig niya. Hindi ko alam kung ano ang sinabi pero parang may tinatago ito. Si Lance naman ay parang hindi agad mapakali.
Gusto ko ng tanongin si Lance kung ano ang sinabi ni Diane pero mamaya nalang pag kaming dalawa nalang kasi baka mag away pa kami dito. Palalagpasin ko na muna to at magkukunwaring tanga.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomansaYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...