34: Kainis!

1.9K 71 10
                                    

Alexis

📞"Hello? Haze? Asan ka?"

"Nandito lang sa condo kasama si Nics. Bakit?"

"Punta ako diyan."

"Okay. Magdala ka ng food ha?"

"K."

Agad akong nag drive papunta sa condo nila Hazel. Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ko pero ang alam ko lang ay gusto kong may mapaglabasan ng sama ng loob.

Nag drive thru muna ako bago dumiretso sa condo nila.

Ng dumating na ako ay nadatnan ko silang magkayakap sa sofa habang nanunuod nag tv.

"Ang sweet niyo naman. Nakaka istorbo ba ako?"

"Oo! Hahahah joke lang. Uy wow fries!" Sabi pa ni Hazel.

"Oh? Bat napa dalaw ka? Miss mo agad kami?"

"Galing akong Mega Mall kasama ko si Sab."

"Eh asan si Sab?"

"Naiwan dun!"

"Ha? Bat mo iniwan?"

"Eh kasama naman niya pinsan mo eh."

"Si Lance?"

"Sino pa ba?"

"Halika ka nga, pagusapan natin to." Hinila ako ni Hazel papunta ng sofa para mag usapan ito.

"Nag seselos yata si Alexis eh" Asar pa ni Nicole.

"Hindi ah! Bat naman ako mag seselos?"

"Eh ano na? Mag kwento ka nga." Sabi naman ni Hazel.

"Ganito kasi yun, niyaya akong ni Sab mag mall kasi daw na miss niya na ako. Edi ayun, kwentuhan, pasyal, kain dito. Hanggang sa tawag ng tawag yang pinsan mo. Kinakausap ko si Sab hindi na sumasagot tapos puro cellphone na ang kaharap hanggang sumunod sa coffee shop si Lance. Okay lang naman sana eh kaso na a-out of place na ako sa kanila. Pag nag uusap sila nag bubulungan. Hayyy nako."

"Intindihan mo nalang. Minsan lang kaya sila mag kita." Sabi pa ni Hazel.

"Eh minsan din naman kami mag kita ni Sab. Tapos akala ko lakad naming dalawa yun, nag mukha pa akong chaperone."

"Oh tapos?"

"Tapos umalis ako saglit habang nasa coffee shop kami, nag punta ako ng watsons para makapag escape muna sa kanila. Pag balik ko ay magkayakap na."

"Hahaha ang bilis ni Lance ah." Tawa pa ni Hazel.

"Eh kung kayo ba, babalik pa kayo?"

"Eh ako siguro hindi na." Sabi naman ni Nicole.

"Kaya nga nagpaalam na ako at umalis."

"So naiwan silang dalawa doon?"

"Oo. Bahala sila."

"Alam mo Lex, sa galawan mo na yan para kang nagseselos!"

"Hazel naman eh. Ako nga diba nagpakilala kay Sab tsaka kay Lance? Bakit naman ako mag seselos?!"

"Tapatin mo nga ako, nag seselos kaba?"

"Hindi."

"Hindi na hindi mo alam o hindi na hindi ka nagseselos?" Follow up pa ni Nicole.

"Hindi ako nag seselos!"

"Eh bat ka nagagalit?"

"Hindi naman ako ganun ka galit eh. Nakakainis lang kasi."

"Hindi ka galit pero naiinis ka? Ano kaya yun?"

"Ewan! Hindi ko alam!"

"Wag kanang mag tampo. Baka sila na, ayaw lang nila ipa alam. Kamusta pala yung birthday ni Diane?" Tanong pa ni Hazel.

"Hay nako! Okay naman. Saya nga namin eh. Ayaw na naman magpa awat ni Cass sa videoke. Inaangkin na naman yung mic. Hahahah"

"Talaga? Hahaha bwiset na Cass. Eh si Diane? Kamusta kayo?"

"Ha? Wala. Alam niya naman na ayoko nga ng relasyon eh. Kung gusto niya edi Fubu."

"Hahahahha Gaga ka talaga no? Ang manyak mo Lex! Pumayag siya?"

"Ayaw niya eh. Hahahaha Gusto niya kasi yung seryoso."

"Di mo ba type yun? Mabait naman si Diane ah!"

"Eh paano? Si Sab type niyan eh." Dugtong pa ni Nicole.

"Uy hindi ah! Basta! Ayaw ko nga mag commit. Okay naman si Diane. Mabait, maganda, sexy din kaso ayoko ko lang talaga matali. Yun lang!"

"Alexis, kung natatakot ka na maging failed din to gaya ng past relationship mo eh wag kang ganyan. Magkaiba naman sila eh." Paliwanag pa ni Nicole.

"Darating din ako diyan Nics! Hindi pa siguro ngayon tsaka ayoko namang saktan si Diane. She deserve someone who is better than me."

"Ikaw na talaga Alexis! Napaka pogi mo!" Sabi namab ni Hazel habang nag so-slow clap.

"Hahahah eh ganyan talaga eh."

"Total ganyan naman pala, mag luto ka ng dinner. Ilabas mo yung chicken sa ref."

"Wow! Galing mo din Haze no? Okay! Anong luto ba gusto niyo?"

"Afritada please!" Sagot naman ni Nicole.

Nagluto na nga ako at sabay sabay na kaming kumain. Hanggang paguwi ay naiinis parin ako kay Sab.

Pagdating ko na ng bahay ay agad akong nag half bath at humiga na ako sa kwarto. Pinatay ko na kaagad ang ilaw para makatulog na ako ng maaga ng biglang nag ring ang cellphone ko.

Si Sab.

📞" Hello? Lex?"

"Oh"

"Lex!!!!!!! Kami na!!!!!" Excited na pagkasabi nito sa akin na parang wala lang nangyari. Ang insensitive naman nito.

"Wow. That's good. I'm happy for the both of you."

"Talaga? Bat ang lungkot ng boses mo?"

"Sorry ha? Natutulog na kasi ako eh."

"Ganun ba? Sige, sorry sa istorbo ha? Gusto ko kasi ikaw kaagad ang unang maka alam eh."

"Okay lang no. Masaya ako para sa inyo."

"Thank you! Sige na matulog kana ha? Goodnight Alexis."

"Sige. Goodnight."



Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ako masaya. Ano ba naman to oh! Ang gulo naman ng nararamdaman ko eh. Kainis!






~~~~~~~~~~

Kamusta po new year niyo?

Sa mga single diyan, sana maka hanap na kayo ng mamahalin at mag mamahal sa inyo this 2018. ❤️ simulan niyo na maghanap dito. Malay niyo, silent reader din pala dito sa story ko ang destiny niyo.

❤️❤️❤️❤️❤️

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon