Sab
Umaga na ng nagising ako. Hindi ko namalayan na sa carpet kami nakatulog ni Alexis. Naka higa ako sa braso niya habang nakayakap. Nagkalat sa tabi namin ang mga bote ng alak na nainom namin kagabi.
Gising narin si Hazel na nadatnan kong nag luluto ng breakfast.
Agad akong bumangon at naiwang nakahiga si Alexis. Baka ano pa ang isipin nila pag makita nila kaming magkayakap matulog.
Dumiretso ako sa kitchen para mag hilamos.
"Goodmorning Haze."
"Oh hi. Good morning din Sab. Kamusta tulog mo?"
"Uhmmm. Ok naman. Hindi ko nga namalayan na doon na pala kami naka tulog ni Alexis eh."
"Ang sweet niyo ngang matulog eh. Bagay kamo. Hahaha"
"Nako! Wag kang ganyan. Hahaha"
"Bakit? Kayo naba ng pinsan ko?"
"Nako, hindi pa. Hindi naman nanliligaw yun eh."
"Talaga? Ito lang ang masasabi ko sayo Sab ha? Kahit sino o ano man ang gusto mong mahalin eh suportado kita. Okay?"
Na touched naman ako sa sinabi ni Hazel sa akin.
"Okay. Salamat."
"Basta ikaw. Gisingin mo na sila please ng makapag almusal na tayo. Tanghali na oh."
"Okay. Sige."
Una akong lumapit kay Alexis para gisingin siya.
"Alexis? Uy Lex, gising na breakfast is ready."
Hindi parin ito nagigising. Lumuhod ako sa tabi na siya mas lapitan siya.
"Lex? Kakain na tayo. Gising na tanghali na."
"Uhmmmm. Tulog pa tayo." at bigla akong hinila pababa tamang tama lang na nasubsub ako sa dibdib nito. Hindi ako nakaalis sa pagkakayakap niya.
"Uyyyyyyy. Ang aga-aga magkayakap ah." Puna ni Nicole sa amin. Nasa likod na pala namin siya.
"Alexis, ano ba. Bumangon ta na nga." Sabay kalas ko sa kakayakap niya."
"Hang over pa siguro yan Sab. Halika na muna. Hayaan mo na muna yan."
"Ahhh. Okay, sige."
Nagising na ang lahat maliban kay Alexis. Nasa mesa na kami para kumain pero siya ay nakahiga parin.
"Hindi parin ba gigising si Alexis?" Tanong ni Kat.
"Buti pa gawin mo nalang yung pampagising mo sa kanya Cass." Sabi pa ni Hazel.
"Hahahaha sige, wait lang!"
Agad na tumayo si Cass at lumapit ito kay Alexis na tulog na tulog parin.
May binulong ito kay Alexis at himalang nagising ito kaagad.
"Ayun, gising na. Hahaha" Sabay upo na balik sa mesa.
"Galing ah. Ano ba sinabi mo sa kanya Cass?" Tanong ko.
"Sabi ko pag di pa siya bumangon e hahalikan ko siya. Hahahah"
"Talaga? Yun ang sinabi mo?"
"Hahahaha takot kasi yan halikan Sab. Ginawa na kasi dati ni Cass sa kanya yan." Paliwanag pa ni Nicole.
"Hahahah. Oo Sab. Noong nasa Subic kami. Ayaw niya magising kaya ayun! Hahahah." Dugtong pa ni Hazel.
Natawa nalang ako sa mga kinukwento nila sakin hanggang sa bumangon na nga si Alexis.
"Anong breakfast? Tanong nito habang nagkukusot pa ng mata.
"Upo kana Lex. Sabayan mo na kami." Anyaya pa ni Hazel sa kanya.
"Sige, cr muna ako saglit."
Umalis ito at pag balik ay bagong hilamos na. Tumabi ito sa akin.
"Good morning." Sabay ngiti.
"Good morning din. Eto oh!" Sabay abot ko ng ulam sa kanya.
"Ang sweet niyong natulog kagabi. Para kayong mag jowa. Hahaha mas sweet pa kayo kay Hazel at Nicole eh." Pag puna ni Cass.
"Hahahaha nakita mo din pala Cass?" Tanong ni Hazel sa kanya.
"Oo no! Nagising ako ng mga 5 Am yata tapos kitang kita kong magkayakap tong dalawang tong oh. Hahahha."
"Uy exaggerated kana man yata ah! Ano kaba!" Kitang kita ko ang pamumula ni Alexis habang inaasar na kaming dalawa.
"Diretsohin mo na na ako Sab. Akala ko ba best friends tayo?" Dugtong pa ni Kat.
"Isa kapa Kat ha? Hahaha tumigil nga kayo."
"Oo nga. Napaka malisyosa niyo naman eh malapit na ngang sagutin ni Sab si Lance diba?"
"Ewan ko sa inyo. Ang dudumi ng utak niyo."
Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang. Pagkatapos naming kumain ay isa isa na kaming nag pasyang umuwi. Maglalaba pa kasi kami ni Kat ng bed sheets at kurtina. Si Alexis ay umuwi nadin kasama si Cass.
Habang nasa boarding na kami ni Kat ay nagpahinga muna kami saglit. Habang naka higa sa kama ay nagsimula na naman ito.
"May gusto kaba kay Lance?" Tanong nito habang nakahiga sa tabi ko.
"Hmmm. Gusto ko siya pero hindi naman ibig sabihin nun na gusto ko narin siyang maging boyfriend agad. I just liked him because he's kind, pogi din tsaka maginoo."
"Talaga? Eh si Alexis?"
"Paano naman napunta kay Alexis to?"
"Eh syempre no, nakakahalata na kaya ako. Ano ba nararamdaman mo?"
"Nakakahalata ng alin? Wala, friends lang kami no. Tsaka babae kaming pareho."
"Eh hindi naman labo kahit pareho kayong babae eh. Tignan ko si Hazel tsaka si Nicole. Masaya naman sila diba?"
"Iba silang dalawa no. Iba din kami ni Alexis."
"Basta pag na confuse kana eh nandito lang ako. Okay?" Sabay tayo nito para kunin ang mga punda ng unan namin.
Bigla kong naisip kung nararamdaman din ba ni Alexis ang nararamdaman ko kapag magkasama kami?
Hindi. Ayoko. Mali ito.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomantikYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
