Kinabukasan sa office ay lutang ang isip ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos at kulang ako sa tulog. Hinatid ko pa kasi sila Sab sa boarding house nila at pagdating na sa bahay ay hindi ako nakatulog agad sa kakaisip kay Sab.
"HUYYY!!!!" Gulat sa akin ni Cass.
"Ano ba! Bat ka ng gugulat?!"
"Eh bat ka tulala? Hahahah"
"Wala. Hindi lang kasi ako nakatulog ng maayos kagabi."
"Bakit? War parin ba kayo ng bebe love mo?"
"Hindi yan. Iba!"
"Hah?! Iba na bebe love mo?!"
"Baliw!!!"
"Ano nga kasi?"
Lumapit ako kay Cass at ikinuwento sa kanya lahat ng nangyari kagabi. Nagmumukha na kaming chismosa sa kabubulungan namin. Nagtitinginan na ang ibang kasama namin maliban kay Diane kasi OA maka react si Cass sa sinasabi ko sa kanya. Dedma parin kasi ako kay Diane kahit sinusuyo ko na siya.
"Talaga?! Ganun siya ka lasing?!!" Gulat na tanong nito sa akin.
"Oo! Ang wierd nga eh."
"I knew it!! I knew it! I knew it!"
"Cass!!! Hinaan mo nga boses mo!!"
"Ay sorry! So paano na ngayon to?"
"Wala!"
"Anong wala? Sinabi mo rin ba na mahal mo siya?"
"Sasabihin ko tapos ano? Pagsasabayin ko na naman sila gaya ng dati?"
"Oo nga no?! Bat ganito palagi kapalaran mo sa love? Hahaha ang wierd!"
"Ayokong maulit pa yun."
"Mahal mo din ba siya?"
Hindi ako sumagot.
"Lex, kahit hindi mo sabihing mahal mo siya eh obvious naman eh."
"Naaawa ako kay Diane."
"Eh paano pag single na ulit si Sab? Are you gonna let her go again kasi naaawa ka kay Diane?"
"Hindi ko alam. Nahihirapan akong magisip. Hayyyyyy"
"Yan! Kasi nag commit ka rin kaagad! Ang labo mo Lex! Duwag ka!"
"Ayokong masaktan siya."
"So anong balak mong gawin?"
"Wala. Wala akong gagawin."
"Okay. Talo na si Sab!"
"Ha?! Paano mo nasabi?"
"Eh si Diane na pinili mo eh."
"Eh wala naman akong ginagawa ah!!!"
"Ewan ko sayo Alexis! Ang tanga mo! Mag isip ka nga! Oh ayan na girl friend mo oh! Gora na muna ako!"
Agad itong lumayo sa akin habang papalapit si Diane.
"M-Mahal?"
"Gusto kang makausap ni Sir and he wants you to be in his office now."
Lumakad agad ito palayo sa akin pero pinigilan ko siya.
"Let's have dinner tonight. Hihintayin kita sa sasakyan."
Tumango lang ito sa akin at umalis. Pumasok na ako sa office ng boss ko at usap kami about a new security procedures. Ang dami na namang pinapagawa sa akin na floor plans pati na reports.
Kinagabihan ay hinintay ko si Diane sa parking lot pero as in sobrang tagal nitong dumating. Tinawagan ko siya pero hindi naman nito sinasagot. After an hour ay lumabas na din.
"Ang tagal ko ba? Sorry ha? Pina-over time ako kasi ni Sir ng one hour eh."
"Bat di mo sinabi kanina nag mag oover time ka pala?!"
"Galit ka? Edi umuwi ka nalang."
"Hayyy. Kailangan nga nating mag usap diba?"
"Okay. Saan tayo?" Tanong nito sabay pasok sa kotse.
"Kakain tayo."
"Saan?"
"Sa bahay. Ipagluluto ko sana yung girlfriend ko eh."
Tumingin ako sa kanya at halatang pinipigilan niya lang ang ngiti niya.
"Wag kanang magalit mahal. Peace na tayo ha?" Sabay hawak sa kamay niya.
"Sabihin mo munang mahal mo ako."
"Kailangan pa bang sabihin yan?"
"Oo naman."
"Mahal kita Diane."
"Talaga?"
"Oo nga! Kulit naman eh!"
"Ahhhh. Nakukilitan ka sakin? Sige, dinner ka mag isa." She tried to open the door.
"Uyyyy! Joke lang. Mahal naman eh."
Ngumiti lang ito sa akin at hindi nagsalita. Ang hirap naman suyuin nitong si Diane.
Pagdating sa bahay ay agad akong naghanda ng lulutuin ko para sa aming dalawa. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang adobo.
Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ang mesa habang siya naman ay nakaupo lang sa sofa at nanunuod ng tv.
"Mahal kain na tayo." Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya.
"Tara na sa mesa?"
"Hmmmmm. Mukhang masarap ah! Matikman ko nga."
"Upo kana ng maka kain na tayo"
Sabay kaming umupo para kumain. Ako ang naglagay sa kanya ng kanin at ulam at agad naman niya itong tinikman. Inabangan ko ang pag subo niya para tignan ang reaksyon niya sa lasa ng niluto ko.
"Masarap ba mahal?"
"Hmm. Okay narin."
"Okay lang? Hindi gaano masarap?"
"Hmmmmmm....masarap! Hahaha binibiro lang kita. Kumain kana."
"Talaga? Ay salamat naman at nagustuhan mo."
Ngumiti lang ito at nagpatuloy na sa pagkain. Alam kong medyo galit parin si Diane sa akin kasi hindi niya ako nilalambing at iba ang mga tingin niya sa akin. Hindi niya rin ako tinatawag sa tawagan namin. Habang pinagmamasdan ko siya kumain ay naalala ko si Sab at ang mga nangyari kagabi. Na gi-guilty ako kapag may tinatago kay Diane. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya kasi mas lalong sasama ang tingin niya kay Sab at sa akin narin. Gusto kong ayusin to at kausapin siya pero hindi pa ako maka hanap ng magandang tyempo.
Pagkatapos kumain ay agad akong nagligpit ng pinagkainan. Maghuhugas na sana ako ng plato ng lumapit ito sa akin.
"Ako na diyan. Mag pahinga kana lang. nakakahiya naman na ikaw na nga nagluto tapos ikaw pa maghuhugas ng plato."
Nagulat ako sa ginawa niya ng kunin niya ang mga maruming plato pati na ang sponge.
"M-mahal naman.... A-ako nalang.." napa atras ako.
Hindi ito sumagot. Tumingin lang ito sa akin at sumenyas na umupo nalang.
Habang nakatalakod siya at nag huhugas ay hinubad ko ang suot kong apron at pinasuot sa kanya habang nakatalikod parin siya. Hinalikan ko siya sa pisnge at niyakap.
Humarap ito sa akin at hinalikan ako balik sa labi. Damang dama ko ang pagkamiss niya sa akin sa mga halik niya. Madiin at dahan dahan na halik na tumagal ng halos isang minuto.
"I'm sorry kung selosa akong masyado ha? Takot lang talaga kasi akong mawala ka."
Hindi na ako sumagot at niyakap nalang siya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang yakap na nagsasabing patawarin niya ako.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
