88: Can't help it

1.7K 61 14
                                        

Alexis

3:00 AM ay nagising na ako para ayos. Pupunta ako ngayon ng Zambales kasi sabi nila follow your heart kasi eh. Bahala na pero liligawan ko si Sab kahit hindi ako marunong at first time kong gagawin to.

Medyo kinakabahan ako pero bahala na kung ano ang madatnan ko mamaya. Gustong gusto ko lang talaga siyang makita eh. Walang akong oras na sasayangin makasama ko lang siya.

7:30 AM ng dumating ako sa Zambales. Hindi ako alam yung sa kanila pero nakita ko ang location sa ipinost niyang pic sa IG na nasa bahay nila kaya yun nalang ang ginamit ko. Google Map ang best friend ko ngayon.

Ilang beses din akong nagpa ikot-ikot sa bawat kalye hanggang sa nakarating narin ako. Merong malaking talyer akong nakita kaya nag tanong ako doon.

"Excuse me. Good morning po Sir. May kilala po ba kayong Sabrina na naka tira dito sa street na to?"

"Aba. Oo naman. Anak ko yun eh. Kaibigan kaba niya? Halika iha. Pasok ka muna." Sabay punas ng kamay niya sa dala niyang towel ay pinapasok ako sa bahay nila.

Pag pasok sa talyer ay may malaking bahay sa likod at doon sila nakatira.

"Pasensya na iha dito kita pina daan. Lock pa kasi yung gate kasi maaga pa. Saan kaba galing?" Sabay tingin sa dala kong bulaklak.

"Ok lang po yun. Sa Manila po. By the way, Alexis po ang pangalan ko."

"Ahhhhhh. Okay. Ang aga mo pang dumalaw ah. Hehehe halika pasok ka. Maaaaaa, may bisita si Sab oh."

Pagpasok ko sa bahay nila ay nagaalmusal ang dalawa niyang kapatid at naghahanda para pumasok sa eskwela.

"Goodmorning po. Ako po si Alexis, kaibigan ni Sab." Bati ko sa Mama niya.

"Good morning din iha. Upo ka muna, gigisingin ko lang si Sab sandali."

"Sige po, thank you."

Habang naka upo ako ay umiikot ang mga mata ko sa mga pictures na naka sabit sa kanilang pader. Ang cute-cute ng mga baby pictures ni Sab.

Ng nakita kong pababa na si Sab sa hagdan ay agad akong tumayo at hawak hawak ang bulaklak na dala ko.

Bagong gising siyang humarap sa akin at gulat na gulat.

"Anong ginagawa mo dito?????? Ang aga mo pa ah."

"Syempre para makita ko ang mukha mong bagong gising.hahahah. Para sayo." Sabay abot ng bulaklak.

"Loko ka talaga. Bakit mag ganito pa? Hahahaha. Halika, almusal tayo."

Hinila ako ni Sab papuntang mesa para kumain. Kinuhaan naman ako ng Mama niya ng plato. Nagpaalam na ang mga kapatid niya at kaming dalawa nalang ni Sab ang kumakain sa mesa.

"Kain po tayo, Tita."

"Sige, mamaya na ako. Kain ka ng marami." Sabay ngiti sa akin at lumabas.

Magkaharap kami ni Sab at halos hindi ko matanggal ang mga ko kakatitig sa kanya. Sobrang na miss ko siya.

"Kumain kana. Di ka mabubusog kakatitig sakin."

"Busog na busog na nga yung puso ko eh."

"Talaga lang ha????? Hahahaha. Ano pala to? Bakit ka nandito?"

"Ano pa ba? Edi manliligaw sayo!!!"

"Hahahahahahahhahahahah. Seryoso ka?"

"Oo naman. As I have told you, I will never gonna let you go again."

"Ganun?"

"Pwede ba? Kakausapin ko parents mo."

"Tapang mo ha? Hahahah"

"Nawala sakin ng matagal ng naging duwag ako. Ayoko ng mawala ka ulit. Kung kailangan ko silang kausapin, gagawin ko. Bahala na."

"Pinapa-bilib mo ako ha? Hahaha. Alam na nila ang tungkol sayo."

"Ha?? Anong tungkol sakin?"

"Noong araw na paalis ako, sinabi ko sa kanila Mama at Papa ang tungkol sayo. Ang bigat kasi sa puso Lex."

"So kilala nila ako?"

"Hindi nila alam na ikaw pero alam nilang may ikaw."

Nagulat ako sa sinabi ni Sab at nakaramdam ako ng kaba.

"Nagalit ba sila?"

"Hindi naman. Sa una hindi nila maintindihan pero umiyak ako at naawa sila."

"Baka ipagtabuyan ako ng parents mo pag nalamang ako yun."

"OA mo naman. Hindi naman siguro. Mamaya nalang tayo mag usap. Kumain kana muna."

"Sige. By the way, anong plano mo today?"

"Plano ko sanang mag ligpit ng kwarto ko eh."

"Tulungan na kita!!!"

"Okay lang sayo?"

"Oo naman. Gustong gusto ko nga eh.

"Sige, pagkatapos nating magligpit papasyal tayo sa beach."

"Talaga? May malapit bang beach dito????"

"Oo. Diyang lang oh! Tapos pwede pa tayong kumain ng mga seafoods."

"Gusto ko yan!!! Sige!!!!"

"Tapusin mo na yang pagkain mo at aakyat na tayo sa kwarto."

"Yes, boss."

Masayang masaya ako ngayon at kasama ko si Sab pero syempre kinakabahan ako sa parents niya lalo na ng nalaman ko na alam na pala nila. Handa akong kausapin sila in the name of love.

Mahal ko si Sab. Hindi ko hahayaang mawala ulit siya sakin. Kahit araw araw akong pumunta dito sa Zambales para makasama lang siya ay gagawin ko. Susulitin ko ang bawat minuto na nandito siya hanggang sa mahalin narin niya ako ulit.

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon