Sab
Pagkagaling ko sa apartment ni Alexis ay dumiretso na agad akong umuwi sa boarding house. Wala si Kat doon at ako lang mag-isa. Gusto mo sanang bumalik sa bahay nila tita sa Makati pero bigla ginusto ng katawan ko ang humiga nalang at magpahinga.
Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang na datnan ko sa bahay niya pero wala naman akong magagawa eh. Alam ko si Alexis, alam kong gawain niya iyon. Gusto ko siyang awayin pero bakit naman? Meron ba akong rason para magalit? Wala.
Hindi ko alam kung bakit masikip ang dibdib ko ngayon pero pilit kong nilalabanan. Habang nakahiga sa kama ko ay tumawag si Lance. Gusto niyang mag lunch kami kaya naligo nalang ako at nag ayos.
Maya-maya pa ay sinundo na niya ako sa boarding house at dumiretso na sa isang resto.
"Kamusta new year mo babe?"
"Ok naman babe. Masaya kaso wala sila mama eh. Hindi sila lumuwas. Ikaw?"
"Ok din naman babe. Masaya sila Lolo ay Lola na naka uwi ako doon. Hinahanap ka nga nila eh."
"Talaga? Bakit naman?"
"Eh sabi ko kasi nag-asawa na ako eh. Hahahahhaha"
"Talaga?! Bat mo naman sinabi yun?"
"Biro ko lang yun sa kanila babe. Hahahaha"
"Loko ka talaga babe. Na miss kita."
"Ako din. Miss na miss ko ang yakap mo."
"Yakap lang?" Biro ko sa kanya.
"Syempre pati na yung mga labi mo no. Araw-araw kong namimiss yan babe."
"Talaga? Parang di naman eh."
"Abaaa! Parang ikaw nga yung di ako na miss eh."
"Hahahahha. Syempre na miss ko din no? Actually, on the mood ako ngayon."
"Uyyyyyyyy. I like it. Paputok tayo?"
"Hahahhaa. Nakakatawa ka."
"Eh new year naman syempre may paputok."
"Hahaha bawal na daw magpaputok eh."
"Hindi kaya. Hinaan lang natin. I'll be gentle."
"Aba!!!! Ahahhaha. Talaga lang ha?"
"Try me babe."
Natawa ako kay Lance dahil sa mga dirty talk namin. Ang cute niya habang nang aakit talaga namang nadadala ako.
Pagkatapos kumain ay nag check in kami ni Lance. Halatang halata na excited siya kasi ngiti ito ng ngiti sa akin na parang bata.
Doon na nga nangyari sa amin ni Lance ang first namin. Ginalingan ko itong masyado para naman wala siyang masabi. Mahal ko si Lance kaya handa akong paligayahin siya.
Pagkatapos ng nangyari ay hinatid ako ni Lance pauwi sa boarding house. Bukas ay balik pasok na naman ako kaya kailangan ko ng magpahinga. Hindi ko makakalimutan ang 1st day of this year. Ang daming nangyari ngayong araw. Masaya kami ni Lance ngayon at alam kong sasaya pa ako sa piling niya.
Pagkatapos mag half bath para mag ready ng matulog ay tumawag si Alexis.
📞 "Hello? Lex?"
"Thank you pala sa cake na dinala mo. Sorry wrong timing at hindi kita na entertain. Happy new year ulit."
"Okay lang. Naiintindihan ko naman eh. Masarap ba? Ako ang nag bake niyan eh. Para lang talaga sayo."
"Wow!! Talaga?! Wow!! As in wow!"
"Ang OA mo ha! Tinulungan naman ako ni tita diyan."
"Wow kasi nag effort ka para sa akin. Akala ko binili ko lang to eh."
"Syempre naman. Mag eeffort talaga ako para sa special friend ko."
"Pwede bang kunin nalang yung friend tapos palitan naman ng someone?"
"Huh??!?!"
"Wala! Heheheh. Pinuntahan kaba ni Lance?"
"Ah Oo, kakahatid nga lang niya eh. Yung girlfriend mo, umuwi na ba?"
"Hindi ko pa nga girl friend yun! Okay ba siya? Sexy no?"
"Pangit niya!"
"Ay??!"
"Mas maganda ako!!!! Hahaha!"
"Maganda ka nga, taken naman!"
"W-what do you mean?"
"Ahhhhhh. I mean, taken karin ng Poging lalaki. Pogi si Lance diba?"
"Ang labo mo naman. Hahaha syempre no, irereto mo ba ako sa pangit? Hahaha"
"Syempre hindi. Kailan tayo ulit mag kikita?"
"Hmmmmmm. Soon. Pag di kana busy sa girlfriend mo."
"Hindi ko pa nga to girlfriend eh."
"Grabe ka no?"
"Ha? Bakit naman?"
"Eh hindi ko pa nga girlfriend eh nakuha mo na?"
"Uy walang nangyari sa amin no!"
"Wooooooo! Sinungaling!"
"Promise wala!!!"
"So ano yun? Trip niyo lang talagang magpanty tapos hindi magsuot ng bra?"
"Hahahahahha. Basta walang nangyari."
"Akala mo ba maniniwala ako sayo?"
"Dapat kang maniwala."
"Hahahah. Sinungaling ka talaga."
"Wala ngang nangyari kasi dumating ka!"
"Ahhhhhhhhh. So kasalanan ko kung bakit hindi na tuloy? Sorry ha!!!"
"Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga! Andun na ako eh! Hahahahahhaha"
"Bwiset ka!"
"Joke lang! Pero wala talaga. Pagalis mo eh natulog na kaming dalawa."
"Edi kayo na ang mababait at natulog kaagad."
"Galit kaba?"
"Hindi ah!"
"Bat ganyan ang tono mo? Selos ka?"
"Duh!!!!!!! Bakit naman ako magseselos eh may Lance ako. Mukha mo!!!"
"Ouch. Sakit nun ah! Oo nga, may Lance ka na nga. Sige, pahinga kana. Happy new year ulit at thank you sa cake."
"Sino ngayon ang pik-...." 📞
Agad nitong binaba ang phone at hindi na ako pinatapos ng pagsasalita.
Hindi naman talaga ako nagseselos eh. Para ano pa ang pagseselos ko kung alam ko namang wala akong right maramdaman to. Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay niya. Kung ganitong set up ang gusto niya sa friendship namin eh bahala siya. Ginagawa ko naman lahat para walang may mag iba sa amin pero siya talaga ang may gusto ng malabong ugnayan.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
