Sab
Nagliligpit ako ng kwarto habang kausap si Lance sa video chat. Nasa trabaho na kasi siya at ako naman ay bukas pa ang balik. Nagpapalit ako ng mga bed sheets kasi ngayon uuwi si Kat galing Cebu. Siguro magagalit na naman yun kung marumi ang kwarto.
Matapos kong maglinis ay naligo na ako. Maya-maya pa ay dumating narin si Kat.
"Uyyyyyyy!!! Ang daming dala ah! Para sa akin ba lahat ng iyan?" Biro ko sa kanya.
"Grabe ka naman. Syempre bibigyan mo sila Alexis no!"
"Ayoko nga! Akin na lahat to!" Sabay yakap sa dala niyang chicharon.
"Ang takaw mo!! Akin na nga muna yan."
"Kat naman eh!!! Kamusta pala ang bakasyon mo? Asan si Kenneth?"
"Eto, pagod sa byahe. Umuwi muna sa bahay nila. Ikaw? Kamusta bakasyon mo kasama ang boyfriend mong manloloko?"
"Sobrang daming nangyari sa bakasyon ko Kat. Hayyyy nako!!!"
"Like what?"
"Like....... wait! Ano nga pala ang importanteng sasabihin mo sakin ng tumawag ka habang nasa Siargao kami?"
"Ahhhh. Ayun!!! Halika ka, upo ka muna."
Umupo kami ni Kat sa kama at parang seryoso tong paguusapan namin.
"Diba a week before mag valentines kami nagpuntang Cebu?"
"Oo, so?"
"Eh diba bati na kayo ni Lance mga time na yun?"
"Oo. Kasi nga diba? Yung kinuwento ko sayo na hinarana niya ako sa labas ng office kasama si Alexis."
"Correct. Eh diba may trabaho pa siya a week before kayo umalis? May sinabi ba siya sayo kung nasaan siya?"
"Sabi niya lang naman na may flight siya." Nagdududa na ako sa sasabihin ni Kat.
"Nakita ko siya sa hotel na tinutuluyan namin ni Kenneth. Kasama niya ang girl na nasa video ni Alexis. Yung Hayley ba yun?"
Parang nanginig ang laman ko sa sinabi ni Kat sa akin. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ang bilis ng takbo ng puso ko at parang nanghihina ang tuhod ko kahit naka upo ako.
"I swear Sab. Alam kong si Lance yun. Hindi ako pwedeng magkamali." Sabay hawak ni Kat sa kamay ko.
Nakayuko lang ako at nanggigilid na ang mga luha. Hayop siya. Manloloko.
"Wag mong pigilan Sab. Iiyak mo."
"Bat ko iiyakan ang hayop na lalaking yun? Tara! Inom nalang tayo!"
"Seryoso ka?"
"Tara na nga."
Hinila ko si Kat palabas ng bahay at pumunta sa pinakamalapit na bar. Habang nasa taxi ay si Lance ang iniisip ko. Paano niya nagawa sa akin to? Paano siya nakakatingin sa akin ng diretso habang niloloko ako. Ginagawa niya akong tanga.
Pagdating sa resto bar ay umorder na agad ako ng beer. Si Kat naman ay nakatingin lang sa akin.
"Hindi kaba iinom? Sabay mo ako!!!"
"Sige lang, ikaw nalang muna."
"Ayokong kaawaan mo ako Kat. Sige na! Oh! Cheers!!" Binigay ko kay Kat ang isang bote ng beer.
"Anong plano mo kay Lance?"
"Ano pa?! Edi hiwalayan?"
"Kung ako sayo, wag na muna."
"Bakit hindi? Patatagalin ko pa to?! Kat naman!"
"Dapat yung mahuli mo siya sa akto. Dapat yung wala na siyang lusot! Alam mo yun!"
"Kailangan pa bang gawin yun Kat?"
"Oo naman. Yung ipapamukha mo sa kanya na kung akala niya malulusutan ka niya, doon siya nag kakamali."
"Bwiset siya!!! Wala siyang hiya! Paano ko naman gagawin yun?"
"Wag kang sumigaw! Nakakahiya ka! Umayos ka nga! Wala pa tayong isang oras dito nakadalawang bote kana."
"Gusto kong maglasing Kat!! Gusto kong mawalan ng malay para makalimutan ko ang sakit. Ang sakit Kat. Ang sakit sakit!!!!"
"Alam ko! Kaya nga tayo gaganti diba?"
"Paano nga?! Paano ko siya mahuhuli sa akto?"
"Edi patulong ka kay Alexis!"
"Ayan!! Isa pa yan!!!!! Yang Alexis na yan eh manhid din eh!!!"
"Oh bakit naman??! Yang babaeng yan yung may kasalanan kung bakit ako naloko ngayon! Puuuuuut@ngin@ng buhay tooooooooo!!!!"
"Uy wag kang sumigaw! Sab!"
"Sab!!!!"
.....
.......
Bsbzhsbs s zj. Shzjsns ......
.....$/8$/&//&.!?????
.......?????????
"Ha? Bakit?!!!!!"
........
Zzzz
.....
"A-ano ba Kat!!!!"
........
"Waaaaaaaaahahahahaha!!! Hindi ako lasing!!!!"
"Ulol!!! Sino niloko mo?! Ako?! Gago!!!!!!! Hahahahhaha"
Shajsjsjhsnsbehs s. J....
..........
............
Z.................
"Hayop na Lance yan!!! Sinungaling!!!!!!"""
......
......

BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...