1: Sab

11.7K 164 8
                                    

Sab

Tulog daw ang puso ko. Yan ang sabi ng best friend ko kapag may binabasted akong mga nirereto niya. Hindi naman sa choosy ako pero hindi lang talaga nila mahuli ang kuliti ko. Tsaka parang ang bata ko pa para mag seryoso sa love life. I'm just 22 years old at nagtatrabaho sa isang Casino. Nagka boyfriend din naman ako dati noong college pero hindi naman ganun ka seryoso kaya nauwi lang sa hiwalayan.

"Masyadong magulo ang buhay ko ngayon para unahin ko pa yang Dexter na yan noh!" Sabi ko kay Kat habang nag aayos ng higaan. Siya ang best friend ko.

"Anong Dexter? Denver!"

"Edi Denver. Ganun din naman yun ah. Nagsisimula sa D at nag tatapos sa R."

"Hay nako. Kawawa naman yun. Type na type ka kaya ng tao."

"Sabi ko na nga sayo na hindi ko priority ang love life ngayon. Ikaw nalang kaya mag hanap ng jowa."

"Why not? Alam mo ang bitter mo talaga Sab. Wag ako. Masaya kami ni Kenneth kahit LDR kami."

"Ah basta! Ayoko na muna. Darating din naman tayo diyan eh."

"Okay! Fine!"

"Oh! Halika ka na. Di kapa ba matutulog?"

"Tapusin ko lang to." Sagot ni Kat habang nag lalagay ng kung ano anong cream sa mukha niya.

Matutulog na kaming dalawa dahil kakauwi lang galing trabaho. Tubong Zambales talaga kami kaya may boarding house lang kami dito sa Parañaque. High School palang ay bestfriend na kami nitong si Kat kaya parang kapatid na ang turingan naming dalawa. Seaman ang boyfriend nito kaya palaging kaming dalawa lang ang magkasama.

Kailangan kong mag trabaho ng mabuti kasi ako na ang nagpapa-aral sa kapatid ko. Meron kaming talyer sa Zambales at iyon lang ang pinagkukuhanan nila ni Papa at Mama sa araw-araw. Tatlo kaming magkakapatid at ang kuya ko naman ay may pamilya na kaya ako na ang inaasahan para sa bunso naming kapatid.

Kahit minsan nakakalungkot na wala kang makasama kapag valentines, walang nag i-iloveyou sayo, walang imissyou at walang mga good morning and good night messages ay nasanay na yata ako. 5 years na kaya akong single, sino ba naman ang hindi masasanay diba?

Habang naka higa na sa kama ay kinausap ako ni Kat.

"Sab?! Gising kapa ba?" Parang excited ang tono ng boses nito.

"Uhhmmmm bakit?"

"Si Kenneth nag chat oh! Nandito na daw siya next week. Yeeeeeeeee!!!!! "

"Talaga? Edi mabuti. Chocolate ko ha?"

"Oo naman. Ikaw pa! Aattend daw siya ang alumni nila eh gusto niya akong isama. Okay lang ba yun?"

"Oo naman. Bat hindi?"

"Eh kasi mag sasama siya ng ibang tao na hindi naman doon ng graduate sa school nila. Nakakahiya naman yata yun."

"Okay nga lang yan! At isa pa walang hiya ka naman eh kaya okay lang talaga yan?"

"Ah ganun? Edi wala lang chocolate!"

"Joke naman. Eto namang napakagandang bestfriend ko parang di na ma biro ngayon!"

"Nambola kapa. Sige na matulog ka na nga diyan."

"Okay! Goodnight best friend kong sexy."

Hanggang sa nakatulog narin ako sa sobrang pagod.

3 PM ang pasok ko at 10 PM naman ang out ko kaya nakakatulog parin ako ng tama sa oras kasi malapit lang naman ang boarding house sa work namin.

Pag day off ko ay umuuwi ako sa Zambales minsan nasa boarding house lang. Pero kadalasan ay gumagala kami ni Kat kung saan saan. Mahilig kasi itong mag shopping at magparty. Napakaraming party girl sa mga kasama namin sa Casino. Halos gabi-gabi paglabas namin sa trabaho ay diretso na agad sa bar. Ok naman ako sa pag paparty pero di ako ganun kalakas uminon. Kaya nga ako bilib sa best friend ko eh, sobrang lakas uminon pero hindi nalalasing. Grabe talaga ang babaeng to.

Kinabukasan ay nagising nalang kami sa katok ng land lady namin ng napaka lakas.

"Katrina! Anak bumaba ka muna! Katrina!"

"Kat ano ba yang si Tita Beth. Buksan mo na nga muna!"

Agad naman bumangon si Kat at binuksan ang pinto.

"Oh bakit Tita?"

"Dumungaw ka sa terrace niyo anak dali."

Dali-dali namang pumunta si Kat sa terrace at pag dungaw niya at nasa baba si Kenneth na may dala dalang teddy bear at flowers para sa kanya.

Laking gulat ni Kat at napatakbo ito sa baba.

Sinurpresa siya ni Kenneth dahil monthsary nila ngayon. Kitang kita ko kay Kat na sobrang saya niya ngayon. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?

Di bale na. Okay pa naman ako kahit single eh.


















~~~~~~~~

Hi readers! Please support my new book. Thanks 😘💋

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon