Habang nasa kotse na kami pabalik ng condo ay pa ngiti-ngiti si Sab sa tabi ko na halatang kinikilig.
"Uy! Sab! Pogi niya sa personal no?"
"Oo nga. Ang bait pa niya tsaka gentleman."
"Oo naman. Hahanap ba ako ng pangit para sayo. Syempre dapat lang magpakabait siya. Hahaha so kayo na ba?"
"Kamo agad?! Ang OA mo ha! Hindi pa nga nanliligaw eh."
"Eh doon din naman papunta yun."
"Hindi ko alam. Bahala na."
"Do you like him?"
"Yah. He's a good guy."
"I mean, you like me to be your boyfriend?"
"Hmmmmm. Hindi ko pa alam. Hindi naman ako nagmamadali eh. Tsaka sa ganun ka pogi, marami akong magiging problema dun. Kaya't hangga't maari, ayaw ko padin mag commit."
"Ha?! Ano kaya yun?!"
"Basta! Hahaha eenjoy ko na muna siya bago mag commit sa isang relasyon."
"Hay nako Sab. Pareho talaga tayo ng utak. Kaya siguro tayo naging magkaibigan."
"Hindi. Malayo. Mas baliw ka kysa sakin."
"Ito lang ang baliw na sobrang ganda."
"What?! Hahahaha okay!"
"Bakit? Hindi ba?"
"Oo na. Sige na. Ikaw na ang maganda." Sabay hawak niya sa pisngi ko habang nag dadrive.
Pagdating sa condo nila Hazel ay nadatnan naming lasing na si Cass. Hindi na ito mapigilan sa pag sasayaw at si Kat ang taga bantay nito. Magkasundo ang dalawa kasi pareho din silang makukulit. Nagkakantahan parin sila at tumatagay. Sumali na kami sa kanila at nagsimula ng uminom si Sab. Hindi naman siya makaiwas sa mga ang raragasang tanong ni Hazel, Kat at Nicole tungkol kanina sa kanilang dalawa si Lance.
Ang daming sunod-sunod na tanong ang mga binitawan nila kay Sab. Tawang tawa naman ako sa mga reaksyon nila sa bawat pag tanggi nito.
"Tama na nga yan kaka-intrega kay Sab, mamaya mapikon pa yan eh." Sita ko sa kanila.
"Hahahahah hindi kaya ako pikon no tsaka wala naman talaga eh. Tagay nalang tayo girl! Cheers!"
"Oh dahan-dahan ka sa pag inom!" Saway ko sa kanya.
"Ano kaba naman Alexis, nandito naman siya sa safe zone kaya okay lang mag lasing yan. Oh sayo na to." Sabay abot ni Nicole sa akin ng alak.
"Sige, kayo bahala pag nag wala ingay yan dito ha?" Sabay inom ko.
"Akong bahala sa best friend ko Alexis!" Sabay akbay ni Kat sa akin.
"Hahaha isa kapa. Lasing kana rin yata eh. Hahahaha"
"Paano hindi malalasing yan eh si Cass ang tumatagay sa kanya." Paliwanag pa ni Hazel. Iba kasi pag si Cass ang taga lagay ng alak sa baso. Laging punong puno na parang akala niya ay juice lang ang iniinom namin.
Naging mabilis ang ikot ng baso at tumba na ang dalawa sa amin, si Kat at si Cass. Natigil narin ang kantahan kaya naging seryuso na ang usapan. Nag kukwento si Hazel ng tungkol sa relasyon nila ni Nicole habang naka sandal ito sa balikat niya. Ako naman ay naka upo sa carpet katabi si Sab na medyo tipsy narin.
"Paano nangyari ang lahat Nics?" Tanong ni Sab sa kanya.
"Curious ka talaga ha?"
"Oo naman. Kasi first time akong may naging kaibigan na kagaya niyo, yung bisexual."
"Kasi dati Straight talaga ako Sab. Kaso ng naging magkama kami ni Hazel sa isang department eh siya ang naging boss ko. May boyfriend nga ako dati ng una kaming magkakilala eh."
"Oh tapos?"
Nagiging malalamin na ang kwentuhan nila. Si Hazel ay tulog na habang nakahiga sa legs ni Nics. Ako naman ay nakikinig lang sa kwentuhan nila.
"Tapos, hmmmm. Naging close kami. Si Hazel kasi that time may girlfriend din eh."
"Talaga? Paano naging kayo?"
"Nagka problema kasi kami noon ng boyfried ko tapos ganun din pala sila ng girlfriend niya. Nag yaya ng inuman tapos doon na kami naging close."
"Na fall ka sa kanya?"
"Oo, ako nga una nag tapat na gusto ko na siya eh. Hahahahha"
"Bakit mo siya nagustuhan?"
"Iba kasi eh. Hindi mo malalaman na mahal mo na siya syempre pareho kayong babae. Pero noong naging ok na sila ng girlfriend niya, grabe yung selos ko siguro mula dito hanggang Baguio. Hahaha"
"Talaga? Tapos?"
"Ayoko pang aminin sa sarili ko noon Sab. Pero iba ang dulot niya eh. Yung parang may something na kumikiliti sayo pag nandiyan siya. Alam mo yun?"
"Dati alam ko pero ngayon hindi na."
"Bakit? Kay Lance wala ba? Eh kulang nalang mag halilan kayong dalawa kanina eh."
"Uy! Hindi naman. Lance and I are just getting to know each other"
"Talaga lang ha?" Hindi ko na matiis at nag react na ako.
"Oh! Nag rereact si Alexis oh! Hahaha" Sabi pa ni Nicole.
Tinignan lang ako ni Sab ang nag kunot noo.
"Bakit? Wag mong sabihin na hindi mo type si Lance. Ayeeeeee. Magkakaboyfriend na siya." Asar ko pa sa kanya.
"Gusto, pero hindi naman sa magiging kami na kaagad no!"
"Hay nako, oh kayo nga muna diyan ha? Pahihigain ko muna to. Masakit na paa ko eh." Sabi pa ni Nicole.
Tumayo sila at naiwan kaming dalawa ni Sab. Si Kat ay nasa sofa at si Cass naman ay nasa upuan din na naka higa. Pareho na silang dalawa na tulog.
"Sab? Gusto mo bang matulog na? Umaga na oh." Tanong ko sa kanya.
"Bakit ikaw? Antok ka naba?"
"Hindi pa naman. Uubusin ko lang to oh."
"Edi tulungan na kita."
"Kaya mo pa ba?"
"Oo naman. Hindi pa nga ako lasing eh. Ang daya mo kasing tumugay, pag ako na ang iinom napaka konti ng nilalagay mo."
"Dapat lang no. Edi sana ngayon tumba ka narin. Hahaha"
"Kaya ko yan. Akin na nga." Biglang kinuha ni Sab ang basong hawak ko at ininom ito.
"Uy!!! Ano ba!"
"Hahahah kaya ko pa nga diba?"
"Sab naman eh."
"Bat ba ang damot mo?"
"Hindi ako madamot. Ayoko lang malasing ka."
"Bakit? Matutulog lang naman ako pag nalasing ako ah."
"Buti sana kung matutulog kana kaagad. Ang ingay ingay mo pa kaya."
"Alam mo ang OA mo. Akin nga nga yan ulit."
"Ops ops! Wag na. Tama na."
"Sige na kasi."
"Wag na. Buti pa, tulungan mo nalang akong ilipat tong dalawang to sa kwarto."
"Sige, tara."
Pinagtulungan naming ilipat si Cass at Kat sa kwarto ng maka higa sila ng maayos. Pagkatapos ay bumalik kami sa sala at tinapos ang inuman.
![](https://img.wattpad.com/cover/123651885-288-k979873.jpg)
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...