11: See you

2.5K 50 1
                                        

Alexis

Naka uwi na ako sa bahay ng tumawag si Sab sa phone niya. As usual, phone na naman ni Kat ang gamit niya.

"Hello?"

"Sab kakadating ko lang."

"Buti naman di ka naipit sa traffic. Sige pahinga kana. I just checked kung safe kang naka uwi."

"Sweet naman. Hehehe. Sige, ikaw din. Thank you pala sa lahat-lahat. Super bait mo at hospitable."

"Ganyan talaga. Ikaw din naman mabait din eh."

"Hahaha ayan na! Nag lokohan na tayo. Matulog kana muna ulit at may work kana mamaya. Idadaan ko nalang tong phone mo sa Okada mamaya."

"Sige, okay lang ba?"

"Oo naman. Bukas pa kaya yung work ko. Gigimick kasi kami mamaya."

"Ah okay. Sige Alexis. Bye."

"Uy wait. Bigyan kita ng number ko. Doon ka nalang tumawag sakin."

"Ay Oo nga. Sige."

"Ready?"

"Yep."

"Okay, 0995-960-3993. "

"Thank you. Tawagan kita mamaya."

"Okay. Hihintayin ko."

"Bye Alex."

"Bye Sab."

Agad akong nahiga sa kama ko at napaisip kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kay Sab. Parang ang tagal-tagal ko na siyang kakilala.

Naligo ako at inayos ko ang kama. Matutulog muna ako kasi hanggang umaga na naman kaming mag iinuman ng mga barkada ko. Apat kaming mag babarkada na puro babae. Yung dalawa dun ay mag syota. Oo, lesbian sila pero hindi yung nag dadamit lalaki. Kasama ko sila sa trabaho kaya kami-kami din ang magkakasamang gumimick.

Pareho kaming lahat may topak kaya click sa isa't isa. Yung pinaka close ko sa kanila ay si Hazel. Siya kasi yung unang una kong kasama sa security office pero nilipat na siya ng ibang department kaya si Cass na ang kasama ko ngayon sa security department.

Bago matulog ay inayos ko ang bag ko at pinasok ko na doon yung cellphone ni Sab, baka kasi makalimutan ko pa ulit eh.

6:30 na ng gabi ako nagising. Tinawagan ko si Nicole para iconfirm kung saan kami mamaya. Si Nicole yung girlfriend ni Hazel.

"Nics! Kakagising ko lang. Saan tayo mamaya? May dadaanan muna ako sa Okada ha?"

"Doon parin sa dati Lex. Okada? Yung Casino? Mag lalaro ka? Wag na!"

"Shunga! Hindi ako maglalaro. May ibinigay lang ako sa kaibigan ko na doon nag tatrabaho."

"Ahhhh okay. Sige mag kita nalang tayo ng 9:00 pm. Okay?"

"Okay! By the way, alam na ba ni Cass kung saan?"

"Oo alam niya. Tinawagan siya kanina ni Hazel."

"Okay. Sige na. Kakain pa ako eh."

"Alright. Bye."

9:00 pm ng umalis ako sa bahay. Hinintay ko ang tawag ni Sab pero wala parin. Kahit gabi na ay traffic, palagay ko ay hindi ko na maabutan si Sab at baka umuwi na ito. Timing din na nag ring ang cell phone ko.

Isang unknown number kaya feeling ko si Sab na ito.

"Hello?"

"Hi Alexis. Si Sab to. "

"Sab! Sorry papunta palang ako ngayon diyan. Traffic eh. Out mo na ba?"

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon