85: The Wedding

1.7K 59 23
                                        


Sab

Ngayon na ang flight ko pauwi ng Pinas kasi sa makalawa na ang kasal ng best friend ko. All my bags are packed, I'm ready to go na talaga. 19 hours ang byahe pauwi kaya for sure pagod na naman ako sa kakaupo.

Excited na akong makita siyang naka wedding dress. Ang buong akala niya ay hindi talaga ako makakarating. Nakakatawa siya kasi ayaw na niya akong kausapin at nagtatampo na.

Excited narin akong makita sila Mama at Papa pati na mga kapatid ko. Miss na miss ko na sila. Hindi na ako nagpasundo sa kanila kasi hindi din naman nila alam na uuwi ako. Gusto ko din naman silang i surprise sila.

Fast forward ay dumating na ako ng Manila ng 4:45 ng hapon. Walang nakakaalam kundi si Kenneth lang. Nag check in ako sa hotel kung saan sila ni Kat mag checheck in din bukas. Malapit ito sa Garden Royale where the wedding will be held. Super excited na talaga ako sa mga pwedeng mangyari sa kasal. Ng maka check in na ay agad na akong naka tulog sa sobrang pagod.

~~~~~~~~

Rise and shine! Saktong 8:00 am ng magising ako. Kailangan ko ng maghanda para sa susuotin ko mamaya sa kasal ng best friend ko. Tinanong ko si Kenneth kung sino ang papalit sa akin sa pagiging maide of honor at ang sagot niya ay wala daw. Ayaw daw kasi ni Kat na pumili ng iba.

Buong araw akong nanatili sa kwarto hanggang mamayang hapon. 4:30 PM ang start ng ceremony kaya marami pa akong time para mag ayos. Hindi na ako bumama baka kasi may maka kita sa akin kaya nagpapadeliver nalang ako ng food sa kwarto ko.

4:20 ng dumating ako sa Garden Royale at agad naman akong tinago ni Kenneth at lalabas nalang daw ako pag entourage na. Nanatili ako sa kitchen hanggang sa go signal ni Kenneth.

Minutes past and tinawag nadin niya ako kaagad. Paglabas ko ay marami na ang tao.
The place was so magical and I can really feel the cool breeze of love. Nagsimula na nga ang entourage at lumakad na ako papasok. Hindi ako tumingin sa paligid dahil naka focus lang ang tingin ko kay Kenneth na mukha ng iiyak.

Ng pumasok na ang bride ay doon na tumulo ang luha ng groom. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Kat at ganun din kay Kenneth. Masayang masaya ako para sa kanilang dalawa. Hindi pa niya ako nakita hanggang sa nasa harap na sila ng pari na kakasal sa kanilang dalawa. It's my turn to put the rope on both on them. Ng tumayo na ako ay gulat na gulat si Kat at hindi ito napigilan na yumakap sa akin. Masayang masaya siya ng makita ako. Agad naman akong bumalik sa kina uupuan ko.

After the ceremony ay dumiretso na sa reception. Habang papasakay ako ng sasakyan ay may tumawag sa akin.

"Sab!!!!!"

Paglingon ko ay si Hazel at Nicole pala.
Nagulat ako at bigla ako nilang niyakap.

"Kamusta kana? Tagal mong nawala ah!!! Na miss ka namin!" Sabi pa ni Nicole.

"Long story. Sorry pala if hindi ako nagparamdam. Promise, ikukwento ko talaga sa inyo soon."

"Nag abroad kaba?"

"Oo. Sa Chicago ako nag tatrabaho now."

"Wow!!!! Kaya pala ang puti mo na ngayon ha!!! We need to celebrate sa pagbabalik mo."

"Haahaha. Di naman. Sure!! Labas tayo bukas?" Tanong ko sa kanila.

"Oo ba!!!!! Game! Pero okay lang ba na kasama si Alexis?"

"Huh? Uhmmm. Oo. Sige... Sige isama natin siya. Syempre pati si Cass."

"Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan nun ng bigla kang nawala!"

"Well, we will just talk about that bukas. Diretso na muna tayo sa reception ni Kat. Let's go?"

"Oo nga. Hahaha Let's go."

Pagdating sa repection ay pumwesto ako sa table malapit sa bride kasama family niya. Nakita ko naman si Hazel at Nicole na kasama si Cass ay Alexis sa kabilang table. Palihim ko siyang sinusulpayan habang nag bubulungan sila ni Hazel. Habang nakatingin ako sa kanila ay bigla akong tinuro ni Hazel kay Alexis. I was caught of guard kaya nag wave nalang ako sa kanila at ngumiti. Nakitang kong nagulat si Alexis at parang nahihiya pero ngumiti din ito sa akin. Wala siyang pinag bago. Ang ganda parin niya. Bumilis ang takbo ng puso ko na para bang gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya. Sobrang na miss ko siya. Gusto ko siyang kausapin pero nahihiya naman ako baka kasama niya si Diane at magalit ito. Tinignan ko sila ng maiigi at wala naman si Diane kaya baka pwede ko na siyang makausap mamaya kahit small talk lang.

Bigla akong tinawag sa gitna para magbigay ng speech kaya tumayo naman ako kaagad. Nahihiya ako pero sige lang, para naman to kay Kat eh. Habang naka tayo ako sa gitna ay nakatitig sa akin si Alexis na siyang dahilan ng pag statter ko sa habang nagsasalita. Parang mas na tetense pa ako knowing that she is staring at me. Buti nalang ay nairaos ko naman ang speech ko.

Kainan na ng lumapit si Cass sa akin.

"Cass!!!" Sabay yakap ko sa kanya.

"Bruha ka! Tagal mong nawala ah!! Na miss ka namin ng sobra. Nasa Chicago kana pala, di ka man lang nagpaalam."

"Sorry ha? Alam mo naman. I need to move on."

"Uyyyyy. Hahahahahhaa. Lalabas daw tayo bukas? Ang dami nating paguusapan!"

"Yah! Babawi ako sa inyo."

"Yesss! Tara doon ka umupo sa table namin"

Hindi na ako nakatanggi kasi hinila na ako ni  Cass. Lumapit kami sa table nila habang naka talikod si Alexis at kumakain. Nakita na ako ni Nicole at Hazel pero tahimik lang sila.

"Lex. I'd like you to meet my friend."
Sabi pa ni Cass.

Biglang lumingon si Alexis at ako naman ay nakangiti lang. Hindi agad nakapag salita si Alexis kaya ako na ang unang bumati sa kanya.

"Hi. Kamusta ka?"

Hindi padin ito nagsalita at bigla nalang ako nitong niyakap. Yung yakap na mahigpit at nagsasabing na miss na niya ako. Sila Hazel naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin.

"I missed you." Bulong nito sa akin.

"Mas syado na namang OA eh ang bilis ko lang namang nawala eh." Kumalas ako sa pagkakayakap niya at umupo.

"Dalawang taon ka kayang nawala. Hindi mo man lang sinabi na nasa Chicago ka na pala."

"Kailangan mo pa bang malaman yun?"

"Oo naman!!!!"

"Di na!! Kamusta kayo ng girlfriend mo?"

"Wala akong girlfriend eh."

"Whe? Wala na kayo ni Diane?"

"Wala na. Mag dadalawang taon narin kaming wala."

"Talaga?? Bakit naman???"

"May iba kasi akong mahal eh."

"Ahhhhhhhhhhhhh. Ganyan ka naman talaga eh. Di ka loyal."

"Yun nga eh. Mahirap maging loyal if iba naman talaga yung gusto mo."

Tumawa nalang ako at hindi na dumagdag ng kahit anong salita. Hindi ko alam pero parang kinikilig ako.

Naputol ang paguusap namin ng tinawag na kami para sa games. Sumali ako pati na sila Hazel Nicole at Cass. KJ si Alexis kaya nanatili ito sa upuan niya.

Naging masaya ang gabi hanggang sa matapos na ang reception. Nagpaalam na ako sa kanila kasi sasabay ako kay Kat pauwi ng hotel. Hindi na ulit kami ng usap ni Alexis pero bukas ay lalabas naman kami kaya ok lang.

It's been a long day and I can't imagine that my best friend is already married. Ang saya ng wedding niya at nag enjoy talaga ako pero mas masaya ako ng nalaman kong single si Alexis. Hindi ko mapigilan pero inaamin kong kinikilig parin ako sa kanya.

She still have that smile that can take my breath away.














Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon