Dumaan ang mga araw at mas naging malapit na ang pasko. Busy na buong Metro Manila at mas naging malala narin ang traffic. Isang araw nalang ay pasko na kaya naisipan namin mag exchange gift ng mga tropa ko. Gusto nilang isali si Kat at si Sab at okay lang naman sa akin. Si Nicole ang gumawa ng bubunutin naming pangalan.
Dahil day off na naman namin ay nag set ng dinner si Hazel condo niya. Of course they invited Kat and Sab kasi daw parti narin sila ng barkada namin.
Nauna akong dumating doon at tinulungan ko silang mag handa. Sumunod na dumating na si Cass at huling dumating sina Kat at Sab.
Habang kumakain ay napansin kong medyo hindi makatingin ng diretso sa akin si Sab. Magkaharap kami sa mesa at paranf umiiwas ito ng tingin kaya kinausap ko ito.
"Kamusta naman ako ng boyfriend mo?"
"Ah ayun, okay naman. Di kami masyadong nagkikita, dami niyang flight ngayon eh."
"Ohhhh. Okay. So ano yung feeling?"
"Ng LDR? Hahaha"
"Hindi ng commited?"
"Hmmmmm. Iba. Basta parang nakakapanibago."
"Natural, naka tali kana eh."
Ngiti lang ang isinagot nito sa akin kaya ako ay nagpatuloy nalang din sa pagkain ay nakipag kwento sa iba.
Pagkatapos ng dinner ay nagbunutan na kami. Si Kat ang nabunot ko kaya bukas na bukas ay mag hahanap na kaagad ako ng gift. Worth 500php ang exchange gift namin. Sino kaya ang nakabunot sa akin. Palagay ko si Kat din.
Ang dinner lang sana ay nauwi na naman sa inuman. Si Cass kasi eh, di ko alam kung bakit lasinggera talaga tong babaeng to. Lalo na ngayon at nakahanap na siya ng partner niya na malakas din uminon, si Kat. Silang dalawa ang hindi umaayaw pag dating sa inuman. Ayokong uminom kaya nag paalam ako sa kanila. Pag labas ko ay hinabol ako ni Sab.
"Bat ayaw mo? Saan kaba pupunta?" Tanong nito sakin.
"Wala. Gusto kong mag pahinga eh."
"Ang KJ mo naman. Hindi mo ba ako na miss?"
"Ha?"
"Sabi ko hindi mo ba ako na miss? Tagal din kaya nating di nag kita."
"Hahahahha. Pagod na talaga ako Sab. I really need to go home."
"Fine! Kung ayaw mo talaga."
"Sige una na ako ha?" Sabay halik ko sa pisngi nito.
"Hindi kana ba talaga papipigil?"
"Hahahaha bakit?"
"Ehhhh- kasi... ano eh."
"Ano?"
"Gusto kitang makasama ngayon."
"Ngayon lang?"
"Palagi."
"Whe?"
"Sige na. Stay kana muna kahit saglit lang."
"I really have to go."
"Okay, kung ayaw mo talaga. Hayyy"
Hindi na ako lumingon at diretso na sa pag-alis. Kahit maging ako ay hindi ko din ginusto ang ginawa ko pero hidi ko din alam kung bakit sinunumpong ako ng pagkasira ulo ko.
Pag-uwi sa bahay ay agad akong nag punas at nahiga. Tawag ng tawag sa akin si Sab pero hindi ko sinasagot. 34 missed calls na ang lumipas pero matigas parin ako.
11:30 na ng gabi ng nagpasya akong matulog. Nilibang ko lang ang sarili ko kaka facebook hanggang sa inantok na ako. Biglang nag ring na naman ang phone ko at si Cass ito kaya sinagot na nalang.
📞 "Oh napatawag ka?"
"Bat pag si Cass sinasagot mo, pag ako hindi? Ano bang problema mo sa akin? Tapatin mo nga ako."
"Sab?"
"Ako nga!"
"Wala akong problema sayo. Busy ko ng tumatawag ka kaya hindi ko nasagot kaagad."
"Hindi eh! Iba talaga!"
"Huh?!"
"Iba na talaga treatment mo sa akin? May nagawa ba ako?"
"Wala. I'm sorry if that's how you feel pero busy lang talaga ako at marami akong iniisip ngayon."
"Okay. Sige. Ayoko ng dumagdag sa mga iniisip mo. Di narin kita kukulitin."
"Sorry Sab ha?"
"No, ako dapat mag sorry sayo."
"Sige na. Enjoy nalang kayo jan. May tatapusin pa ako eh."
"Ok, goodnight." 📞
Sabay baba nito ng phone. I felt so guilty sa pagiging cold ko sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na nagtatampo ako tungkol last time pero wala naman akong right eh at baka isipin pa niya na nag seselos ako which is not true.
Hindi ako nag seselos. Bakit naman ako magseselos eh ako naman ang may gusto na maging sila ni Lance at ako ang may gusto na ihanap siya ng love life. Hindi ako pwedeng mag selos. Hindi! Hindi! Hindi!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi po sa inyo. I'm back.
Sorry po at napaghintay ko kayo ng medyo matagal ha? Masyado kasing busy sa work tsaka may mga new year outings pang nangyari kaya ayun, hind nakapag update.
Thank you sa walang sawang pag hintay.
Sa mga comments na hindi ko na rereplayan, pasensya na po ha? Pero kinikilig at napapangiti ako sa mga comments niyo. Thank you po sa inyong lahat. Thank you!!! ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️😘😘😘
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
