75: End?

1.5K 61 41
                                        

Sab

Matapos ang ilang araw ng bakasyon dito sa bahay ay uuwi na ako sa Manila. May interview na kasi ako at kung makakapasa ay sa Cebu ang training namin. May 3 weeks na training pa kasi bago lumipad papuntang Chicago.

Habang nasa bus ay tawag ng tawag sa akin si Kat.

📞 "Oh bakit? Pauwi na ako."

"Sab. Si Alexis nasa labas ng boarding house. pinapaalis ko pero ayaw talaga eh."

"Hah?! Sino kasama niya?"

"Si lang mag-isa."

"Sabihin mo umuwi ako. Sabihin mo na next month pa ako uuwi."

"Okay, wait. Bababa ako ulit."

"Sige, bye."

Hindi ko alam kung ano pa ang gustong gawin ni Alexis pero ayoko ng makita siya. Para ano pa? Para ipag mukha sa akin na si Diane ang pinili niya? Kahit na mimiss ko siya ay kakayanin kong kalimutan siya para sa ikatatahimik ng relasyon nilang dalawa.

After 20 minutes ay tumawag na naman si Kat.

📞"Umalis na siya"

"Ay buti naman!! Ano daw kailangan niya?"

"Gusto ka daw niyang makausap eh. Ang lungkot lungkot niya Sab. Habang naguusap kami eh parang pinipigilan niyang lumuha."

"T-talaga?" Parang sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Kat.

"Oo, sinabi ko na magreresign kana pero di ko sinabi na aalis ka."

"Tapos ano pa ang sinabi niya?"

"Sinabi niya na may kasalanan daw siya sayo. Gusto niya daw sanang mag sorry at ayusin kayo pero parang ayaw mo daw talaga eh. Why don't you talk to her instead of running away?"

"Hindi ko pa kayang harapin siya Kat. Ayokong mahulog sa kanya ng paulit ulit. I really need to move on. Klaro naman na ayaw niya akong mahalin eh."

"Ayan ka na naman eh. Kaya nga maguusap kayo diba?"

"Ayoko pa. Maybe soon. Bahala na."

"Hayyyy. Sige, ikaw ang bahala. Malapit kana ba? Hintayin nalang kita at sabay na tayong kumain."

"Malapit na ako. Sigurado kang wala na siya ha?"

"Wala na nga sabi."

"Naninugurado lang. Sige na, bye na muna."

"Ingat ka diyan. Bye."

~~~~~~~~

8:30 PM ng dumating ako sa boarding house. Agad kaming lumabas ni Kat at kumain sa isang fast food.

"Anong oras bukas yung interview mo?" Tanong ni Kat.

"10:00 AM. Tapos pag nakapasa ako, sa Cebu yung training. 3 weeks daw kami doon."

"Bat sa Cebu pa?!"

"Eh may hotel din daw dun yung company eh. Pinay pala yung asawa ng mayari ng hotel. Pagkatapos ng training ay aalis na kaagad."

"What? Di kana uuwi dito sa Manila?"

"Di na daw eh. Sama-sama na daw kaming aalis lahat ng applicants kasama yung asawa ng may ari."

"Eh di na pala tayo magkikita? Ang sad naman!!! Paano sila Mama mo?"

"Punta daw silang Cebu if makapasa ako. Wag kanang malungkot. 2 years contract lang naman yun eh."

"Hayyyyy. Basta yung mga bilin ko sayo ha? Victoria's secret na underwear tsaka bra."

"Hahahahahahhaha. Ayan! Diyan ka magaling!!!"

"Hahahaha. Syempre dollars na kikitain mo no! Sige na!!!"

"Oo nga no? Akong bahala sayo! Hahahahha"

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming umuwi. Naligo ako at pumiwesto na sa kama habang si Kat naman ay kausap ang boyfriend niya sa telepono.

Excited ako na parang kinakabahan sa interview ko bukas. Naiisip ko na magiging buhay ko dun sa Chicago. Siguro pag nandoon na ako ay makakalimutan ko na ng tuluyan si Alexis. Sana pag nagkita kami ulit ay okay na ang lahat.

Mas gugustuhin ko nalang muna na lumayo at pagalingin ang puso ko kesa sa manatili dito at araw araw sisihin ang sarili ko kung bakit hindi ako ang pinili niya. Alam kong hindi magiging madali pero kakayanin. Alam kong mahirap pero pipilitin kong bumangon.

Mahal ko si Alexis. Mahal na mahal ko siya. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito, sa kapwa babae ko pa. Hindi ko naman pinagsisisihan na minahal ko siya dahil ang bawat araw ma magkasama kami ay labis kong ikinasaya. Naging completo ako ng dumating siya sa buhay ko. Naging excited at inspired ako sa bawat pag gising ko. Gustong gusto ko ang mga yakap at halik niya sa akin.  Gustong gusto ko kung paano niya ako hawakan sa kamay o kahit saang parti ng katawan ko. Pero na duwag din ako eh, nagpaka tanga kaya nakuha siya ng iba. Sayang, pero okay lang. Baka siguro hindi talaga siya para sa akin.

Tama nga sila. May mga taong ipinag-tatagpo pero hindi itinadhana. Kami nga siguro yun.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon