22: A leap of fate

2.1K 49 2
                                    

Sab

Halos hindi ako mapakali sa loob ng taxi. Gusto kong hanapin si Alexis pero nahihiya akong tawagan siya. Nag iba kasi bigla ang tono niya ng sabihin kong pauwi na kami.

"Sino yung kausap mo? Si Mike?" Tanong ni Kat.

"Hindi, si Alexis. Sabi niya kasi kanina susunduin niya, akala ko naman nagbibiro lang siya yun pala totoo. Sabi niya papunta na siya pero sabi ko nasa taxi na tayo."

"Ha?! Eh asan siya?"

"Uuwi nalang daw ulit. Parang nag tatampo nga eh."

"Eh sino ba naman ang hindi magtatampo? Tawagan mo!"

"Wait, mukhang kotse ni Alexis yun oh!"

"Asan?"

"Ayun oh! Yung white! Kuya para po diyan sa may white kotse banda."

Dali-dali kaming bumaba ni Kat at hinanap si Alexis sa tapsilogan. Sigurado akong nandito. Alam na alam mo ang plate number ng kotse niya.

"Ayun siya Sab oh! Kawawa naman, kumakain mag isa." Sabi ni Kat sabay turo nito kay Alexis.

Agad ko itong nilapitan.

"Excuse me miss, pwede bang maki-share ng table?"

Paglingon nito ay niyakap ko iya kaagad.

"Sorry kung hindi kita nahintay. Di ko talaga alam na seryoso ka pala talaga." Bulong ko sa kanya habang nakayakap parin.

"Okay lang no. Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Nadaanan namin yung kotse mo sa labas kaya bumaba ako. Kanina pa kita gustong tawagan kaso nag dadalawang isip ako baka kasi galit ka."

"Hindi ako galit. Kasalanan ko naman talaga na hindi ako on time dumating."

"Hindi mo kasalanan. Alam ko pagod ka kasi ng over time kapa kanina."

"Medyo pagod nga. Kain ka oh."

"Kumain na ako kanina pero oorder ako para masabayan ka."

"Sure ka? Okay. Hindi na ako nakapag palit ng damit oh. Pang bahay ko to eh. Di na nga rin ako nakapag suklay kaya nag cap nalang ako. Hahahaha."

"Ang cute nga eh. Pati slippers mo pang bahay pa oh. Hahahha ang cute naman."

"Ay oo nga no. Di ko to nahalata ah. Hahahah! Asan na pala si Kat?"

"Nasa labas. Kausap yata yung boyfriend niya sa phone. Susunod din dito."

Tinititigan ko lang si Alexis habang kumakain ay parang kinikilig ako ng hindi ko alam. Ang ganda parin niya kahit may eye bags ito at nakapang bahay lang.

"Uy! Ano ba?! Ang awkward naman yatang kumain dito habang naka titig ka diyan."

Hindi ko napansin na natutulala na pala ako sa kanya.

"Thank you ha?"

"Ha? Para saan?" Tanong pa nito.

"Sa effort mo."

"Sus! Wala yun!"

"Malaking bagay sakin to."

"Talaga? Syempre friends tayo kaya normal lang mag effort."

"Ganito karin pa sa ibang friends mo?"

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon