4:30 na ng hapon ng dumating kami sa condo nila Hazel. Kitang kita sa mga mata niya ang kalungkutan.
Habang naghahanda kami ng lulutuin ngayong gabi nasa kwarto nila si Hazel at Nicole kaya kaming tatlo lang ni Sab at Cass ang nagluluto.
"Mali yan! Ito ang tamang paghalo oh."
Kinuha ni Sab sa akin ang bowl na hawak ko. Gagawa kasi kami ng cupcake.
"Oh, ikaw nga ulit." Sabay balik sa akin ng bowl.
"Tama ba to?"
"Hindi pa ganyan. Ganito oh." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang nasa likod ko siya. Parang naka yakap na ito sa akin at ramdam na ramdam ko ang dibdib niya sa likod ko.
"Ayan. Sige, ituloy mo lang." sabay bitaw niya sa akin.
"Alam niyo, mas bagay kayo!" Sabi pa ni Cass na nakatingin na pala sa amin.
"Tsssssss. Ang labo!" Sabay alis ni Sab sa kusina.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Maya-maya pa ay lumabas na ng kwarto sila Hazel at Nicole. Namumugto parin ang mga mata niya.
"Wow! Mukhang masarap ah!" Sabi pa ni Hazel habang naka tingin sa luto ng cupcake.
"Para talaga sayo yan. Okay kana?"
"Okay na. Tanggap ko na. Thank you at nandito kayo."
"Syempre naman no. Oh kain kana."
"Ito ba dinner natin?"
"Hindi ah. Magluluto daw si Cass ng pochero eh."
"Uy!!! Favorite ko yan. Very good!"
Ng luto na ang lahat ay sabay na kaming kumain. Hindi tumabi sa akin si Sab kundi umupo ito sa harap ko. Hindi kami nag uusap habang kumakain kaya hinayaan ko nalang.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na si Hazel na uminom at tumambay sa terrace niya. Medyo dim light lang at soundtrip ng mga classic old songs. Pinaguusapan namin ang issue tungkol kay Lance at kay Hayley sa new years party. Marami na agad ang nainom namin kasi ang bilis tumagay si Cass.
"Talaga? Tarantadong Lance yun ah." Sabi pa ni Hazel na parang hindi makapaniwala.
Si Sab ay tahimik lang sa tabi na parang nasasaktan pag pinaguusapan namin ito.
"Dalawa lang yan eh, masyadong malandi si Hayley at sinungaling si Lance. Bakit pa siya gagawa ng kwento na nasa Davao daw siya. Hay nako!"
"Grabe ka naman Cass. Siguro may rason si Lance kung bakit niya ginawa yun." Sabi naman ni Nicole.
"On behalf of my cousin, I'm so sorry." Sabay hawak ni Hazel sa kamay ni Sab.
"Okay lang to. Sus! Lalaki lang yan. Hindi ako matitibag niya. Shot?"
"Ayan naman pala eh!!!!! Shot!!!!!"
Alam kong nagkukunwari lang si Sab. Kitang kita ko sa mga mata niya ang bigat ng dinaramdam niya ngayon.
"Maiba ako, talaga bang kayo na talaga ni Diane? Hanggang ngayon kasi parang di parin ako makapaniwala eh." Tanong naman ni Hazel sa akin.
"Hahahah. Oo nga!"
"Di nga? Ano nakita mo doon at na inlove ka?"
"Uy grabe ka ha! Maganda naman siya ah. Mabait, sweet, caring tapos masarap-."
"Masarap?!!!!!"
"Masarap magluto! Hahahah"
"Hahahah. May nangyari na ba sa inyo?"
Sabay nag react si Cass at Nicole sa tanong ni Hazel. Si Sab naman ay pangiti-ngiti lang.
"Bat mo naman tinatanong yan?!"
"Syempre, puro naman tayo babae dito ah. Okay lang yan!" Sabay akbay sa akin.
"Wala pa nga eh."
"Hahahhahahahahah!!!"
"Wheeeee???? Di nga?!!"
"Si Alexis? Hindi pa naka score?!!! Sus!!! Hahahahahha!!"
Hindi ko alam kung bakit ganun ka lakas ang tawa nila ng nalaman nila na wala pang nangyari sa amin ni Diane. Ganun naba talaga ako ka fvck girl sa paningin nila?
"Ikaw Sab? Naniniwala kaba kay Alexis? Hahahah hindi diba?"
"Hindi nga Haze. Siya pa eh napaka aggressive niyan!"
"Oo nga naman! Kung hindi naging kayo si Lance, siguro kayo ngayon ni Alexis. Diba Sab?" Tanong naman ni Nicole sa kanya.
"Ha? Hahahha. Hindi naman siguro."
"Oh, bat ka namumula diyan? Uyyyy! Si Sab oh, namumula! Hahahhhahahah!!" Asar pa ni Nicole sa kanya.
"Hahahhaha! Oo nga no! Uyyyyy si Sab crush niya si Alexis!! Uyyyy!" Dugtong pa ni Cass.
"Hahahahha. Tumigil nga kayo! Impossible yan!! Straight pa sa ruler yang si Sab no! Tigilan niyo na yan!" Saway ko naman sa kanila.
"Iwan mo nalang yung pinsan ko Sab, kay Alexis ka nalang oh!!!!" Biro naman ni Hazel sa kanya.
"Tapos iiwan din ni Alex si Diane? Ganun? Hahaha" Isa pa tong si Cass.
Tinitignan ko lang si Sab na parang nahihiya na at hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Bakit kaya sila ganito no? Hahahaha" Tanong mo kay Sab.
"Hindi ko alam! Hahaha"
"O bat di ka makatingin ng diretso kay Alex? Oh?????? Hahahah!!!"
"Anong hindi?! Ikaw talaga Cass ha!!!"
"Oh sige nga, kiss mo nga si Alexis sa cheeks. Walang malisya to ha!"
"Loko ka talaga Cass, kailangan ba talaga to? Hahaha baka magalit si Diane ha!"
"Eh wala naman siya dito eh. Tsaka straight ka diba? Hahaha oh sige na!"
"Aheeem!" Sabay lapit ko ng pisngi ko sa kanya.
"Ohhh!! Ayan ready na si Alexis oh!" Sabi pa ni Hazel.
Dahan dahan naman itong lumapit at hinalikan ako.
"Oh ayan ha! Hahaha wag niyo kaming asarin."
"Okay, sa lips naman. Walang malisya to ha!!!" Suggest naman ni Nicole
"Ayoko nga! Hahhaha iba na yan."
"Iba ba ako sayo? Tanong ko.
"Iba na ngayon Lex. May girlfriend kana and I respect that."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Sab.
Oo nga pala, may girlfriend na pala ako. Kahit biruan lang ngayon to eh hindi ito maganda pag nalaman ni Diane. Ayoko ko naman saktan siya kasi mahal ko siya at gusto ko pa siyang mas mahalin.
![](https://img.wattpad.com/cover/123651885-288-k979873.jpg)
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...