81: Ghost of the past

1.5K 51 7
                                        


Alexis

"Lex, punta ka bang birthday ni Sir mamaya? Bawal daw umabsent eh. Tsssss!" Tanong ni Cass sa akin habang nasa head quarters kami.

"Siguro. Nakakahiya naman pag di tayo pumunta eh. Pero di ako magtatagal dun. May pasok kaya ako kinabukasan."

"Kung sa bagay. Sige, ako din. Sabay tayo."

"Syempre sabay talaga tayo. Check attendance lang."

"Eh ako kasi day off ko eh. Baka magtagal ako dun."

"Ahhhhh. Okay, sige."



After shift.

Sabay kaming pumunta ni Cass tsaka ng dalawa pa naming kasama na si John at si Wilsonsa bahay nila Sir. Pagdating namin ay agad akong nag park at pumasok na sa loob. Malaki ang bahay nila at ang dami ng tao. Sinalubong niya kami at pinatuloy. Halos lahat ng bisita niya ay kasama namin sa department. Nandoon din ang pamilya niya na nag aasikaso sa mesa.

Agad naming inabot ang regalo naming apat na pinag ambagan. Nagpasalamat ito at pinaupo kami sa mesa malapit din sa mga office mate namin. Nagsimula na ang kainan at party, may mga mga nag vivideoke pa na mga kasamahan din lang naman namin.

"Lex! Lex!!!! " Sabay nguso ni Cass sa likuran ko habang kausap ko si John at kumakain.

"Bakit ba?"

"Tumalikod ka!!!"

Agad ko namang tinignan ang direksyon na tinuturo niya. Paglingon ko ay tumambad sa aking harapan ang papalapit na si Diane. Halos mahigit isang taon narin ng muli kaming magkita kaya nagulat ako. Ibang iba ang ayos niya, mas lalo siyang naging sexy. Agad akong tumalikod bigla at huminga ng malalim.

"Uy diba ex girlfriend mo yang si Diane?" Tanong pa ni John.

"Ah-Oo."

"Not in good terms ba kayo? Parang natataranta ka eh."

"Hindi kaya. Hindi din kami nag uusap pero siguro okay na kami." Sagot ko naman.

"Diane!!!!!! Diane!!!!! Kamusta?" Tawag pa ni Wilson sa kanya na nasa tabi ko. Hindi naman ako lumingon pero alam kong lalapit ito.

"Hi, kamusta? Long time no see ah." Sabi ni Diane na parang nanggagaling ang boses sa likod ko.

"Hello Diane. Ang ganda mo naman." Sabi naman ni Cass sa kanya."

"Talaga? Thank you! Uy John!!! Mas naging malusog kana talaga ah!" Sabay tawa pa nito at apir kay John na nasa kaliwa ko habang ako naman ay parang nabato na sa kinauupuan ko.

"Hindi kaba talaga mamansin Alexis?" Sabay hawak nito sa likod ko. Agad naman akong lumingon sa kanya at ngumiti.

Mas lalo siyang naging magada sa malapitan.

"Kamusta?" Tanong ko.

"Heto, okay na- Okay naman."

"That's good to know."

"Yah! Ikaw?"

"Okay din na-".  

"Diane!!!!!!!" Cut ni Sir na sabay lapit kay Diane.

"Sir!!!! Happy happy birthday. Excuse me muna guys ha!"

Agad umalis si Diane kasama si Sir.

"The moves agad si Sir ah!!! Hahahahh. Matinik talaga." Sabi pa ni Wilson.

"Eh dati pa, type na type na niya si Diane eh." Sagot naman ni John.

" Eh sorry nalang siya, si Alexis yung gusto ni Diane eh!" Dugtong naman ni Cass.

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon