3: Alexis

4.7K 97 8
                                        

Habang nag dadrive ay hindi ko mapigilang ma notice ang annoying na pag vavibrate ng kung anong bagay sa loob ng bag ko sa back seat. Pagdating ko ay agad ko itong tiningnan. Tama nga ang hinala ko na isa itong cell phone.

Hindi naman akin to ah

Sinagot ang ko ang tumatawag. Malamang ito ang may-ari ng phone.

Matapos makipag-usap sa supladang babaeng may-ari ng phone ay pumasok na ako sa bahay.

Alexis Aviles ang pangalan ko at taga dito talaga ako sa Laguna. Pero sa manila ako nag-aral at nakapag trabaho as an airport staff sa NAIA at bumibista ako dito kay Papa pag day off ko. Wala na akong Mama, namatay siya sa Cancer noong nasa highschool palang ako. Kaya ang Kuya ko nalang ang naiwang kasa ni Papa sa bahay pati na ang Lola't Lolo ko.

"Nandito na ang baby girl ko!"

"Pa naman! Hindi na po ako baby!"

"Kahit mas matangkad kana kesa sa akin ngayon eh baby parin kita!"

"Na miss ko po kayo." Sabay yakap ko sa kanya.

"Nagluto ako ng paborito mo. Tara kain na tayo oh. Napagod kapa sa byahe mo anak?"

"Wala pa nga po akong tulog eh. Kagabi may Alumni Homecoming kami sa Alabang. Pagkatapos nun ay dumiretso na agad ako dito."

"Nako! Nag drive ka ng walang tulog?! Bakit mo ginawa yun anak? Delikado yun ah. Buti nalang hindi ka nakatulog at nabangga."

"Nagkape naman po ako Pa."

"Kahit na. "

"Okay na po. Nandito na po ako oh"

Pagkatapos naming kumain ay agad na akong nag pahinga. Buti nalang pinayagan akong mag vacation leave. Ikakasal kasi ang kuya ko kaya medyo matatagalan pa ako bago umuwi ng Manila.

Habang naka higa sa kama ay tiningnan ko ang cellphone ng babae. Siya ba tong nasa wallpaper niya? In fairness maganda siya.

Ilang minuto ring pinagmasdan ang wallpaper niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang minuto ring pinagmasdan ang wallpaper niya. Yung mga mata niya parang malungkot pero maganda parin. Sayang naman, type ko na siya sana pero napaka sungit at demanding. Hindi lang yun, tinawag pa akong magnanakaw. Ngayon manigas siya kasi 1 week pa ako dito sa Laguna.

Itinabi ko na muna ang phone niya at bumaba para mag dinner.

Tatlong oras din yata ang itinagal ko sa baba at pag akyat ko ay panay vibrate na naman ng phone niya. Tumatawag na naman siya.

I ended her call to pissed her off pero makulit ito, tawag parin ng tawag kaya sinagot ko nalang ito.

📞 "What?!"

"Anong what? Please naman oh. Kung sino kaman ibalik mo na sa akin ang phone ko. I need it so bad."

"Miss, kung gusto mo ngang ibalik ko sayo to, puntahan mo nga ako dito sa Laguna."

"Nasa Laguna kaba talaga? I doubt it! Sige na naman oh!"

"Bat ba ayaw mong maniwala?! Duh! Hindi ako interesado sa phone mo no!"

"Edi ibigay mo nga sa akin yan! Ikaw ba yung girl na katabi namin sa lobby nung alumni?"

"Hmmmmm. Yah! Ikaw ba yung girl na super wasted?!"

"Excuse me! Hindi po ako wasted nun, nakatulog lang po ako."

"Hahahahha! Kaya pala nawala mo yung phone mo kasi hindi ka wasted?"

"Anong nakakatawa dun?!"

"Hahahah wala. So ikaw pala tong nasa wallpaper mo."

"Syempre ako yan! Duh! Alangan naman maglalagay ako diyan ng ibang picture."

"Ano ba lock code nito ng ma open ko."

"Hello?! Bat ko naman sasabihin sayo?"

"Hahahahh, i try ko nga hanggang sa lock."

"Ano ba!!!! Nambubwiset kaba talaga?!"

"FYI lang ha? Ikaw kaya yung panay tawag dito at nambubwiset sakin."

"Ibalik mo nalang kasi sakin yang phone ko! "

"Kunin mo nga dito diba? Alam mo paulit-ulit ka! Ganda mo pa naman sana."

"Pag di mo talaga ibalik yan ipapapulis kita!"

"Wow ha? Ano ba ang kasalan ko sayo?! Edi ipa pulis mo! Di ko naman ninakaw to eh. Hindi ako masamang tao Miss at lalo na hindi ako magnanakaw. Kung maka asta ka akala mo kung sino ka ah. Edi ikaw naman ang nag wala ng phone mo?! Kasalan mong napunta to sa bag ko kasi lasing ka."

Hindi ko na napigilan at nagalit na talaga ako sa kanya. Bigla nalang nito pinatay ang phone ng hindi lang man sumagot. Bastos tong babaeng to ah. Pasalamat talaga siya hindi ako masamang tao, kung hindi binenta ko na talaga to. Maganda nga sana siya kaso ang pangit naman ng ugali. Makatulog na nga lang.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon