25: Swerte

1.9K 48 10
                                    

Patay na ang ilaw sa kwarto ni Alexis pero alam kong gising pa ito. Nakahiga na kaming dalawa ngayon sa kama niya at naghihintay na dalawin ng antok. Madaling araw na pero parang hindi pa din ako inaantok. Nabitin siguro ako sa ininom namin.

"Hindi kapa ba matutulog?" Tanong ni Alexis sa akin.

"Hindi pa ako inaantok eh."

"Gusto mo bang i on ko yung ilaw? Baka di ka sanay matulog ng madilim."

"Hindi, okay lang. Gusto ko nga ng madilim eh. Ikaw? Di kapa ba inaantok?"

"Kakagising ko lang kaya kanina ng tumawag ka."

"Ganun ba? Eh hindi kana ba inaantok ngayon?"

"Medyo hindi na."

"Anong gusto mong gawin?"

"Hahaha eto na naman tayo eh. Hmmmmmm. Ano ba gusto mo?"

"Wala. Medyo mag kwento ka nalang."

"Hmmmm. Sige. Alam mo bang may multo dito sa apartment ko?"

"Ha? Di nga?! Wag kang mag biro ng ganyan!"

"Hahaha Oo nga! Di ako nag bibiro!"

Napakapit ako sa braso niya at napadikit.

"Alexis naman eh. Pwede bang iba nalang pagusapan natin? Matatakutin ako eh."

"Alam mo bang may white lady dito sa kwarto ko?"

"Alexis ano ba!!!! Uyyy! Please i on mo nalang yung ilaw."

"Hahahah natatakot kaba?"

"I on mo nalang kasi! Huhuhu"

Tumayo ito at pina andar ang ilaw sabay tawa sa akin habang naka tago sa kumot.

"Para kang bata na natatakot. Walang multo dito no!"

"Eeeeeeeee! Sabi mo may white lady!"

"Walang ganun. Tinatakot lang kita. Hahaha pwede ko na bang patayin ang ilaw?"

Tumabi ulit ito sa akin at nag sorry.

"Wag mo na ulit akong tatakutin ha?"

"Oo na. Sorry na po. Para ka talagang bata."

I just rolled my eyes on her.

Dahil naka on ang ilaw, pinag masdan ko nakang ang mga gamit sa kwarto niya.

"Ang cute naman nitong teddy bear."

"Ah Oo. Favorite ko to eh. Mula highschool katabi ko na tong matulog."

"Talaga? Kanino ba galing to?"

"Secret."

"Ayan na naman tayo sa secret eh."

"Hahaha galing to kay Kyla."

"Ahhhhhh. Kaya pala love na love mo yan teddy bear mo."

"Oo naman. Tong bear na to ang iniiyakan ko pag malungkot ako at ito rin ang kayakap ko pag masaya ako."

"Ahhhhhh swerte naman ng bear."

"Bakit?"

"Eh kayakap ka niya eh."

"Gusto mo rin bang maging swerte?"

"Hahahahhaha. Bakit?"

"Yayakapin din kita. Ayaw mo?"

"Hahahahha baliw!"

"Hahahaha. Joke lang. Patayin na nga natin tong ilaw ng mayakap na kita. Este, ng makatulog na tayo!"

Pinatay na nga niya ang ilaw at bumalik ng higa sa tabi ko. Katabi naming matulog ang teddy niya at yakap yakap niya ito.

"Oh akala ko ba ako ang yayakapin mo?" Biro ko sa kanya.

"Ay oo nga no! Hali ka dito!"

Binitiwan niya ang teddy bear niya at niyakap ako.

"Okay kana ba?" Tanong nito sa akin.

"Hahaha ok na kaso mainit. Hahah pwede mo na akong bitawan."

"Hmmmm. Okay."

"Tulog na tayo?"

"Okay. Goodnight Sab."

"Goodnight Alexis."

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

"Para saan yun?"

"Goodnight kiss! Duh! Di mo alam yun?"

"Sorry ha! Wala kasing gumagawa sakin niyan eh."

"Pwes, ngayon mero na. Ako!"

"Hahahah nakakatawa ka. Matulog kana nga!"

"Goodnight ulit."

"Goodnight."

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon