"Ayan na naman tayo eh, papatayin mo ba ang sarili ko sa trabaho? Mag break ka din huuuy!!" Sabay palo ni Cass sa mesa ko.
Gusto kong magbabad sa trabaho para naman hindi ko maisip si Sab.
"Sandali nalang to. Mauna kana nga doon."
"Ayaw! Hihintayin kita."
"Eh paano ako matatapos dito kung kukulitin mo'ko?"
"Di naman kita kinukulit ah! Ay oo nga pala Lex, samahan mo ako mamaya bumili ng isusuot ko sa new years party natin ha?"
"Kailan ba yun?"
"Edi sa 31! Ano kaba?!"
"Buong department natin?"
"Oo! Ipapasara yata yung isang club sa Alabang. Excited na ako!!!! Isasama ko si Joseph!"
"Ha? Sino naman yun?"
"Yung FA! Yung baby boy!"
"Ahhhhhhhh. Yung kasama mo last time sa Bar?"
"Yun na nga te! Pwedeng mag sama ng 1 guest ha! Magdala ka ng lalaki para masaya."
"Ayoko nga. Pwede naman tayong magsaya dun kahit walang lalaki eh."
"Iba talaga yung may kalampungan kana if na tuturn on kana diba?"
"Hahahah doon nalang ako maghahanap."
"Sino? Si Carlos? Patay na patay sayo yun eh. Oh di kaya si Fritz? Naging ex mo ba yun?"
"Eh! Wag si Carlos! Uy hindi ko naging ex si Fritz ah! One night lang yun!"
"Eh sino? Ahhhhhh alam ko na!"
"Sino?"
"Si Diane? Wag mong sabihin na talagang nag balik loob kana sa mga babae ha? Diba nag kiss nga kayo last time?"
"Uy ano kaba!!! Baka marinig ka niya."
"Ayun siya oh! Ang layo kaya!"
"Ewan ko sayo! Lumabas ka nga dun kung mag bebreak ka."
"Fine!! Pero girl remind lang kita ha? Hindi bawal mag break. Pahinga karin pag may time."
"Oo na! Sige na!"
Sa wakas, umalis na rin si Cass at nakapag trabaho na ulit ako. Habang babad ako sa kaka type ng reports eh biglang may nag lapag ng burger sa table ko.
"Total ayaw mo namang mag break, dito ka nalang kumain sa station mo."
Pagtingin ko ay si Diane. Napakaganda ng ngiti niya sa akin.
"T-thank you ha? Nag abala kapa. Heheh magkano to?"
"You're welcome. Ah ayan? 400 pesos niyan."
"Itong burger?! 400 pesos??!! Ang mahal naman nito!"
"Hahahah biro lang. Libre syempre."
"Wow! Anong meron?"
"Wala! Bawal ba kitang ilibre?"
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you ha?" Sabay hawak ng kamay niya.
"Basta ikaw. Kumain kana. Kanina ko pa nariring yang tunog tiyan mo dito eh."
"Hahahah. Grabe naman. Sige thank you ulit."
Tumalikod na ito para bumalik sa station niya pero bago ito makalayo ay tinawag ko si Diane.
"Ahmmm Diane!!"
"Oh?"
"May isasama kaba sa new years party natin?"
"Hmmmm. Wala eh. Bakit?"
"Sabay nalang tayo pwede?"
"Oo ba! Sige!!"
"Thank you."
At tumalikod nalang ako kaagad. Napangiti ako sa reaksyon ng mukha ni Diane ng sinabi ko na sabay nalang kami. Yung parang pati mata niya ay nakangiti. Medyo singkit kasi siya kaya nawawala ang mata niya pagnakangiti.
Pasulyap sulyap ako kay Diane hanggang sa paglabas na namin. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya na dati ay ni hindi ko man lang pinagtutuunan ng pansin. Malambing siyang sa kahit kanino. Nakangiti ito palagi at magiliw.
Sinabayan ko siyang lumabas hanggang sa parking lot. Gusto ko sana siyang ihatid pero maypupuntahan pa kami ni Cass kaya sa susunod nalang.
"Tara sa Mega Mall dali!" Sabay pasok ni Cass sa kotse.
"Aba parang may driver ka ah!"
"Joke lang! Hahahah. Eto naman!"
"Anong damit ba kasi yung bibilhin mo?"
"Edi yung sexy, yung mapang-akit!"
"Alam mo ang landi landi mo talaga!"
"Eh diba nga kailangan ko na ng love life tsaka ayokong tumingin sa iba si Joseph."
"Di titingin sa iba yun kasi maganda ka."
"Talaga?"
"Oo, ikaw na muna magpa-gas ha? Please?"
"Hahahahah kaya pala! Bwiset ka!"
"Labyuuuu!"
"Ewan! Pero maiba ako, nahuhuli kita kanina na patingin-tingin kay Diane ha!"
"Duh! Ano na naman iniisip mo! Binigya niya ako kanina ng burger sa station ko."
"Talaga? Kita mo na! Alam mo mabait talaga yang si Diane. Gandang babae pa no?"
"Oo nga eh."
"Gusto mo narin siya?"
"Hindi ah! Hindi ganun!"
"Ah okay. Kasi nga pala si Sab yung gusto mo!"
"Kahit gustuhin ko nga si Sab eh may Lance na yun kaya useless na!"
"Inamin mo din!"
"Hindi ah. My point is para ano pa? Siguro mas ifofocus ko nalang yung attention ko sa mga taong nagmamahal sakin."
"So gaya ni Diane?"
"Why the hell you keep connecting it to them! Kung si Diane man o si Sab eh ayaw ko parin mag commit!"
"Oo nga naman kasi nga duwag ka."
"Duwag na kung duwag pero mahirap mainlove. Maniwala ka!"
"Mas mahirap yung mag-isa. Ang lungkot kaya."
"Okay na ang maging malungkot kesa naman sa masaktan."
"Hayyyyyyyy!!!!! Sarap mo saktan Lex!!!!!!! Duwag ka! Duwag!!!!!!"
"Hahahahhha. Sige, saktan mo'ko di kita sasamahan. Mag Uu-turn ako!"
"Sira ulo ka eh nandito na tayo!"
Sinamahan ko si Cass maglibot at maghanap ng isusuot niya para sa New Years party. Dahil sa mga napag-usapan namin eh na na realize ko na mas tutuunan ko na nga lang talaga ng pansin ang mga taong nagmamahal sa akin kahit na alam nila na di ko man ito kayang suklian.
Masyadong nagulo ang utak at puso ko ng dumating si Sab. Ni hindi ko na kayang gawin ang mga bagay na ginagawa ko dati ng wala siya sa isip ko pero ngayon, sisikapin ko na wag siyang isipin kaya mag papaka busy nalang ako palagi. Kay Diane?
Hmmmmm, pwede.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
Roman d'amourYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
