12: Night Out

2.6K 66 4
                                        

Pagdating ko sa Okada ay tinawagan ko na kaagad si Sab.

"Hello? Sab?"

"Ako nga. Nandito kana ba?"

"Yep, Nasa parking lot pa. Papasok na ako. "

"Okay sige, nandito lang kami sa lobby ha?"

"Okay, coming."

"Okay."

Mula sa malayo at nakita ko na kaagad si Sab na nakangiti sa akin. Ang ganda niya tingnan sa uniform niya. Mas naging kapansin-pansin ang sexy niyang katawan.

Lumapit ako sa kanila ng kasama niyang lalaki.

"Alexis!!!!"

"Hi Sab."

"Si Mike pala. Kasama ko sa casino. Mike, si Alexis friend ko."

"Nice meeting you Alexis."

Ngumiti lang ako sa kanya at nag shake hands.

"Sab, heto na oh. Full charged yan."

"Yehey! Thank you so much. Sobrang namiss ko tong phone ko."

Bigla niya aking niyakap. Hindi man lang ako nakagalaw sa sobrang higpit nito.

"Ingatan mo na yan ha? Wag na wag ng iinom. Hahahah"

"Di na mauulit. Hahaha"

"So...-"

"So tara na?" Cut niya sa akin.

"I'm sorry Mike. Hindi ako pwede ngayon. Birthday kasi ng barkada namin kaya may pupuntahan kaming dinner ni Alexis. Ingat ka nalang ha?"

"Ganun ba? It's okay. Basta may utang ka sakin ha?" Sabay wink niya kay Sab.

"Sure. We'll go ahead. Bye!" Hinapit niya ang braso ko papuntang parking lot.

Hindi ako nakapag salita sa sobrang pagtataka.

Ng malayo na si Mike at nag tanong na ako.

"Ano yun?!"

"Sorry ha? Nag yayaya kasi si Mike. Eh hindi ko feel ngayon kaya ito ang naisipan kong escape plan. Heheh."

"Nagyayaya ng ano?"

"Basta. Heheh. Pwede bang sumabay sayo? Diyan lang ako baba sa may sakayan oh."

"Oo naman. Sumama ka nalang kaya sa amin. Total sabi mo naman dinner diba? Edi kumain nalang talaga tayo."

"Nako wag na! Gigimick ka kaya."

"Eh ano naman. Sige na. Ipapakilala ko yung new friend ko sa mga barkada ko. Ano game?"

"Nahihiya ako. Naka uniform pa ako oh."

"Edi tanggalin mo yan blazer mo. Promise, ipapakilala lang kita saglit tapos kakain tayo at ihahatid na kita pauwi."

"Hmmmmm okay. Sabi mo eh." Sabay tanggal niya ng kanyang blazer.

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon