Sab
Mahigit dalawang linggo na kaming hindi nag uusap ni Lance. Sa unang linggo ay sinusuyo pa niya ako hanggang sa huli ay hindi narin ito nagparamdam sa akin. Hinayaan ko lang muna siya hangga't hindi ko pa siya nahuhuli sa acto.
Alas cinco ng hapon ng tinawagan ako ni Cass para sabihan na nakita niya si Lance ay Hayley na magkasama palabas ng airport. Sinabihan ako nito na susundan daw nila sa Lance kung saan sila pupunta ni Diane. Ito na daw ang tamang timing na hulihin siya. Tumanggi ako sa kanya kasi on duty pa ako at 10 PM pa ang labas namin. Pumayag naman ito at nagpaalam na silang dalawa nalang daw ni Alexis ang susunod sa lokong Lance na yun. Sinabihan ko na videohan nila para may ibidensya ako kapag magkita na kaming dalawa.
Habang nasa duty ako ay wala akong ibang inisip kundi kung ano ang pwedeng mangyari pag sinunda nga nila.
10: 15 PM ng lumabas na ako ng office. Hindi ko kasama si Kat kasi day off niya. Agad kong tinawagan si Cass para tanongin kung asan na nga ba sila.
📞 " Cass? Ano balita?"
"Sab! Nandito kami ngayon sa isang motel sa Pasig. Pumasok silang dalawa sa loob pero nandito lang kami Sa labas at naghihintay sa kanilang dalawa. Punta kana dito, dali!"
"Watdaffffff! Sige, isend mo sa akin ang address at pupunta na ako diyan." 📞
Agad kong ibinaba ang telepono at pumara ng taxi. Sinend na sa akin ni Cass ang location kaya agad naman akong nagtungo sa lugar kung nasaan ang hayop na Lance.
After 20 minutes ay dumating na ako sa lugar kung nasaan sila. Pagdating ko ay nakita ko kaagad si Lance at Alexis na nagbabangayan.
"Oh! Ano?! Gago ah!!!!! Kapal ng mukha mong leche ka!!!!!" Sabi pa ni Alexis habang tinutulak-tulak si Lance.
"Ano ba! Bitawan mo ko! Wala kang karapatang makisali dito!!!" Sagot naman ni Lance sa kanya.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanila para awatin si Alexis. Kausap naman ni Cass si Hayley sa isang gilid.
"Alexis!" Sigaw ko.
"Hali ka dito Sab ng makita mo ang ginagawa sayo ng matino mong boyfriend!" Sabi naman nito na galit na galit.
"Sab, let me explain." Hinawakan ako ni Lance sa magkabilang braso.
"Manloloko ka Lance. Pano mo nagawa sakin to?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman kong tumutulo ang luha ko sa aking pisnge.
"Sorry. I'm sor- "
Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita at sinapal.
"Tapos na tayo." Agad akong tumalikod palayo.
"Sige, okay lang!! Wala ka namang kwentang girl friend eh!" Sigaw pa niya sa akin habang nakatalikod na ako.
"Anong sabi mo?! Gago ka ah!!!!" Paglingon ko ay agad ko namang nakita ang pagsapak sa kanya ni Alexis.
Natumba si Lance sa sobrang lakas ng suntong ni Alexis sa kanya. Habang naka upo na sa sahig ay sinipa pa ito si Alexis. Agad ko siyang tinakbo para awatin kasi galit na galit na ito.
"Punyeta! Pasalamat ka babae ka!" Tinulak ni Lance si Alexis at tumama ito sa pader."
Pilit naman naming inaawat ni Cass si Alexis at Lance habang ang malanding si Hayley ay nanunood lang. Nagsilapitan na ang mga tao sa amin pati na ang mga guards ng motel.
"Tama na! Tama na!!!" Sigaw pa ng mga ito.
Ayaw paring papigil ni Alexis at kinuha ang mga payong sa gilid at hinampas kay Lance. Matinding tinatamaan si Lance sa buong katawan. Ngayon ko lang nakita si Alexis na ganito ka galit. Nakita ko ding may mga pasa na siya sa braso at mga gasgas. May sugat narin ang palad nito.
Natigil lang ang gulo ng dumating ang mga tanod at dinampot silang dilawa para dalhin sa Pulis station para i-seattle ang gulo. Sumama naman kaming lahat.
Buti nalang at huminahon na si Alexis at nai-settle na ang lahat.
"Okay kalang ba?" Tanong ni Cass kay Alexis habang nasa likod. Sakay na kami ng kotse niya at pauwi.
Hindi kumikibo si Alexis at focus lang sa pagda-drive. Tinitignan ko siya habang nagmamaneho at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin ito sa akin.
"Lex."
"Sorry ha? Ako talaga may kasalan eh. Bat ko pa kasi pinakilala sayo yung gagong yun." Sagot nito sa akin.
"No. Please Wag mong sabihin yan. Wala kang kasalanan."
"Na gi-guilty talaga ako eh." Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Lex. It's okay. Ano ba."
"Nasasaktan ako pag nasasaktan ka Sab. Hindi dapat nangyari sayo to eh."
Pinunasan ko ang mga luha sa nga mata niya.
"Guy, pwede hinto muna tayo." Sabi pa ni Cass.
Huminto naman kaagad si Alexis.
"Ayan. Ok, talk na muna kayo at mag yoyosi lang ako sa saglit."
Bumaba si Cass ng kotse at naiwan kaming dalawa.
"Ayokong ganyan ka Lex. Pleae dont blame your self. Kaya ko to. Wala sakin to."
"Walang hiya siya. Hindi ka man lang niya pinahalagahan. Kung sana sa ak-..."
"Kung sana ano Lex?"
"W-wala Sab."
"Kung sana sayo nalang ako?"
Tinignan lang ako ni Alexis.
"Kung sana hindi ako naging duwang sabihin sayo."
"S-sab."
"Kung sana hindi ko nalang sinagot si Lance. Kung sana ikaw nalang ang minahal ko. Kung sana tayo nalang dalawa Lex. Siguro masayang masaya ako ngayon." Hindi ko namalayan na tumutulo narin pala ang nga luha ko.
Hindi sumagot si Alexis at pinunasan ang mga luha ko. Naudlot ang maguusap namin ng biglang pumasok si Cass ng kotse.
"Ooops! Bat may iyakan?"
Agad akong umayos ng upo at ganun din si Alexis sabay punas ng mga pisngi namin.
"Siguro mag tataxi nalang ako. You guys really need to talk, okay?"
"Seryoso ka Cass? Tanong ni Alexis.
"I'll be fine. Ako pa. Sige na. Alis na ako."
Hindi na ni Alexis pinigilan si Cass at umalis na rin kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero parang daan ito patungo sa bahay niya.
Hindi na ako nagtanong o kumontra sa kanya at kung sa balak niyang gawin. Gusto ko din muna siyang samahan para ma gamot ang kanyang mga sugat.
At para magamot niya rin ang wasak kong damdamin.

BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
Roman d'amourYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...