10: Ambon

2.7K 78 3
                                        

Sab

Nauna akong nagising sa matatakoting babae dito sa tabi ko. Nakaktawa siya kagabi pero na guilty na ako ng makita kong takot na takot na nga siya kaya babawi ako ngayong umaga sa kanya. Ipaghahanda ko siya ng breakfast.

Tumigil na ang napakalakas na ulan pero umaambon pa. At least, medyo lumiwanag na ang kalangitan. Hindi ko maiwasang pag masdan siya habang natutulog kasi ang cute niya. Buti nalang talaga sa mabuting tao napunta ang phone ko, medyo makakalimutin nga lang.

Agad akong bumangon at bumaba sa tindahan. Nagtitinda din kasi ng ulam ang Land Lady namin dito.

"Good Morning po! Anong ulam ngayon?"

"Good morning din anak, pasensya na at walang ulam ngayon. Hindi ako nakapunta ng palengke kanina eh."

"Ay ganun po ba? Ok lang po. Pabili nalang po ng dalawang itlog at corned beef tsaka pandesal po."

"Sige. Heto na oh. Siya nga pala, sa bisita mo ba tong kotse sa harap?"

"Ay Opo, sa kaibigan ko pong babae."

"Mabuti naman at babae. Alam mo naman. Bawal matulog ang nga lalaki dito."

"Opo, alam ko po. Lakas kasi ng ulan kagabi kaya hindi ko na po siya pinauwi. Sorry po, di ako nakapag paalam."

"Ok lang anak. Sa susunod ha?"

"Opo. Sige po, magluluto pa po ako."

"Ok sige."

Pagbalik ko sa kwarto ay tulog parin si Alexis. Maginaw ang panahon kaya siguro napasarap ang tulog nitong bababeng to. Hinanda ko na ang breakfast namin at nag luto na naman ako sa rice cooker.

Ng luto na ang lahat at ginising ko na siya.

"Alexis? Alexis.." Mahina kong pagkasabi.

Ilang ulit kong tinawag ang pangalan niya pero wala parin. Parang mantika din pala kung makatulog tong babaeng to.

"Alex? Gising na tanghali na po."

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at hinipan ang ilong nito ng bigla siyang dumilat at nagtama ang mga namin habang sobrang lapit sa isa't isa. Mabilis naman akog umayos ng pagkakatayo.

"Ah-eh gising na. Nag handa ako ng breakfast oh."

Kinusot-kusot nito ang mga mata niya at umupo na sa kama.

"Maganda ba tulog mo Lex?"

"Oo, parang ang comportable ko na nga dito eh. "

"Talaga? Natural lang na gaganda ang tulog mo kasi maganda din naman ang katabi mo eh." Banat ko sa kanya. Ngumiti naman ito.

"I agree."

"Dapat lang at kung hind ay di ka kakain. Hahahah"

"Agree na nga ako eh."

"Good! Halika na. Tabi ka dito oh."

"Mag hihilamos lang muna ako."

"Okay."

Pumasok ito sa banyo at pag labas ay naka pusod na ang buhok at fresh ang mukha.

"Kain kana oh. Mamaya dadating na si Kat, ipapakilala kita sa kanya."

"Ha? Ayoko nahihiya ako."

"Bakit? Mabait yun!"

"Nahihiya ako eh. Wag na. Uuwi nalang ako."

"Kumalma ka nga! Kakain pa nga tayo diba? Umupo ka muna dito."

"Nahihiya ako best friend mo eh. Baka magalit na dito ako natulog."

"Hindi no! Mabait yun! Dont worry."

"Talaga?"

"Oo nga. Ang weird mo talaga. Hahahha"

"Mahiyain lang kasi ako."

"Akong bahala sayo. Okay?"

"Hmmmp. Okay."

"Oh!" Sabay subo sa kanya ng pandesal.

Habang kumakain ay timing naman na dumating si Kat at si Kenneth.

"Ohhhhh. May bisita ka yata. " Sabi nito pagkabukas ng pinto.

"Uy! Andiyan na pala kayo. Si Alexis pala. Alexis, ito ang best friend ko na si Kat at boyfriend niyang si Kenneth. Siya yung naka kuha ng phone ko."

"Hi! Kamusta ka? Ganda mo pala sa personal. Sorry napunta sayo yung phone ng best friend ko ha? Burara kasi to pag lasing eh. Thank you sa pag sauli."

"Okay lang. Kain tayo oh." Yaya naman ni Alex kay Sab.

"Diba taga Laguna ka? " Tanong naman ni Kenneth.

"Oo, ikaw din?"

"Hindi. Pero familiar ka. Football player kaba noong high school?"

"Oo. Paano mo nalaman?"

"Magkakilala kayo?!" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ikaw nga yun! Ikaw talaga yun!"

"Ha? Yung alin?!??" Pag tatakang tanong ni Alexis kay Kenneth.

"Ikaw yung football player na di makalimutan ng barkada ko nung highschool. Hahahah naalala ko na."

"Yun bang sa school division?"

"Oo. Natatandaan mo? Ng hingi pa nga ng number mo yun eh. Si Jake, naalala mo?"

"Ahhhh! Oo si Jake. Hahahha"

"Small world ha? May mga mutual friends pala kayo?" Sabi ko sa kanila.

"Small world nga eh." Sagot naman ni Alexis.

"Dito pala siya natulog kagabi. Sobrang lakas ng ulan eh. Di ko na siya pinauwi."

"Mabuti naman at may kasama ka dito." Sabi naman ni Kat.

"Meron nga matatakutin naman. Hahahhahah"

"Di noh! Ikaw talaga."

Marami pang asaran ang naganap habang kumakain kami. Ang galing niya makisama sa amin. Kung makapag usap kami ay parang close na close na talaga. Ok din sila ni Kat, marami silang parehong trip gaya ng sports at pagpaparty.

Pinagmamasdan ko lang siyang makipagusap sa dalawa kong kaibigan ay naaaliw ako sa mga ngiti niya at cute niyang dimples. Oo, na appriciate ko tong babeng to. Wala naman masama kung nagagandahan ako diba? Totoo naman eh.












~~~~~~~~~

Hi readers. Please support my new book. 😍😍

Sana magandahan kayo. 😘

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon