You come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo.
Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves.
I can't even save myself from drowning tr...
Kinabukasan ay tinawagan ko si Alexis ay niyayang lumabas. 3 pm ay mag kikita kami sa isang mall.
📞 "hello? Lex? Asan kana nandito nako."
"Ayan na. Kaka parking lang din. Saan kaba banda?"
"Nandito lang nakatayo sa may mcdonalds."
"Okay. Papunta nako. Diyan ka lang. Wag kang aalis." 📞
Ilang minuto lang ay dumating na din si Alexis.
"Hi" bati nito sa akin.
"Tagal mo naman."
"Grabe ka naman. Halos tumakbo na nga ako papunta dito eh. Kamusta?"
"Eto, ganun parin."
"Anong nakain mo at nag yaya kang lumabas?"
"Wala, na miss kita eh. Bakit bawal ba?"
"Hindi naman. Hahaha ililibre mo ba ako ngayon?"
"Hala! Bakit ako? Sino ba mas malaki sweldo? Hahahah"
"Ikaw!"
"Ako pa talaga?"
"Hahahhaa. Anong gusto mong gawin ngayon?"
"Hmmmm. Shopping?"
"Hahahaha. Okay."
Habang nag lalakad kami ni Alexis ay tawag ng tawag naman si Lance. Kaka-baba niya lang daw kasi.
"Kanina pa ako nag sasalita dito eh hindi ka naman pala nakikinig."
"Ha? anu yun Lex? Sorry ha?"
"Sino ba yang kausap mo?"
"Si Lance tumatawag."
"Sagutin mo na."
"Wag na muna. Tara, wala akong mapili eh. Nagugutom kaba?"
"Hindi naman."
"Coffee nalang tayo. Pagod na ako kakalakad eh."
"Okay. Tara."
Habang nasa coffee shop ay tumatawag parin si Lance kaya sinagot ko nalang. Gusto nitong makita ako kaya sinabi ko na magkasama kami ni Alexis ngayon sa Mall.
"Ahmm. Lex?"
"Oh?"
"Kasi si Lance gustong pumunta dito now. Okay lang ba?"
"Ahhhhh. O-okay. Si-sige."
"Sure ka?"
"Oo naman. Bat naman hindi eh kaibigan ko din naman yan."
"Talaga ha?"
"Oo nga. Kung gusto mo alis nalang ako?"
"No, stay. Please."
"Okay. Asan naba siya?"
"Going na."
"Okay."
Maya-maya pa ay dumating na si Lance.
"Hey!!! Kamusta?" Sabay apir nito kay Alexis at beso naman sa akin.
"Okay lang." tipid na sagot ni Alexis na parang pilit pa ang ngiti.
Naguusap kami ni Lance pero si Alexis ay tahimik lang na parang wala na sa mood. Biglang nag iba ang timpla niya. Kanina ay ang daldal niya ng kaming dalawa lang pero ngayon hindi na ito nagsasalita na parang wala lang kasama, ni hindi man lang ito tumitingin sa amin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Lex?"
"Oh?"
"Are you okay?"
"Okay lang ako Lance. Don't mind me. Mag usap lang kayo. Minsan niyo lang naman makita ang isa't isa eh."
"It's okay. Ikaw ba? Boto kaba para sakin dito kay Sab?"
"Ano ba klasing tanong yan? Syempre naman! Ako nga nagpakilala sa inyong dalawa diba?"
"Oh, kita mo na?" Sabi ni Lance sa akin. Nginitian ko lang ito kasi na hahalata ko na na wala na talagang mood si Alexis.
"Lex, bat parang ang tamlay mo? Okay kalang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman Sab. May iniisip lang kasi akong bibilhin eh."
"Sure ka?"
"Oo naman, pwede bang balikan ko nalang kayo dito? Punta muna akong watsons saglit."
"No! Baka di kana bumalik! Sasama ako."
"Wag na Sab. Hindi pa nga kayong tapos kumain oh. Enjoyin mo nalang muna si Lance. Babalik ako promise."
"Iwan mo na muna dito phone mo para sure akong babalik ka."
"Ayoko nga!"
"Sige ka, magagalit ako sayo."
Nakatingin lang si Lance sa aming dalawa.
"Fine. Oh eto na. Babalik ako kaagad."
"Bilisan mo ha?"
"Opo. Sige na."
Nagmadali na nga itong umalis. Habang wala si Alexis ay sinamantala na ni Lance ang pagkakataon. Mas lalong dumikit ito sa akin at naging mas seryoso ang mukha.
"Alam mo bang gustong gusto kita?"
"Whe?"
"Seryoso ako Sab. Mahal na nga yata kita eh. Ikaw? Ano ba ako sayo?"
"Gusto pa kasi kitang mas makilala Lance."
"May pag-asa ba ako? Baka kasi naghihintay lang ako sa wala."
"Ayoko kong magmadali Lance. Sana naiintindihan mo. Let's take it slow."
"I understand. May iba pa bang nanliligaw sayo?"
"Wala. Don't worry, gusto din kita. I know youre a good person."
"I love you Sab. Okay lang kahit hindi mo sagutin ngayon to. Gusto ko lang malaman mo na mahal na kita at hindi ako titigil hangga't di ka magiging akin."
Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko kay Lance kaya niyakap ko nalang ito.
"Ilang minuto lang akong nawala may yakapan na agad?" Hindi ko namalayan na nandito na pala si Alexis.
"Nandiyan kana pala. Ano yang dala mo."
"Alam niyo, ayokong maka istorbo sa inyo eh. Kaya akin na tong phone ko at mauuna nalang ako."
Bigla kinuha ni Alexis ang phone niya sa table.
"Alexis!"
"No Sab, it's okay. Naiintindihan ko na you guys wanna spend time with each other. Enjoy kayo ha? Lance, ingatan mo si Sab. Okay?"
"Okay. Akong bahala sa kanya."
"Lex!"
"Bye Sab." Sabay beso nito sa akin at nagmadaling umalis.
Gusto ko siyang pigilan pero nandito kasi si Lance. I suddenly feel so guilty kasi niyaya ko siyang lumabas pero ganito ang nangyari. Sana naman wag lang sumama ang loob niya sa akin.