42: Malabo

1.9K 61 16
                                        


Sa mga oras na iyon ay parang wala na akong pakialam. Si Sab ang unang gumalaw ng kanyang mga labi at naging madiin ang halikan namin. Sinunod ko nalang ang mga lagaw ng labi niya at nagtagal ang aming paghahalikan. Mas lalong naging mahigpit ang hawak na sa bewang ko at hindi ko na napansin na ang kamay ay gumagapang na papunta ng kanyang batok, yung isa naman ay nasa kanyang likod.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko haban ginagawa namin iyon. Gusto ko siyang dalhin sa kwarto para huwag ng matapos ang kung ano mang ito pero dahil ako ang nasa katinuan ay pinigilan ko ang sarili ko.

Ako ang unang kumalas sa pagkakahawak sa kanya at natigil ang aming paghahalikan. Hindi siya kumibo ng bahagya akong lumayo, sa halip at napangiti pa siya.

"I'm sorry. Whew! Masyado akong nadala dun ah!"

"Ah- Sab, lasing kana. Tara na sa loob?"

"Teka, wait lang."

"Bakit?"

"Gusto ko ang mga labi mo." Sabay dapat ng daliri niya dito.

Natigilan ako sa ginawa niya. Biglang tumaas na naman ang nga balahibo.

"Mabuti pa pumasok na tayo. Hinahanap na nila tayo oh."

"Nakakatawa ka. Hahaha. Para kang tense na tense. Kumalma ka nga. Di to malalaman ni Lance."

"Hay nako. Lasing kana nga talaga."

Inalalayan ko siya pabalik sa living room kung saan nagkakantahan parin silang lahat.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ka strange ang tingin ni Nicole sa akin. Nakangiti pa ito na parang may binabalak.

"Tagal niyo naman. Ang daya niyo ha? Oh, Alexis sayo na to oh." Sabay abot ni Cass sa akin ng shot.

"Sorry ha? Si Sab kasi eh. Parang nasusuka." Dahilan ko pa.

"Ganyang talaga yan Lex. Ang yabang yabang noong una tapos di naman pala kaya." Sabi pa ni Kat.

"Kaya ko pa no! Si Kat talaga walang bilib sa akin." Pagdadahilan pa ni Sab.

"Eh kaya naman pala eh. Oh Sam, shot pa!" Yaya ni Hazel sa kanya.

Tinanggap niya naman ito kaagad. Napakamot ulo nalang ako sa babaeng to.

Ang gulo-gulo na ni Cass at pa sayaw-sayaw naman si Sab at Kat sa tugtog.
Kami ni Nicole at Hazel naman ay nakikitawa lang sa mga ginagawa nila.

"Excuse me lang, sagutin ko lang to."

Tumayo si Hazel para sagutin ang tumatawag sa phone niya. Agad itong lumayo at bumalik naman kaagad.

"Sab, umayos ka at pupunta daw dito boyfriend mo. Kakatawag lang oh." Sabi pa ni Hazel.

"Talaga? Akala ko may flight siya?"

"Wala daw. Bukas pa daw ng tanghali."

Agad na nagtungo ng cr si Sab at parang nag hilamos. Hindi ko alam pero parang ayaw kong makasama ngayon si Lance dito. Bwiset naman kasi tong nararamdaman ko eh. Parang nagseselos na yata ako. Hindi, hindi, hindi. Bawal akong mag selos. Walang lugar ang pagseselos dito sa puso ko. Hindi akin si Sab. Wala akong karapatang magselos. Ginusto ko na maging sila ni Lance kaya hindi ito pwede. No, no, no.

"Uy Lex, okay kalang?" Tanong ni Nicole.

"Ah- Oo naman! Bakit?" At bigla akong bumalik sa diwa ko.

"Eh kasi nakakunot yang noo mo eh tapos naka pikit kapa. Nahihilo kaba?"

"Talaga? Hindi. Okay lang ako." Hindi ko na namalayan yun ah.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon