Kinabukasan sa Office.
"Talaga? Nag tampo kaagad?"
"Oo kasi epal ka! Bat mo sinabi sa kanya yun? Nag mukha tuloy akong flirt."
"Biro lang naman yun eh." Pagdadahilan pa ni Cass.
"Sarap mo ring sakalin eh no!"
"Di mo magagawa yan! Mahal mo ko!"
"Pasalamat ka lang talaga Cass!"
"Salamat Alexis!!!! Pakiss nga!"
"Hahahah! Tumigil ka!"
"Pero di nga? Nag tampo kaagad si Sab?"
"Hahahah Oo nga! Bwiset kasi na Vince eh. Alam niyang nasa phone ako, yun pa ang sasabihin!"
"Hahahahah. Kaka deny lang tapos huli kaagad? Hahahaha nakakatawa ka Lex."
"Hayaan mo siya."
"Yayain kaya nating lumabas ulit? Ang saya niya kayang kasama."
"Pwede rin. Hindi na siguro sasama yun."
"Lambingin mo na kasi. Yayain kaya nating gumimick o kaya mag movie?"
"Next time nalang. Hindi kaya ako sanay sa nga suyuan na yan."
"Sayang naman. Saya pa naman kasama ni Sab."
"Tayo nalang muna gumimick sa Saturday. Total may atraso ka sakin, libre mo kami ng dalawang bucket. Okay?!"
"Ha? Anu yun?! Dalawang bucket agad?"
"Oo naman. Wag kang aayaw!"
"Edi wow!"
Saturday.
Ilang araw narin kaming di nag uusap ni Sab. Nakakapanibago kasi 2 weeks din kaya kaming magkausap halos ng araw-araw. Galit talaga siguro siya sakin.
Pag-uwi galing trabaho ay natulog na agad ako para may energy mamaya sa magdamagang inuman. Si Hazel ang pinaka malakas uminom sa aming apat kaya siya ang nagiging driver namin pauuwi pag lasing na ako. Malamang, sa bahay na naman ang diretso naming apat pagkatapos nito.
8:30 PM ng nagising ako sa tawag ni Cass.
"Hoy bruha! Asan kana?"
"Uhmmm. Eto na."
"Kakagising mo lang ba?! Tara na! Hoy!"
"Ayan na. Maliligo na ako. Saan ba tayo ngayon?"
"May alam akong bago, malapit lang."
"Saan nga?"
"Basta daan mo ako dito sa bahay. Bilis na. Ready to go na ako dito oh."
"Okay okay. Bye!"
Dali-dali akong naligo at nagbihis.
Pagdating ko sa bahay nila Cass ay nasa labas na nga siya at sumakay na bigla ng kotse.
"Tagal mo! Let's go!"
"Sorry. Asan na yung dalawa?"
"Nandoon na. Kanina pa!"
"Hindi naman ako excited no?"
"Hindi talaga. Hahaha"
Pagdating sa bar ay nandoon na nga si Hazel at Nicole.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
DragosteYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
