Days past ng hindi kami nakikipag pakiramdaman ni Sab. Mukhang okay naman ah. Kaso yung nga lang, hindi din ako nag fafacebook o messenger.
Lahat na ng iwas ay nagawa ko na pero so far at effective naman. New year na at mamaya na ang new years party namin. Exciting, marami na naman akong makikitang lasing at naghahalikan sa bawat sulok.
Gusto ko sanang suduin si Diane pero ayaw niyang magpasundo sa akin. Nahihiya daw siya at baka maipit na naman kami sa traffic.
Pagdating ko sa event ay marami ng tao at mga kaibigan ko rin. Syempre isang department lang naman kami. Hinanap ko si Diane pero wala pa ito, ganun din si Cass kaya lumapit ako sa mga bakla. Maraming pagkain ang naka handa. May DJ din at maraming inumin. This night is gonna be awesome! Mag paparty ako hanggang umaga. Block off kaming lahat sa department kaya lahat kami ay magpapaumaga at magpapakalunod sa saya.
Maya-maya ay dumating na si Cass kasama ang FA na si Joseph. Pinakilala niya ulit ito sa akin. Pogi naman siya, okay narin. Ilang minuto pa ang lumipas ay wala parin si Diane. Naka ilang baso na ako ay wala parin kaya nagpasya kaming sumayaw nalang ni Cass.
Nagtungon na nga kami sa dance floor kasama si Joseph. Sayaw-sayaw ng konti at inom.
"Na miss kong pumarty!" Bulong ko kay Cass.
"Ako nga rin eh! Next time isasama natin sila."
"Oo, dadalhin natin sila dito."
"Si Diane oh!"
Agad naman akong lumingon. Parang tumigil ang buong paligid ko ng nakita ko siya. Ni hindi ko na marinig ang malakas na sound ng buong lugar at ang tanging pintig ng puso ko na lamang ang naririnig ko. Ang ganda niya.
"Hi." Bati nito sa akin.
"Hh..Hi"
"Kanina kapa ba?"
"Ah oo."
"Okay kalang Lex?"
"Ah oo naman. Ganda mo."
"Thank you."
"Tara, upo muna tayo." Yaya ko sa kanya.
"Kumain kana ba Ian?"
"Di pa pero di naman ako gustom."
"Talaga? Drinks gusto mo?"
"Mamaya na siguro. Dami palang tao."
"Oo nga eh. Buong department natin eh. Mamaya may pa games yung DJ, sali tayo ha?"
"Talaga? Oo ba!"
"Pero dito na muna tayo ngayon unless if you wanna dance?"
"Ikaw? Gusto mo?"
"Okay lang."
"Okay pala ha! Sige, tara!" Sabay hila niya sa akin papuntang dance floor.
Mukhang hyper si Diane ngayon gabi ah! Gusto ko to. Lumapit kami kay daan at doon na ang sasayaw. Nakakaaliw tignan si Diane na tuwang tuwa.
Maya-maya pa ay nagsalita ma ang DJ and he is trying to play a game. Entry pass namin na ginawang bracelet ay may designated colors. Yung color ko ay neon pink at pareho kami ni Diane. Yung kay Cass naman ay neon green kaya hindi kami magkasama sa isang group.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
