Sab
"Bat ganyan ka maka tingin? Ha? Para kang may gagawin na masama sakin ah!" Biro ko sa kanya.
"Ganyan na ba talaga ako ka criminal sa paningin mo?"
"Oo, ninakaw mo kaya puso ko! Boom!"
Kitang kita ko sa mukha ni Alexis na kinikilig siya.
"Ikaw ha!!!"
"Hahahahahhaha oh bakit? Namumula ka oh!" Asar ko pa sa kanya.
"Tumigil ka. Hahahah!"
"Uyyyyy nagbu-blush siya!!!"
"Isa!"
"Hahahahah. Kunwari kapa eh kilig na kilig ka na!"
"Dalawa!! Tigil na!"
"Bat ayaw mong aminin na kinikilig ka?"
"Ito pag umabot ng tatlo hahalikan talaga kita!!!!"
"Kaya mo?! Sige nga!!!!!"
Hindi ako naka ilag ng bigla akong halikan ni Alexis sa labi.
"Ang bilis mo ah!!!!"
"Sige, asar pa. Hahahahha"
"PDA tayo dito. Tara na nga!!" Hinila ko siya at lumakad kami ng mabilis.
"Saan tayo?"
"Kakain tayo. Parang gusto ko ng Mango shake eh."
"Okay."
Dinala ko si Alexis sa pinaka sikat na kainan dito sa beach.
"Mango shake lang yung sakin. Anong sayo?"
"Ikaw. Este fresh buko juice nalang."
"Hahahaha. Okay."
Matapos kaming mag order ay nagpaalam si Alexis para mag banyo. Ng umalis na siya ay biglang nag ring phone niya. Nilingon ko siya para tawagin pero wala na siya kaya tinignan ko kung sino ang tumawag. Si Diane pala. Hindi ko alam kung bakit pero sinagot ko ito. Oo na, pakialamera na ako.📞 "Hi. Kamusta? Gusto ko lang palang sabihin na pumunta ako sa apartment mo pero wala ka. Naiwan ko kasi yung relo ko sa cr mo ng maligo ako last time."
Parang gusto kong itapon ang cell phone niya ng marinig ko ang sinabi ni Diane.
"Lex? Andiyan kaba?"
"Ah- wala si Alexis eh. Nag Cr. Sasabihin ko nalang sa kanya."
"Ahhh. Okay. Sino pala to?"
Hindi ko na sinagot ang tanong niya and ended the call. Gusto kong magalit sa kanya pero wala naman akong right eh. I feel cheated again. Hindi man lang niya sinabi na nagkikita pa sila at pumupunta pa ng apartment niya si Diane. Baka nga sila pa eh. Manloloko siya.
Nadatnan ako ni Alexis na hawak hawak ang phone niya.
"Tagal ng babae sa cr. Hayyyy."
Hindi ako sumagot at nilapag sa mesa ang cellphone niya. Bilang dumating ang waiter at binigay ang order namin kaya umupo si Alexis sa tabi ko.
"May problema ba?"
"Pagod na 'ko. Tara na." Bigla akong tumayo.
"Wait. Kakadating lang ng order natin oh. Di man lang ba natin to gagalawin?"
Hindi ko siya pinansin at pumunta sa cashier para bayaran ang inorder namin.
"Wait, Sab. Ano ba?"
Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa labas.
"Hayyyyy! Sige, kung gusto mo ng umuwi ihahatid na kita but please ano bang nagawa ko? Bat ka nagkakaganyan??!!"
Hindi parin ako nagsasalita hanggang sa nasa kotse na kami pabalik ng bahay.
Bababa na sana ako ng pigilan niya."Don't do this. Hindi ako makakatulog pag ganito magtatapos ang araw natin. Tell me, ano ba ang nagawa ko?"
"Tumawag yung girlfriend mo. Pumunta daw siya kanina sa apartment mo pero wala ka."
"GIRLFRIEND??????!!!!!!!! Sab wala akong girlfriend."
"Alexis kong lolokohin mo lang din naman ako, please wag na. Maawa ka naman sakin oh."
"Ano bang pinagsasabi mo Sab???"
"Tumawag si Diane ng nasa cr ka. Di mo man lang sinabi na nagkikita pa pala kayo. Pumupunta pa siya sa apartment mo. Naiwan niya daw yung relo niya sa cr mo eh. Sabay ba kayong naliligo????"
Halos hindi makapagsalita si Alexis sa sinabi ko at napayuko nalang.
"Ano??! Sabihin mo! Ngayon ikaw naman ang hindi magsasalita?!"
"I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo na nagkikita pa kami ni Diane. Nag dinner kami sa bahay that time at natapunan ko siya ng pineapple juice."
"Ahhhh. Kaya pinaliguan mo?!"
"Hell no!!!"
"I'm sorry. Di naman pala tayo kaya di ako dapat nagagalit sayo."
"I'm sorry Sab. I'm sorry. I'm sorry."
"Ano to? Okay lang kahit hindi tayo ang meant to be at least natikman natin ang isa't isa?!"
"Hindi ganyan Sab."
"Well, you make me feel that way." Agad akong lumabas ng kotse niya at nagmadaling pumasok sa bahay.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niya sakin. Pakiramdam ko ngayon ay pinaglalaruan niya parin ako. Okay na sana eh. Dahan dahan na akong nakapag move on pero heto naman ako, umiiyak na naman. Paulit ulit ko na bang mararamdaman to sa kanya. Kung pagiipunin ang lahat ng luha na naiyak ko dati marahil pwede ng gawing swimming pool. Akala ko pa naman ito na ang right time namin pero hindi parin pala. Hindi na talaga siya siguro magiging akin na buong buo.
Kung ito nga ang pagibig, ayoko na nito. Kawawa ang puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/123651885-288-k979873.jpg)
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...