Sab
"Thank God at nasa mabuting tao ang phone ko." Sabi ko kay Kat habang papunta kami ng trabaho.
"Oo nga. Pasalamat ka talaga at hindi sa magnanakaw napunta yung phone mo. Kaya nga wag mo ng awayin yung naka kuha."
"Kinakausap ko na nga siya ng maayos diba? Next week pa daw siya babalik dito sa Manila."
"Talaga? Saan ba nag tatrabaho yun?"
"Sa NAIA daw."
"What?! Alam mo na talaga kung saan siya nag tatrabaho?"
"Oo, sinabi niya eh. Syempre tinanong ko na rin para malaman ko kung saan kami pwedeng mag meet diba?"
"Kung sa sabay may point ka naman. Akala ko kasi close na kayo kaagad."
"Ano daw pangalan niya? Sinabi ba sayo?"
"Oo, Alexis daw eh. Alexis Aviles yata."
"A-le-xis A--vi-les."
"Anong ginagawa mo?!"
"Edi hinahanap sa facebook. Mas mabuti ng alam nating yung mukha niya."
"Oo nga no. Sige."
Agad naming hinanap ni Kat ang isang Alexis Aviles sa facebook. Dalawa lang ang lumabas. Isang lalaki at isang babae.
"Eto yata yun eh. Babae diba?"
"Oo babae. Yan open mo Kat. "
"Eto nga Sab! Siya nga yung babaeng katabi natin sa lobby nung alumni."
"Siya ba yan? Sure ka?"
"Sure na sure ako. Siya nga to."
"Hindi ko maalala eh."
"Natural hindi mo maalala kasi lasing na lasing kana kaya nun!"
"Oo nga naman."
"I add natin."
"Uy wag! Di na! Hayaan mo na!"
"Eh bakit ba?! Facebook ko naman to ah."
"Wag na nga kasi."
"Edi wag. Ang ganda naman this girl oh. Mukha siyang doll."
"Patingin nga?"
Pinagmasdan ko ng mabuti ang pagmumukha ng babaeng naka kuha ng phone ko. Oo, maganda nga siya, maputi pero hindi ngumingiti sa picture. Parang laging galit.
Natapos ang duty at diretso na kaming umuwi ni Kat. Sinundo kami ni Kenneth at hinatid na pauwi. Pagdating sa boarding house ay nag half bath na agad ako. Todo tanggal ng make up at kung ano anong butingting sa mukha.
Ng naka pwesto na ako sa higaan ay hiniram ko ang phone ni Kat. Busy naman siya sa loptop niya kaya sakin muna tong phone niya.
Tinawagan ko ang phone ko para kamustahin ito.
📞 "Hello? Good evening po miss Alexis."
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomansaYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
