December 24 pero nandito ako sa office at nag tatrabaho. Required kaming mag over time pero uuwi parin ako pag out ko. I've changed my mind. Iba kasi talaga pag kasama mo ang pamilya mo sa noche buena. Babalik nalang agad ako dito bukas ng umaga kasi may pasok parin ako. Bukas ng gabi parin naman ang exchange gift namin at saktong sakto na day off ko na sa susunod na araw.
"Hindi ka na naman mag oover time no?" Pagpuna ni Cass sa akin habang mabilis kong tinatapos ang reports ko at maka uwi ng maaga.
"Ano ba, wag kang magulo. Kailangan ko ng tapusin to."
"Eh akala ko ba hindi ka uuwi?"
"Uuwi nalang ako kasi si lolo mag tatampo daw eh. Ikaw?"
"Mag oovertime ako kahit 2 hours lang. tamang tama lang na 8 pm nasa bahay na ako."
"Buti kapa at sa mandaluyong lang yung bahay niyo."
"Oo nga eh. Eh paano bukas? May pasok kapa diba?
"Edi uuwi ako ng maaga. Dito nako didiretso galing laguna."
"Good idea. Wait lang, maiba ako. Ano bang binabalak mo kay Sab?"
"Ha? What do you mean?"
"Bat ang cold mo daw sa kanya?"
"Eh syempre pasko eh, kaya cold."
"Edi wow! RIP sa joke mo!"
"Hahahaha eto naman! Napaka seryoso mo!"
"Di nga? Bakit nga ba Lex? Gusto mo siya no? Wag mong sabihin na nagseselos ka?"
"Hahahahha okay kalang? Bat naman ako magkakaseselos eh wala naman akong right!"
"Edi gusto mo nga siya!"
"Ha?! Ano kaba Cass!"
"Mali ang sagot mo eh! Huli ka! Hahahahha!"
"Tigilan mo nga ako! Nakakainis ka!"
"Umamin ka nga sakin Alexis! Kilala kita eh!"
"Hindi nga! Wala akong gusto sa kanya. Tsaka bakit ko pa siya ipapakilala kay Lance kung ako naman pala ang may gusto sa kanya in the first place! Diba? Ano kaba naman!"
"Eh malay ko baka na fall kana at ngayon mo lang na realize?"
Napaisip ako sa sinabi ni Cass at hindi ako nakasagot kaagad.
"Oh na realize mo no? Hahahaha umamin kana kasi!" Asar pa nito.
"Alam mo ewan ko sayo ang kulit mo! Wala nga sabi!"
"Whe? Bat ka namumula?! Hahahhaha uy!!!!!"
"Nakakapikon kana! Tigilan mo 'ko!"
"Ay pikon? Kung di mo nga siya gusto edi sana di ka napipikon!"
"Kung siya lang naman eh kay Diane nalang ako!"
"Uyyyyyyy! Type mo narin si Diane? Hahahah"
"If ever nga lang! Ang gulo mo kausap!"
"Eh diba lumabas kayo kagabi? Sayang di ako nakasama."
"Oo, kaming dalawa nga napagtripan ng mga bakla eh."
"Inaasar kayo ni Diane? Hahahhaa."
"Oo. Sinakyan ko nalang nga eh."
"Tapos? Ano ginagawa ni Diane?"
"Hinalikan niya ako."
"Ha?! Pumayag ka?! Sa harap ng mga bakla?"
"Hindi hindi! Hinatid ko siya kagabi eh. Nag usap kami ng seryuso sa kotse. Nagtapat naman ako na ayoko ng commitment. Okay lang daw sa kanya ay naiintindihan niya. Pag baba na niya hinalikan niya ako sa labi."
"Wow! Grabe si Diane ah! Hahahaha. So nag halikan kayo?"
"Hindi! Smack lang pero matagal bago bumitaw."
"Hahahha. Ang landi niyo! Lakas ng tama sayo no?"
"Ewan ko nga eh."
"Papatol kaba?"
"Hindi ko alam. Mabait si Diane at ayaw ko siyang saktan."
"Oo nga naman. Pero wala ba siyang chance kahit konti?"
"I can never tell. Malay mo ma fall din ako. Puch@ naman Cass oh! Ayoko ng pumatol sa babae ano kaba!"
"Duh! Bakit naman? Love is love! Tignan mo si Hazel at Nicole."
"Eh ikaw? Papatol kaba sa kapwa mo babae?"
"Nako! Wala akong plano diyan no! Straight po ako! Hahaha"
"Hahahahahha. Edi ikaw na! Alam mo bwiset ka! Hindi ko matatapos tong ginagawa ko eh!"
"Hahahah sorry naman! Basta bukas ng gabi yung christmas party and exchange gift ha? Sino nabunot mo?"
"Oo nga. Secret! Bakit ka nagtatanong?!"
"Wala lang. Baka kasi ako nabunot ko eh. Hahaha"
"Kakaloka ka. Tumigil kana muna diyan at tatapusin ko na to."
"Okay po."
Agad na umalis si Cass sa station ko at ako naman ay magpatuloy ng tapusin ang ginagawa kong report. Excited na akong umuwi para sa noche buena.
Single na naman ako ngayong pasko kaya mas lalong lumalamig eh. Buti pa ang iba. Buti pa si Lance may Sab. Ako kaya? Kailan mag kakaroon ng Sab? Este ng lovelife. Hmmmmmp!
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
