"DUDE, long time no see!" bati ni Lloyd kay Jeff pagkababang pagkababa pa lang nilang magkakaibigan sa itim na expedition na pag-aari ni Vergel hindi pa man sila nakakapasok sa gate.
"Jeff! Happy birthday pare!" masaya namang bati ni Carlo.
"Thanks dude," sagot ni Jeff at nakipagtapikan ng balikat sa kanila.
"Shit, feeling ko college tayo ulit. Excited na kong tumugtog," sabi ni Vergel, ang gitarista nila.
Natawa si Jeff. "Tumutugtog pa rin naman kayo sa mga gimikan ah. Sikat na nga kayo. Lalo ka na Chase," baling nito sa bokalista nila at ang pinakatahimik sa kanila.
"Para ka namang bago ng bago dyan sa mga 'yan," natatawang komento ni Chase.
"Siyempre iba 'to. Kumpleto uli tayo sa stage. Tugtog na tayo. Kapag hindi tayo tumugtog talagang ipagpapalit na tayo ng tatlong yan sa bago nilang kabanda," pabirong aya niya.
"Hoy Lloyd. Anong tingin mo naman sa amin ha? Hindi kami nakakalimot ng kaibigan," pabirong sagot ni Carlo.
Nagkatawanan sila. Isa silang banda noong College. Sikat na sikat sila sa buong Unibersidad. Si Lloyd at Chase ang kumakanta noon. Si Carlo ang basista, si Vergel ang gitarista at si Jeff naman ang drummer. Pero na disband din sila pagka-graduate. Makalipas ang ilang taon ay muling bumuo si Carlo, Chase at Vergel ng banda kasama ang isang kaibigan ni Vergel. Si Jeff ay naging abala sa pagiging atleta samantalang siya ay abala sa Musical Instrument Store niya na marami ng branches sa kung saan saang panig ng Pilipinas. Paminsan minsan ay nakiki-jamming siya sa gig ng mga ito.
"Marami bang chiks dito?" tanong ni Carlo.
"Oo naman. Maraming maganda dito sa amin," sagot ni Jeff.
Papasok na sila ng matigilan siya. He heard the sound of a piano. "Pachelbel?" hindi sinasadyang nasabi ni Lloyd.
Nilingon siya ng mga kaibigan niya at sabay-sabay na nagtanong nang "What?"
"May nag pa-piano." paglilinaw niya. Nakinig naman ang mga ito.
"Oo nga no. Akala ko kinakausap mo ang sarili mo," sabi ni Carlo. Naasar siya sa sinabi nito. "Joke lang," biglang bawi nito, nakita siguro na naningkit ang kanyang mga mata.
"Hmm... in fairness, he's good," komento ni Vergel
"Ah pinsan ko 'yon. Diyan siya sa katapat na bahay. Pupunta din siya mamaya. Well, sana," paglilinaw ni Jeff. Naglakad na ito papasok. Sumunod naman sila. Nagpahuli si Lloyd. He still enjoys listening to the piano.
He's actually not into that kind of music. Mas gusto niya ang rock. Mas nageenjoy siya sa malalakas ang tunog na instrumento. But the sound he's currently hearing brings a different chill in his body. Para siyang sine-seduce ng tunog. Napangiti siya sa isiping iyon.
ILANG piyesa pa ang tinugtog ni Janice bago niya narinig ang tunog ng doorbell. Masigla niyang pinapasok ang estudyante niya. Her name is Mariel. Seven years old ito at taga kabilang block lang.
"Good afternoon teacher Janice," bati nito na ginantihan niya ng ngiti. Pinatuloy niya ito at pinaupo sa harap ng piano. Then she started her lecture. First day ni Mariel kaya itinuro niya ang basic keys ng piano at mga do's and don't's. Binigyan niya rin ito ng simpleng piyesang pwede nitong ipractice.
Nag-umpisa itong tumiklada. Pinapansin niya ang mali nito at pinupuri ang mga ginagawa nitong tama. It's the basic of teaching na lagi niyang ginagawa. Especially for the likes of Mariel na may pagka mahiyain. Mahaba rin ang pasensya niya sa mga batang gustung-gusto talagang matuto na gaya nito.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...