"W-WHAT are you doing here? Paano mo nalamang –
"Fabricante told me. Among other things," seryosong sabi nito.
Natigilan siya at napatitig sa mukha nito. Walang bakas ng galit sa mukha nito. What she sees at that moment are confussion and was it longing? Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya. Tila naman napako siya sa kinatatayuan niya at nakatingin lamang dito habang papalapit ito ng papalapit sa kanya. He stopped when he was just inches away from her.
"Thirteen years ago, why didn't you tell me that you are going to migrate in Canada? Why did you have to say those words to hurt me instead of telling me the truth? Answer me Ritzi," sabi nitong mas tunog pakiusap kaysa utos.
She bit her lower lip to calm herself. Nararamdaman na naman kasi niya ang pag-iinit ng mga mata niya. He just stared at her as if patiently waiting for her answer. She almost weep.
"Why didn't you tell me?!" giit nito.
Tiningala niya ito. "Kung sinabi ko ba sa iyo, anong gagawin mo? Would you tell me "go for it ritzi sumama ka sa kanila"? Iyon ba ang sasabihin mo sa akin kahit sabihin ko sa iyong hindi na kami babalik?" balik tanong niya.
Tila naman natigilan ito. Pagkuwa'y marahas itong bumuntong hininga. "No," simpleng sagot nito.
She knew he would say that. "Natakot akong pigilan mo akong umalis, dahil alam kong mapipigilan mo ako. Because I know it would be hard for me to continue living a life without you. And I thought, maybe what we have was just a puppy love like everyone else our age. That it will fade in time. And I thought it did."
Lumunok siya. then she stared straight to his eyes. "But when I came back and saw you again I realize that it didn't fade. It's till here. But I cannot do anything about it can I? I hurt you and I know that. I cannot justify my actions because if it were me I will hate you too. So I don't blame yo - "
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla siya nitong hatakin at yakapin ng mahigpit. Hindi siya nakahuma. "I'm sorry."
She pursed her lips and sighed. "No, I'm sorry."
Humigpit ang yakap nito. "Tama ang ginawa mo. Tama na sumama ka sa mga magulang mo. Tama lang na iniwan mo ako. Tama lang na hindi mo sinabi sa akin ang totoo. Dahil tama ka, pipigilan talaga kita kahit anong mangyari kung sinabi mo. Malamang sa kagaguhan ko itanan pa kita. At kung nangyari iyon hindi mo sana nagawa ang lahat ng gusto mong gawin at hindi ko rin natupad ang pangarap ko. You did the right thing Ritzi. Kaya walang dahilan para mag sorry ka."
"Ako ang dapat mag-sorry. I was too consumed with my own pain and humiliation I wasn't able to move on. Tumanda na ako lahat lahat ni hindi ko man lang naisip na baka may mas malalim na rason kaya mo ginawa iyon. Ni hindi ko naisip na ikaw si Ritzi, at hindi ka pangkaraniwang babae. Tapos naisipan ko pang maghiganti sa iyo kahit sa totoo lang wala akong ibang gustong gawin mula nang makita kita noong marathon kung hindi ang yakapin at halikan ka," dere-deretsong sabi nito.
"Jeff, I understand you okay," sagot niya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
"Hindi pa ako tapos. When you heard me say those things in front of those women, it was because I was so jeaous with Ernest."
Napaangat ang tingin niya rito. "Kay Ernest? Bakit?"
Tumikhim ito. "Because you were so close to him. Then, that time after we shared a night together, I followed you to your cottage to convince you to start all over again with me. But then I saw you hugging him. And you even told him you love him. I was so hurt and angry then. that's why the next day I continued with my revenge plan. Na sa umpisa pa lang ay hindi ko naman nagawa ng maayos. Because I realize that I still love you."
She softly looked at him. "Jeff, there was nothing between me and Ernest. That's just my way of telling him I appreciate his concern to me."
Bumuntong hininga ito. "I know. He told me. But I can't help it. I can't help wanting to keep you for myself. That's how much I love you."
Para nitong hinaplos ang puso niya sa sinabi nito. "Oh Jeff," usal niya at ikinulong ng mga palad niya ang mukha nito. "Mahal din kita. Hindi iilang beses na bigla kitang maalala habang nasa Canada ako. And everytime it happens I always have the longing to see you. At palagi kong naiisip na sana masaya ka, na sana maayos ang lagay mo."
Ngumiti ito at hinawakan ang mga kamay na nasa mukha nito. Natigilan ito at biglang kinuha ang kaliwang kamay niya. Napatingin siya roon. Suot pa nga pala niya ang singsing ng binigay nito.
"You still have this!" natutuwang sabi nito.
Ngumiti siya. "Of course. Pinaghirapan mo iyan. Ni hindi mo pa nga tapos bunuin ang isang taon mo noong umalis ako. At pag nakikita ko iyan palagi kong nakikinita na naglilinis ka ng kotse ng papa mo."
Tumawa ito. "Oo nga. Hindi siya naging mabait sa akin," anitong hinaplos-haplos ang kamay niya.
"Kasi bakit mahal pa ang binili mong birthday gift dati," nangingiting sabi niya.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Ang totoo, kaya iyan ang singsing na ibinigay ko sa iyo noon ay dahil noon pa man ay sigurado na ko, na ikaw na ang babaeng pakakasalan ko. That's actually an engagement ring you know. Ayoko pang sabihin sa iyo noon, para surprise. So that means... you have been engaged to me since 13 years ago Ritzi."
Manghang napatingin siya rito. Lumawak ang ngiti nito. "Teka, that was a very long engagement don't you think? Dapat yata magpakasal na tayo," sabi nito.
Hindi siya nakatiis. She tiptoed and kissed him on the lips. Pagkuwa'y ngumiti siya, "Mamanhikan ka muna sa mga magulang ko. Mahal na mahal ako ng mga iyon. Hindi nila ako basta ipapamigay."
Humigpit ang yakap nito. "Pwes mahal na mahal din kita kaya ibibigay ka nila sa akin."
Tumawa siya. "Sigurado ka?"
Kinintalan siya nito ng halik sa mga labi. "Oo. Dahil hindi ako papayag na hindi."
Napangiti siya. "Hindi rin ako papayag na hindi. Kasi mahal na mahal din kita," she honestly said.
Naging masuyo ang ngiti nito. "Then, let's do it together."
Yes, from that moment on, they will do everything together. Hindi na niya hahayaang magkahiwalay pa silang muli.
WAKAS
A/N: marami pong salamat sa pagbabasa ng story na ito. hanggang sa susunod na kuwento ng Wildhorn band members. <3
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...