Part 17

4.1K 140 9
                                    

Tumingin itong muli sa kanya. "But I think I am. Brat lang ang pipilitin ang isang lalaking manatili sa tabi niya kahit alam niyang pumapagitan siya sa pagmamahalan ng dalawang taong mahalaga sa kanya."

Then, he saw tears in her eyes. Lalapit na siya rito ng bigla itong magsalita. "No, huwag ka munang lumapit sa akin Chase. Please, this time don't try to comfort me. I have done so much bad things to you and to Audra. Kahit nakikita ko naman na may kakaiba sa pagitan niyo pinilit ko pa ring makigulo. But I just couldn't help it. I just... love you so much too."

Bumuntong hininga siya. "I know that. So don't force yourself anymore. Hindi ako galit sa iyo. At alam kong hindi rin galit sa iyo si Audra."

"Alam ko. Pareho talaga kayo. Pareho kayong mabait. Dati naisip ko, kapag palagi kayong ganyan na mas inuuna ang iba sino ng mag-aalaga sa inyo? But now I know." Tumitig ito sa kanya at ngumiti. "Wala ng mas babagay sa inyo kung hindi ang isa't-isa. At least kapag kayo ang magkasama alam kong aalagaan niyo ang isa't isa."

Malungkot siyang ngumiti at tumingin sa ibaba. Naroon pa rin si Audra. "I wish you could say that to her."

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Chase, about your promise, you can forget about that now." Tumingin siya rito. "So can I ask a favor to you again? This time, last na talaga."

Ngumiti siya. "Anything."

Gumanti ito ng ngiti. "Take care of Audra. Make her happy."

He sighed while smiling. "Of course."

Pumikit na ito. Marahil ay napagod ito sa pagsasalita. "That's good. Sige na puntahan mo na siya. Hindi iyang tingin ka lang ng tingin."

Natigilan siya sa sinabi nitong iyon. "How did you –

"Paano ko nalaman. Simple lang. you always have that loving expression in your eyes everytime you see her. So whe I saw you looking outside the window so lovingly I know you saw her.

"Parehong pareho kayo ng ekspresyon ni Audra kapag tinitingnan niyo ang isa't isa. I cannot bear to watch the two of you like that forever. Ngayon alam ko na kung bakit gusto na akong kunin ng Diyos. He still love me after all."

"Lyka," saway niya rito.

"I told you I am okay with this already. Kaya bumaba ka na. It will rain any minute. Besides, hindi mo na kailangang manatili sa tabi ko." Hindi pa rin niya magawag kumilos. Hindi niya makakayang iwan ito ng ganoon sa ganoong sitwasyon. "Don't worry about me. Darating na sila mommy any minute. Kaya sige na." dumilat ito at tumingin sa kanya. "I want to give you back your happiness Chase," anitong na tila bulong lamang.

Bumuntong hininga siya at kumilos upang kunin ang isang payong. "Thank you Lyka."

AWTOMATIKONG napatingala si Audra nang maramdaman ang banayad na pagtama ng ambon sa kanya. Himbis na magalala ay napangiti pa siya. bigla kasing sumagi sa isip niya ang isang beses na naglakad siya sa ulanan kasama si Chase. Ah, that was one of her precious memories. It was sweet at the same time sad, dahil alam niyang mananatiling alaala na lamang iyon. Napayuko siya at napabuntong hininga nang maramdaman ang paglakas ng ulan. Dapat bumalik na siya sa loob. Kailangan na niyang makita si Lyka. Pero ayaw gumalaw ng katawan niya.

Napasinghap siya ng tila mawala ang pagpatak ng ulan at ng maamoy niya ang isang pamilyar na amoy. Awtomatiko siyang napatingala. It was Chase. Hawak nito ang payong na dahilan kung bakit hindi na siya nababasa ng ulan. Bahagya pa itong hinihingal na para bang tumakbo pa ito.

Nang tila mahabol na ang hininga ay nagsalita ito. "Audra, what are you doing in the rain? Kung kanina ka pa nandito sana umakyat ka na lang agad sa kuwarto ni Lyka. Magkakasakit ka sa ginagawa mo."

Huminga siya ng malalim at iniwas ang tingin dito. "I just feel like sitting in the rain. Paano mo nalaman na nandito ako?"

Napaigtad siya ng bigla itong umupo sa tabi niya. Hindi nito alintana kung basa ba ang inupuan nito. Now, they are both sitting in the rain while under one umbrella. "I can see you from there. Napatingala siya ng may ituro ito. May isang bukas na bintana. Iyon marahil ang silid ni Lyka.

"Hindi mo na sana iniwan si Lyka," usal niya.

"She gave me permission."

Tumingin siya rito. Nahigit niya ang hininga nang makitang matamang nakatitig ito sa kanya. Naalala niya na ganoon din iton tumingin sa kanya dalawang taon na ang nakararaan. With that same expression na hindi niya mabigyan ng pangalan. Nag-iwas siya ng tingin dahil bigla na namang kumabog ang dibdib niya. kahit ilang beses niyang sawayin ang sarili upang hindi na niya iyon maramdaman para dito ayaw sumunod ng puso niya.

"Kahit na. Hindi mo siya dapat iwan."

"This rain brings back memories," sabi nito na tila hindi siya narinig. Nang sulyapan niya ito ay nakangiti ito habang nakatitig sa malakas na ulan. Muli na namang bumaba ang tingin niya sa bracelet nito. honestly Chase, you're just making things difficult for me.

"You should be beside Lyka."

Ilang sigundong buhos lamang ng ulan ang namagitan sa kanila bago ito nagsalita. "I promised Lyka that I will take care of you," seryosong sabi nito. Dahilan upang muli siyang mapatingin dito.

"Kaya tara na. Ayokong magkasakit ka rin," dugtong nito. Bago pa siya makahuma ay ginagap na nito ang kamay niya at inakay siya patayo. Tila naumid ang dila niya nang akayin na siya nito papasok sa ospital. Hindi nito binitiwan ang kamay niya. Pakiramdam niya rin ilang beses nitong pinisil ang kamay niya. Bakit nito ginagawa iyon?

I promised Lyka that I will take care of you. oo nga pala. Ginagawa nito iyon dahil nangako ito kay Lyka. Wala iyong ibig sabihin dito.

Nang palapit na sila sa silid ni Lyka ay biglang sumasal ang kaba sa dibdib niya. May mga nurses na nasa labas niyon. Bukas rin ang pinto ng silid. At hindi niya maipagkakaila ang malakas na pag-iyak ng mommy ni Lyka.

Mabilis siyang buimtaw kay Chase at patakbong pumasok. "Lyka!"

Lumingon sa kanya ang mga magulang nito. Parehong namamaga ang mga mata at basa ang mukha sa luha. Kahit pakiramdam niya nadudurog ang puso niya ay lakas loob siyang tumingin sa kama. Wala na ang mga aparatong nakakabit sa katawan ni Lyka. All there is is her, peacefully sleeping. Or was she sleeping.

Wala sa sariling lumapit siya rito. "Lyka," tawag niya rito. Hindi ito sumagot.

"She's gone Audra. Iniwan na tayo ni Lyka," sabi ng mommy nito at humagulgol.

Napaawang ang mga labi niya. parang may sumaksak sa kanya. And when she could not bear the pain anymore, she started to cry. She cried so hard. "Lyka."

Then she felt a hand on her shoulder. It was Chase. Walang pagaalinlangang yumakap siya rito. Thank God Chase is there, or else, she wouldn't know if she could bear the pain.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon