"PARE, kaninong palda ka na naman ba nagpakasasa at wala ka pa? Huwag mong sirain ang schedule ng designer. Malilintikan ka kay Janice," walang pasakalyeng sabi ni Lloyd pagkasagot na pagkasagot ni Jeff ng cellphone niya.
"Ito na nga papunta na. I am about to park my car," pareklamong sagot niya sa kaibigan niya habang iginagala ang paningin sa parking lot ng mall na iyon upang humanap ng espasyo. Nang makita iyon ay kumambiyo siya patungo roon.
Pumalatak si Lloyd sa kabilang linya. "Ang sabi ni Janice pinaalala niya sa iyo noong isang araw na ngayon tayo magpapasukat para sa barong pero na late ka pa rin daw," sabi nitong tila nangongonsiyensya.
He cursed inwardly kasabay nang paghimpil niya ng sasakyan. "I know I know. I'll say sorry to her when I get there. Tell my cousin to just relax okay?"
"Just get in here quickly Jefferson," tinig iyon ni Janice.
Napangiwi siya. "Right away cousin," sabi niya at mabilis na binuksan ang sasakyan. Pinutol na niya ang tawag at nagmamadaling lumakad papasok sa mall. Agad niyang hinanap ang boutique ni Claire Sanchez – ang designer na napili ni Janice para sa entourage ng kasal nito.
Pagpasok niya roon ay agad niyang natanaw si Lloyd. Kasalukuyan sinusukat dito ang barong na ipinatahi ng mga ito ng isa sa mga staff. Parang gusto niyang matawa sa itsura nito.
"Lloyd ang sagwa sa iyo ng barong," biglang sabi niya kasabay nang paglapit dito.
Lumingon ito sa kanya. Bakas ang pagkailang at iritasyon sa mukha. "Nangangati na nga ako," reklamo ng kaibigan niya na ikinatawa niya. ang mga magulang kasi nito at ni Janice ang may gustong barong ang isusuot ng mga lalaki at hindi amerikana. Mas maganda raw iyon sa kasal.
Luminga linga siya. "Nasaan ang mga loko? Hindi sila nagpunta?" tanong niyang ang tinutukoy ay ang mga kabarkada nilang sina Chase, Vergel, Carlo at Rick.
"Kanina pa umalis. Una na silang sinukatan dahil may gig pa sila mamayang gabi, Magseset-up at magrerehearse pa daw sila. If I know makikipagkita lang ang mga iyon sa mga siyota nila," sagot ni Lloyd na irritable pa ring nakatingin sa salamin.
"Si Rick may siyota na?" curious na tanong niya.
Tumawa si Lloyd. "Hindi official. Pero halata naman pare, mahal na mahal siya ng babae. Tanga lang talaga yang si Rick. Saka magsisisi yan kapag iniwan siya. Ganoon ang nangyari kay Vergel hindi ba? E paano kung hindi gaya ni Vergel na nagka second chance ay hindi na siya balikan? Tanga talaga."
Napailing siya. Kung magsalita kasi si Lloyd ay parang hindi ito naging tanga minsan. Lahat naman sila, in one way or another have been stupid for the woman they like. He suddenly had a bitter taste in his mouth. Agad niya iyong pinalis at tumingin na lamang sa kaibigan niya.
"Siguruhin lang nilang wala silang gig sa araw ng kasal ko dahil kapag hindi sila sumulpot magkakalimutan na kami," muling sabi ni Lloyd.
May banda ang mga kaibigan nilang iyon. Noong kolehiyo sila ay kasama rin sila ni Lloyd sa banda. Pero pagkagraduate ay na disband sila. Si Lloyd ay hindi na nagbanda dahil ayaw na raw nitong dagdagan ang sakit ng ulo ng mga magulang nitong mga sikat na pianista. Nagtayo na lamang ito ng musical instrument store.
Siya naman ay ginawang propesyon ang pagiging atleta. Lahat ng sports, kahit gaano ka extreme ay sinasalihan niya. Palagi naman siyang nananalo.
Bata pa lamang siya ay exposed na siya sa sports. His father is also a sportsman when he was young. Pero ngayon ay pinamamahalaan na lamang nito ang resort nila sa Siargao na ipinundar nito noong panahong malaki pa ang kinikita nito. Dati na niyang sinasabi ditong magexpand sila at magpatayo pa ng ibang resort sa ibang lugar dahil kaya naman nila kung financial ang pag-uusapan. Subalit ayon dito ay sapat naman na daw ang resort na iyon para sa kanila. Mahirap daw mag-manage ng maraming resort. Hinayaan na lamang niya ito. May punto naman ito.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...