Promise Me Forever - Part 12

4.1K 139 11
                                    

"YOU want pizza?" tanong ni Vergel sa kanya nang magpunta sila sa kalapit na restaurant sa building nila. Sumulyap pa ito sa kanya at bahagyang ngumiti.

"No. I don't feel like eating pizza now. Okay na sa akin ang coffee," aniya rito sa pilit pinakaswal na tinig.

Napatitig ito sa kanya. "Hindi ka naman umiinom ng kape dati," komento nito.

Natigilan siya. Hindi niya naisip na maaalala pa nito ang napakasimpleng bagay na iyon. Nagkibit balikat na lamang siya. "Dati iyon. I drink a lot of coffee now," aniya at umorder na. Hindi na lamang siya nagkomento ng kape lang din ang inorder nito.

"I can see that you are doing well," basag nito sa katahimikan.

Simpleng ngumiti siya. "Yes. In fact I feel great with what I am now."

Saglit itong natigilan. Pagkuwa'y tumango tango ito. "I bet your parents are proud of you."

"Yes. Ikaw anong ginagawa mo ngayon? Aside from the band?" hindi niya napigilang itanong.

Biglang nagliwanag ang mukha nito. "I produce segments for a music channel. We will cover your event by the way," nakangiting sagot nito.

"Wow, that's great. I bet your parents are proud of you too," komento niya.

Nawala ang ngiti sa mga labi nito. Sumimsim muna ito ng kape bago nagsalita. "Who knows," mahinang sabi nito.

Natigilan siya. Kahit noon ay nagiging ganoon ang reaksyon nito kapag inuusyoso niya ang tungkol sa mga magulang nito. "Bakit naman ganyan ang reaksyon mo?"

Tabingi ang naging ngiti nito. "Because I don't really know. My mom is in for her fifth marriage to someone I don't even know except by name. And my father is busy with his own life too. So I never had a chance to ask them how they feel about me."

Napatitig siya rito. Bigla niya tuloy naisip na baka kaya hindi ito naniniwalang posibleng may panghabambuhay na relasyon ay dahil sa mga magulang nito. Nakaramdam tuloy siya ng awa para dito. "But I am proud of you," aniya bago pa niya napigilan ang sarili.

Nahinto ito sa akmang pag-inom ng kape at napatitig sa kanya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya kaya nagyuko siya ng ulo at hinalo-halo ang kape niya. Some habits are really hard to break.

"Yeah right," anito sa tonong pamilyar sa kanya. Napatingin siya rito. Nakatutok din ang atensyon nito sa kape nito. Ginagamit nito ang ekspresyong iyon noon kapag may gusto itong itanong sa kanya na nahihirapan itong sabihin. At kapag may pinaseselosan itong kaklase niya. But of course, the latter reason is impossible now.

"Ano ba talaga ang dahilan at bigla kang sumulpot sa opisina ko?" nananantyang tanong niya.

Nag-angat ito ng tingin. Their eyes met. "Can I ask a question?" tanong nito. Tumango siya. "Is there... something going on between you and Rick?"

Nagitla siya sa tanong nito. "Why do you ask?"

"Is that a yes?"

Iniwas niya ang tingin. "Whether there's something going on between us or what does not really concern you," paiwas na sagot niya.

Hindi ito umimik. Pagkalipas ng ilang sandali ay muli itong nagsalita. "Do you love him?"

Manghang napatitig siya rito. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang pinatutunguhan ng usapan nila. "What exactly are you trying to say Vergel? Kilala kita. Alam ko na may iba kang gustong sabihin. I can hear it in your tone. So speak up. Kailangan ko ng bumalik sa opisina," dere-deretsong sabi niya. Nagkunwa pa siyang naiinip na. Naipagpasalamat niya na mayroon siyang kakaibang lakas ng loob ng mga oras na iyon.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon