"HINDI ko alam na marunong ka palang magluto. Akala ko pag-gigitara lang at pambobola ang alam mong gawin sa buhay mo," komento niya habang inihahain ni Vergel ang niluto nito.
Bahagyang nalukot ang mukha nito. "Grabe ka naman. Ang liit naman ng tingin mo sa akin," tila nasaktang sabi nito.
Hindi niya napigilang matawa. Ang pagkakalukot kasi ng mukha nito ay tulad noong sinabihan niya itong mag-gitara na lang at huwag kumanta. "OA mo. Hindi bagay," nakangiting sabi niya. bigla niya tuloy naisip, na kahit may masakit na pangyayari sa pagitan nila noon, mas marami naman silang magandang alaala.
Nang lingunin niya ito ay nakatitig lang ito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. "O bakit?"
Ngumiti ito at bahagyang umiling. "I just remembered something. I remembered that we have this same converstation before. At ngayon lang uli kita narinig tumawa," anito at umupo na sa tabi niya. Ito pa ang naglagay ng pagkain sa plato niya. "Kumain ka ng kumain."
"Hoy, ang dami mong nilalagay. Tataba ako siyan," angal niya.
"Eh ano. Kesa naman magkasakit ka," walang anumang sabi nito. Natawa na naman tuloy siya.
Nagsimula itong sermunan siya tungkol sa eating habits niya. Siya naman ay nangingiti lang na nakikinig dito.
"Are you really listening to me?" tanong nito na may bahid ng inis.
"Oo naman," sagot niya at at nagsimulang kumain. Nang matapos ang hapunan at makapagligpit sila ay hinatid na niya ito sa labas ng pintuan ng unit niya.
Nginitian niya ito. "Thank you. Masarap ang luto mo," puri niya.
Ngumiti ito at tumitig sa kanya. Bahagya siyang nailang nang maging mas matiim ang pagkakatingin nito. "Vergel, umuwi ka na gabi na," aniya rito.
Tila naman natauhan ito. Bumuntong hininga ito at tipid na ngumiti. "Okay, sleep tight."
She watched him go. Napabuntong hininga siya. She's resisting him because she's afraid to get hurt in the end. Pero sa tuwing itinataboy naman niya ito, para namang pinipiga ang puso niya.
IYON na ang gabi ng concert na ilang buwan din nilang pinaghandaan. Marami na ring taong excited na excited na. Saglit niya lang sinilip ang backstage. Hindi niya nalapitan sina Vergel dahil masyado siyang abala
Napapihit siya ng may kumalabit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at napangiti ng makita ang dalawang makisig na lalaking nakangiti sa kanya. "Lloyd! Jeff! Wow long time no see," bati niya sa mga ito.
Tumawa si Jeff. "Oo nga eh. Kakarating ko lang kasi galing Subic. Wow, you look good, hindi ka mukhang stressed," biro nito na ikinatawa niya.
"Teka nasaan na sila ha?" tanong naman ni Lloyd.
"Backstage. Hindi ko pa nga sila nalalapitan. They are so crowded in there. And I have to check a lot of things pa," aniya sa mga ito. Saglit pa silang nagkuwentuhan bago siya nagpaalam. Kailangan niyang idoublecheck ang technicals.
"VERGEL, parang hindi ako masyadong natutuwa sa ginagawa mo," sabi ni Rick.
Mula sa pagtotono ng gitara ay tiningnan niya ito. Alam niyang kakausapin siya nito tungkol sa bagay na iyon. Nagtataka nga siyang ngayon lang ito nagsalita. Hindi naman niya ito gustong taluhin. Nagkataon lang na si Grace ang babaeng nagustuhan nito. Hindi niya pwedeng ipamigay si Grace sa kahit na kanino.
"Alin?" patay-malisyang tanong niya.
Bumakas na ang inis sa mukha nito. Napatingin sa kanila sina Chase at Carlo. Pero mukhang wala namang balak makielam.
"Ang pagporma mo kay Grace. You all know I like her," galit na sabi nito.
Tiningnan niya ito. "I like her too."
Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito. Napaubo si Carlo. Nagsukatan sila ng tingin ni Rick. "Seryoso ka ba sa kanya?" tanong nito.
Sinalubong niya ang tingin nito. "And what if I am?"
Tumiim ang bagang nito. "Look, ayokong mag-away tayo dahil matagal na tayong magkaibigan Vergel. Pero ngayon pa lang ay magkalinawan na tayo. Kung hindi ka seryoso, ibalato mo na lang siya sa akin. Dahil ako mamahalin ko siya ng seryoso. Hindi ko siya lolokohin at hindi ko siya paaasahin sa wala. I am even willing to marry her," seryosong sabi nito.
Somehow, it made him mad. Hindi niya alam kung aling parte ng sinabi nito ang nakakagalit para sa kanya. Ah, lahat ng sinabi nito nakakagalit sa kanya. "She will never go out with you. I will never allow that okay? Besides kung may magbibigay dito ikaw iyon. Dahil kami, marami na kaming pinagsamahan," galit na ring sabi niya. Sinadya na niyang bahiran ng malisya ang sinabi niya.
"Oy tama na iyan. May set pa tayo," saway na ni Carlo sa kanila. Bahagya pa itong pumagitna sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin?" kuno't noong tanong ni Rick.
Nanguuyam siyang ngumiti. "Bakit hindi mo itanong kay Grace? Wait, mahiyain nga pala iyon kaya ako na ang magsasabi. Let's just say I am her... first everything. How's that?"
He had the satisfaction to see his surprised look.
"Tama na sabi, Vergel," muling saway ni Carlo sa mas mataas na tinig. Salubong ang kilay at magkalapat ang mga labing umalis si Rick. Hinarap siya ni Carlo. "Ano ba naman. Alam niyong may set pa tayo nag-aaway pa kayo."
"Siya ang nauna hindi ako!" asar na sagot niya.
Umiling ito at tumingin kay Chase. "Chase ikaw nga ang kumausap dito. Ang labo eh."
Bumuntong hininga si Chase at tumingin sa kanya. Hindi pa man ito nagsasalita ay nainis na agad siya. Nahuhulaan na niya ang sasabihin nito. "Tama si Rick pare. Kung hindi ka seryoso kay Grace ibigay mo na siya sa iba. Huwag mong ipagdamot ang taong hindi mo kayang alagaan ng pangmatagalan. Bigyan mo naman ng kaligayahan iyong tao," anito.
Nasaktan siya sa sinabi nito. Marahas siyang nagbuga ng hangin."But I am serious! I have never been this serious in my whole life! Why can't you all understand that!" frustrated na sabi niya. Hirap na nga siyang papaniwalain si Grace kung gaano siya kaseryoso, pati ba naman ang mga kaibigan niya ayaw maniwala sa kanya? Hinubad niya ang gitara niya at inilapag bago niya pa iyon maihampas sa sahig sa sobrang pagkaasar. Nang hindi sumagot ang mga ito ay nilayasan niya ang mga ito.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...