At Last A Love To Last - Part 12

4.5K 163 5
                                    

"HOY, Carlo, anong nangyayari sa iyo at bigla kang nagyayang uminom ha? Hindi ka naman nagyayaya dati," pukaw ni Jeff sa kanya. Sumangayon naman sina Lloyd, Chase at Vergel dito. Mga kaibigan niya ang mga ito kolehiyo pa lamang sila.

Hindi siya sumagot at tumungga sa bote ng beer na hawak niya. Masama ang loob niya, masamang-masama. Gumitaw sa alaala niya ang mukha ni Gemma. At muli niyang naalala ang muli nilang pagkikita makalipas ang siyam na taon.

He has been living a miserable life for nine years because of his longing for her. Yun pala ay nag-asawa na ito at may anak na. Parang may sumipang kabayo sa dibdib niya nang malaman niya iyon. Biglang natunaw ang sayang naramdaman niya nang makita at mayakap itong muli. Dahil pag-aari na ito ng iba.

"Oo nga. Ano bang nangyayari sa iyo ha?" tanong pa ni Vergel.

"Wala. Trip ko lang maglasing ngayon. Masama ba?" pabalang na sagot niya. Dahil ba palagi siyang ang joker ng barkada ay wala na siyang karapatang magmukmok at maging miserable?

"Tsk, tsk. Sabi naman ni Janice, masaya ka naman daw kanina nang magkasalubong kayo. Pero ng makarating kayo sa shop ko at makita mo si Gemma naging ganyan ka," komento ni Lloyd. Ang asawa nito ang tinutukoy nito. Kakakasal lamang ng mga ito limang buwan pa lang ang nakalilipas. Nakasalubong niya si Janice na nagkataong papunta rin pala sa shop ni Lloyd.

"Sinong Gemma?" tanong ni Jeff.

"Yung kababata niya na nakatira din sa bahay nila," imporma ni Lloyd.

"Ah, yung sexy?" tanong ni Jeff na ikinatawa ng mga kaibigan niya.

"Pagdating talaga sa sexy malinaw ang memorya mo," natatawa pa ring sabi ni Vergel.

Asar na ipinagpatuloy niya ang pag-inom. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa mga ito ang namagitan sa kanila ni Gemma. Dahil bago pa niya iyon nasabi ay nawala na ito.

"O, dapat nga matuwa ka pa na nakita mo siya uli," sabi naman ni Chase.

He suddenly had a bitter taste in his mouth. Pagak siyang tumawa. "How can I be happy to know that she's already married and has a child?"

Hindi kaagad nakaimik ang mga ito. Kahit hindi niya tingnan ang mga ito ay alam niyang nagpalitan ang mga ito ng nagtatakang tingin. Sinaid niya ang laman ng boteng hawak niya.

"Does that mean... you like her?" nananantyang tanong ni Vergel.

Biglang humapdi ang gilid ng mga mata niya. Madalas na nangyayari iyon sa kanya tuwing naaalala niya si Gemma. "Like her? No, I don't like her," mahinang sagot niya.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo?" tanong naman ni Jeff.

Mapait siyang ngumiti bago sumagot. "Because I love her. I love her ever since. Pero bigla siyang nawala and the next thing I knew nag-asawa na siya." marahas niyang pinunasan ang mukha niya nang maramdaman niyang may mainit na likidong nakawala sa mga mata niya. Wala na siyang pakielam kung magmukha siyang katawa-tawa sa harap ng barkada niya.

"Teka, teka lang Carlo. Sino namang nagsabing nag-asawa na siya? Ang sabi niya sa akin may anak siya, pero wala siyang asawa," basag ni Lloyd sa katahimikan.

Bigla siyang napatingin dito. Maging ang mga kaibigan nila ay natuon dito ang pansin. "What?"

"Wala siyang asawa. Malamang tinakbuhan iyon ng lalaking nakabuntis sa kanya," kwento pa nito. Napatayo siya. Biglang humagalpak ng tawa si Lloyd. "Carlo para kang timang. Ngayon lang kita nakitang ganyan. So ibig sabihin mahal mo nga siya. Huwag kang mag-alala may pag-asa ka pa sa kanya. Yun ay kung ayos lang sa iyo na may additional baggage siya."

"I don't care," sagot niya. Naihilamos niya ang palad sa mukha. "I need to find her."

"Madali lang iyan. Base sa uniform niya, may ideya na ako kung saan siya nagtatrabaho," natatawang sabi ni Lloyd.

Natigilan siya. Bigla siyang nakaramdam ng pag-asa. Sa haba ng panahong hindi niya ito nakita, gabi-gabi siyang natatakot na baka may sarili na itong pamilya, na baka masaya na ito sa piling ng iba. Pero ngayong nalaman niyang may pag-asa pang makasama niya itong muli, hindi na niya sasayangin ang pagkakataong iyon. Tiningnan niya ang mag kaibigan niya at isa-isang tinapik ang mga ito bago niya nilisan ang lugar na iyon. He had to find her again, his only happiness.

"SINO kayang hinihintay niya? Kanina pa siya sa labas pero hindi naman siya pumapasok dito. Type ko pa naman siya," kinikilig na sabi ng isa niyang katrabaho.

"Ay ako din. Ang guwapo-guwapo niya. At hot papa talaga. Ang mga ganyang lalaki ang dahilan kung bakit dito ako sa branch na ito nagpadestino eh," dugtong ng isa pa.

Natatawa at naiiling na ipinagpatuloy na lamang niya ang pagliligpit ng mga gamit niya. Nag-close na sila para sa araw na iyon. Ang mga ganoong usapan ay hindi na bago sa kanya. Marami kasi talagang guwapo at magagandang taong nag-dedeposit at nag-wi-withraw sa branch nila kaya nasanay na siya. Ang dalawang nag-uusap ay mga bagong pasok pa lamang sa bangko nila kaya marahil hindi pa immune ang mga ito. Siya kasi ay matagal na sa branch na iyon. Katunayan ay manager na siya ng branch na iyon. Naghuhuntahan pa rin ang mga ito himbis na mag-handa na sa pag-uwi.

"Girls, mauna na ako sa inyo ha," nakangiting paalam niya sa mga ito. Susunduin niya pa si Gian sa kapitbahay nila kung saan madalas itong tumambay kapag wala pa siya sa bahay.

"Sige po Ma'am. Ingat po!" paalam din ng mga ito sa kanya at muling sumilip-silip sa labas. Natawa siya sa itsura ng mga ito at nakatingin pa rin sa mga itong lumabas siya ng bangko.

Napatras siya nang sa pagharap niya ay makita ang lalaking sigurado siyang ang pinag-uusapan ng mga ito. "Carlo," usal niya. Nakasandal ito sa gilid ng isang itim na Honda civic. Nakapamulsa ito sa suot nitong jeans na hapit. Katulad noong hintayin siya nito sa Unibersidad niya, para pa rin itong modelo sa pagkakatayo doon.

Dumeretso ito ng tayo at lumapit sa kanya. Ngumiti ito. "Hinihintay kitang kahit papaano ay sumilip man lang dito sa labas. Kaso mukhang seryoso ka sa trabaho mo."

Napakurap siya. "Paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?"

Nag-iwas ito ng tingin at nagkibit-balikat. "Diskarte lang." Pagkuwa'y muli itong tumingin sa kanya. "Uuwi ka na? Ihahatid na kita," alok nito.

Bigla siyang ninerbiyos. "Huwag na. Nakakahiya naman, maaabala pa kita," tanggi niya.

"Kahit kailan hindi ka naging abala sa akin," sagot nito.

Ang sarap pakinggan. Siguro kung hindi niya nakita ang nobya nito ay baka maniwala siya rito. "Hindi na talaga kailangan. Kaya ko namang umuwing mag-isa," aniya at sinimulang maglakad palayo rito.

'Wait Gemma." Maagap nitong nahawakan ang braso niya. Iniharap siya nito. Bahagya siyang napasandig sa dibdib nito. "Bakit mo ako iniiwasan? Ganyan ba ang dapat na maging reaksyon mo after nine years na hindi tayo nagkita?" kuno't noong tanong nito.

Nahigit niya ang hininga dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. "Hindi kita iniiwasan."

"Eh ano pala itong ginagawa mo?"

Napabuntong hininga siya. "Carlo, why are you doing this?" tanong niya. Alam naman niya na may sarili na itong buhay. May bago ng kasintahan na base sa itsura at kilos ay mukhang may kaya. Siguradong gusto ito ng mama nito. Lalo lang siyang mahihirapan kung paaasahin lang siya nitong maaari niya itong makasamang muli kahit hindi naman.

"Dahil ito ang gusto kong gawin," simpleng sagot nito.

Hinatak niya ang braso at lumayo rito. Tiningnan niya ito. "Pero hindi iyan ang dapat na ginagawa mo. May kanya-kanya na tayong buhay. Kaya kung anuman ang... namagitan sa atin noon, hayaan na natin iyon. Kaya, pabayaan mo na ako. Kailangan ko ng umuwi," matatag na sabi niya.

Lalong kumunot ang noo nito. "What the hell are you saying Gemma?"

Muli siyang napabuntong hininga. "Ikaw lang din ang iniisip ko. Makakagulo lang ako sa maayos na takbo ng buhay mo. Lalo na kapag nalaman ng mama mo na nagkita uli tayo. Just be... happy okay?" tapos niya sa usapan. Agad niyang pinara ang nakita niyang taxi at sumakay doon.

"Wait, Gemma!" tawag nito sa kanya. Ngunt hindi na niya ito nilingon. Natatakot siya, na baka ipagkanulo siya ng damdamin niya.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon