Our Song - Part 32

2.9K 105 0
                                    


"AND CUT! That was awesome. Prepare the scene for Stephanie and Anje!" malakas na sigaw ng direktor. Nasa shoot sila ng music video para sa joint album nila.

Nagrelax si Cham at awtomatikong hinanap ang mga kaibigan niya na nakaupo sa isang panig at nagthumbs up pa sa kaniya. Ngumiti siya at mabilis na lumapit sa mga ito.

"Pwede ka na ring mag-artista Cham," biro ni Ginny sa kaniya.

Tumawa siya. "Hindi. Mas mahal ko ang music at stick to one ako," ganting biro niya.

Inabutan siya ni Anje ng bote ng mineral water at tumayo. "O uminom at maupo ka muna. Kami naman ni Steph ang sasalang," anito at lumakad na palapit sa assistant director na sinenyasan ito. Sumunod dito si Steph.

"Himala wala pa si Adolf. Madalas kahit hindi pa niya time dumarating iyon ng maaga at didikit sa iyo," ani Yu na iginagala pa ang paningin.

"Malamang hindi na poporma iyon. Alam na niyang taken na si Cham," sagot ni Ginny.

Alanganin siyang ngumiti. "Sa totoo lang ay narerelieve ako na wala pa siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nagsimula ulit siyang magtanong ng tungkol sa amin ni Rick," sagot niya.

"Isa pa si Rick. Hindi ko pa siya nakikita ulit. Busy ba daw siya? Dati-rati kahit sandali sumisilip iyon para makita ka. Pagkatapos niyang sabihin na kanya ka bigla siyang nagmimissing in action," komento ni Yu.

May kumudlit na kirot sa puso niya sa sinabi nito. Pilit siyang ngumiti. "Nagtetext naman siya sa akin. Busy lang talaga siya," dahilan niya.

Ngunit ang totoo ay hindi pa siya kinocontact ni Rick mula nang araw na magkasagutan ito at si Adolf. Tuwing sinusubukan niya itong tawagan ay nagriring lang ang cellphone nito ngunit hindi nito sinasagot. Hindi rin ito nagrereply sa mga text niya. Dahil sobrang higpit ng schedule nila ay hindi niya magawang makatakas upang puntahan ito sa mga gig ng mga ito. Kapag nagpupunta naman sila sa studio ni Carlo upang magpractice ay hindi na niya ito nakikita. Nababahala siya dahil kahit ayaw niyang aminin sa sarili niya ay malakas ang pakiramdam niya na iniiwasan siya nito. Kung bakit, iyon ang nais niyang malaman mula rito ngunit mukhang wala itong balak na sabihin sa kaniya.

"Uy, nandito si Mr. President at may kasama siyang foreigner," biglang sabi ni Ginny na nagpakurap sa kaniya. Nang sundan niya ang tinitingnan nito ay nakita niya nga ang ama ni Rick. Kasunod nito ay isang may edad ding amerikano. Nang mapabaling sa kanila si Romano ay tila may sinabi ito sa kasama nitong amerikano na tumingin din sa panig nila. Pagkuwa'y tila sinenyasan nito sina Stephanie at Anje na sumunod bago naglakad palapit sa kaniya.

"Good work ladies!" nakangiting sabi nito nang sa wakas ay naroon na silang lima. "I would like you to meet a very important person. This man here is Mr. Peter Gallante, a producer from Warner Music USA. Mr. Gallante, they are the Wildflowers, Cham the vocalist, Stephanie the lead guitar, Ginny the bassist, Anje the keyboardist and Yu the drummer," pakilala nito sa kanila.

Isa-isa silang kinamayan ni Mr. Gallante. "I have been dying to meet all of you in person. Since the first time I saw your video in Youtube and heard your song, I have been a fan," nakangiting sabi nito sa kaniya.

Pasimpleng nagtinginan silang magkakaibigan. May masarap na kabang naramdaman si Cham. For sure hindi gugustuhin ng isang gaya nitong producer sa isang sikat na record label sa mundo na pumunta ng pilipinas at makita sila dahil lang fan nila ito.

"So how about this? After your shoot, why don't we go somewhere to eat? You see, I have a very good proposition to make," anunsyo nito.

Muli ay nagkatinginan silang magkakaibigan at halos sabay-sabay na sumang-ayon.

"CHEERS!" sabay-sabay na sabi nila kasabay ng pagkalansing ng mga baso nila. Nagkatawanan pa sila bago sinaid ang champaigne sa kani-kanilang baso. Hindi mapuknat puknat ang ngiti sa mga labi ni Cham. Bukod sa araw na una silang nagkasama ni Rick, iyon na yata ang pinakamasayang araw sa buhay niya.

Tulad ng kutob nila ay nakipagkita pala sa kanila si Mr. Peter Gallante dahil nais nitong kunin sila at papirmahin ng kontrata sa Warner Music. Maganda ang offer nito at halos magtitili silang lima sa sobrang tuwa nang sinasabi nito iyon. Matutupad na nila ang rurok ng pangarap nila – to take the world by storm.

Kaya hayun sila sa isang bar na pinili ni Yu upang magcelebrate na sila-sila lamang. Hindi niya alam kung nagkataon lamang o sinadya ni Yu pero sa bar na iyon din pala ang gig ng Wildhorn maya-maya. Malaki ang posibilidad na alam na iyon ni Rick ngunit excited pa rin siyang makita ito at sabihin dito ang magandang balitang iyon.

"Oy, may special guests pala kami ngayon," narinig nilang pukaw sa kanila ng isang tinig lalaki.

Nang lumingon si Cham at makita si Carlo, Vergel at Chase ay napangiti siya. Agad na hinanap niya ng tingin si Rick. "Nasaan si Rick?" tanong niya sa mga ito.

Nagtingnan ang mga ito bago ngumiti. "Wala pa. Baka natraffic. Mamaya pa naman ang set namin eh," sagot ni Vergel. May naramdaman siyang kaba sa reaksyon ng mga ito. Ngunit bago pa siya makapagtanong ulit ay nagsalita na si Carlo.

"Bakit pala kayo nandito ha? Ngayon lang kayo nagpunta sa gig namin na sama-sama," sabi nito. Humatak ng kani-kanilang silya ang mga ito sa lamesa nila. Inignora na lamang nila ang tingin ng mga tao roong nakapansin sa kanila. Ang iba ay kumukuha pa ng larawan. Ngunit dahil nasanay na rin si Cham sa ganoong reaksyon mula sa ibang tao ay nagagawa na rin niyang hindi pansinin iyon.

Masayang sinabi ng mga kaibigan niya ang magandang balita sa mga ito. Mukhang natuwa rin ito para sa kanila. "Ibang level na kayo ha. Pa-autograph bago kayo magpunta ng amerika," nakangiting sabi ni Carlo.

Nagtatawanan sila nang mapatingin siya sa entrance at makitang pumasok si Rick. Tumalon ang puso niya habang nakatingin dito. Ang tagal na niya itong hindi nakikita at miss na miss na niya ito. Rugged pa rin ang pananamit nito ngunit napansin niyang mas mahaba na naman ang buhok nito at may stubbles pa. He looks so ruggedly handsome yet her heart felt uneasy while looking at him. Tila ba may dinaramdam ito.

Nang magsalubong ang mga mata nila ay saglit na may bumakas na pagkagulat at pangungulila sa mga mata nito ngunit agad din iyong nawala. Naging malamig ang mga mata nito. Sa isang iglap ay nakalapit na ito sa kanina. "Pasensya na traffic mga pare," sabi nito sa mga kaibigan nito. Sandali lamang nitong sinulyapan ang mga kaibigan niya at hindi man lang siya tinignan. Wala pang ilang minuto ay may lumapit ng staff ng bar sa mga ito upang sabihing magsisimula na ang set ng mga ito. Nagtungo sa backstage si Rick nang hindi man lang siya binibigyan kahit isang ngiti.

"Why is he ignoring me?" naghihinanakit na tanong niya.

Tumikhim si Stephanie. "Don't take it seriously Cham. For sure, nagkukunwari lang siya kasi maraming tao. Alam mo na, ire-release ang joint album natin ni Adolf," alo nito sa kaniya.

Hindi siya napanatag. "Pero ilang araw na niya akong iniiwasan."

Natahimik ang mga ito. "Kung ganoon pilitin mo siyang sabihin sa iyo kung ano ang problema mamaya. We will cover for you," sabi ni Yu.

Tiningnan niya ang mga ito at bahagyang tumango. Iyon talaga ang gagawin niya.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon