Two years later...
"SIR Rick, mabuti ho at dumating na kayo. Pwede po bang pakipirmahan itong mga ito? Kailangan po kasi ito before lunch," bungad kay Rick ng sekretarya ng kaniyang ama pagkarating na pagkarating pa lamang niya sa Diamond Records.
Kumunot ang noo niya. "Bakit ako? Nasaan si Dad?" takang tanong niya.
"Dumaan lang ho siya rito kanina pero umalis din. Sabi niya sa inyo ko na raw ipapirma ang mga papeles dahil kayo naman na daw ang magiging presidente ng kumpanya. Iaannounce na daw ho niya iyon sa susunod na board meeting."
"What? Hindi pa ako pumapayag ah!" nabulalas niya. Dalawang taon na siya nitong kinukumbinsing maging presidente ng kumpanya ngunit noon lamang iton naging forceful na gaya niyon. Napansin din niya na nitong mga nakaraang buwan ay madalas itong wala sa opisina nito. "Ella, tell me honestly, saan nagpupunta si dad? Anong ginagawa niya at bakit gusto na niyang magretiro?" seryosong tanong niya.
Bumakas ang pag-aalangan sa mukha nito patunay na may alam ito. Nang mukhang hindi ito makatiis ay bahagya itong lumapit sa kaniya. "Sir, huwag ninyong sasabihin sa kaniya na sinabi ko ha? Pero sa loob ng pitong taong pagiging sekretarya ko, palagi siyang may pinapadalhan ng bulaklak, iisang address lang iyon. Kanina inutusan din niya akong umorder ng bulaklak at ipadala sa address na iyon. Palagay ko rin doon siya pumupunta."
Napamaang siya. "You mean nanliligaw siya? Sa loob ng pitong taon? Iyon ang inaatupag niya?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Kung ganoon ay iyon ang dahilan kung bakit iiwan nito ang music industry. "Give me the address. Gusto kong makita kung sino ang babaeng handang ipalit ni Dad sa business empire niya," aniya rito.
Hindi naman ito nagdalawang isip. May sinulat itong address at inabot sa kaniya. Agad na tiningnan niya iyon. Napamaang siya nang mabasa ang address. Napatingin siya sa babae. "Hey, did you say he's been giving flowers to this address for the past seven years?"
"Yes sir."
Hindi niya alam kung matatawa siya o ano sa nalaman niya. Mabilis na kumilos siya upang puntahan ang address na nakasulat doon.
NAKUMPIRMA ni Rick ang hinala niya nang pagkarating pa lamang niya sa address na nakuha niya ay nakita niya ang sasakyan ng kaniyang ama. So you are really here dad. I cannot believe this. Mangha pa ring nasabi niya sa isip. Sa loob ng pitong taon ay nagpapadala ito ng bulaklak sa studio ng kaniyang ina. At mukhang pinupuntahan din nito ang mommy niya nang hindi niya nalalaman.
Mabilis siyang lumakad patungo sa silid kung saan nagtuturo ang mommy niya. Nakaawang ang pinto doon.
"Bakit nandito ka na naman?" tinig iyon ng kaniyang ina. Naalala niya na iyon din ang bungad sa kaniya ng mommy niya minsang magpunta siya roon ng hindi nagsasabi. Kung ganoon ang kaniyang ama ang tinutukoy nitong makulit na suitor nito. Napailing siya.
"I am claiming my prize for doing all the things I promised you I will do," sagot ng kaniyang ama.
"Are you sure nagawa mo lahat ng sinabi kong kapalit ng pananakit mo sa akin noon?"
"Angel, ilang beses ko ng sinabi sa iyo hindi totoo ang mga chismis na iyon. At iyong minsang nakita mo hindi ako ang may kagagawan noon. Pinipilit niya ang sarili sa akin at hindi siya nagtagumpay. How many more years will it take for you to believe me? Ginawa ko na ang lahat. I made sure Rick has a stable future and I will also leave the music industry as I promised," malumanay na sabi ng daddy niya.
Noon lamang niya ito naringgan ng ganoong tono. Tahimik na sumandal siya sa pader na malapit sa pinto. Somehow, listening to his parents is amusing. Napangiti siya. Kung ganoon sa loob ng mga nakaraang taon ay binubully ng mommy niya ang daddy niya na ubod ng tigas ang puso. Ang katotohanang hindi nito totoong niloko ang kaniyang ina ay sapat na upang tuluyang mawala ang mga hinanakit niya rito mula pa noong pagkabata niya. I guess I have no choice but to take over the company now.
"Hindi mo pa nagagawa ang lahat. Ang sabi ko siguruhin mong magiging masaya si Rick. Pero napansin ko na sa loob ng dalawang taon ay pinipilit lang niyang ngumiti kapag dinadalaw niya ako. Malungkot siya at kagagawan mo iyon! Hindi mo dapat hinayaang umalis ang babaeng mahal niya," sabi ng mommy niya.
Nawala ang ngiti niya at napaderetso ng tayo. Bumigat ang dibdib niya at bahagyang napatingala. Mariin siyang pumikit. Cham's image came in his mind. Ganoon palagi ang nangyayari tuwing pumipikit siya sa loob ng dalawang taon. In fact, sa unang taong nasa ibang bansa si Cham ay palagi niya itong nakikita kahit anong ginagawa niya. Idagdag pang mabilis na naging matunog ang pangalan ng banda nito sa amerika. Ngayon kahit saan siya tumingin, kahit anong istasyon sa radyo ang pakinggan niya at kahit anong istasyon sa telebisyon ay palaging naroon ang mga ito.
Matagal na hindi nagsalita ang kaniyang ama. "Ayoko lang na magaya sila sa atin Angel. Noon nagpakasal tayo kahit pareho pa lang tayong nagsisimula. Kahit alam kong may posibilidad na magkaroon ka ng magandang career internationally ay hindi ko pinakinggan ang instict ko at hinyaan kang magretiro. Hindi ko rin nagampanan ng maayos ang pagiging asawa sa iyo dahil kahit ako ay nagsisimula pa lang sa kumpanya.
"Ayokong mangyari iyon sa kanila. Ayokong magpadala sila sa mga nararamdaman nila at magkaroon ng pagsisisi sa huli. Gusto kong matupad ni Cham ang pangarap niya. You see, nabasa ko sa interview nila noong sumali sila sa contest ng kumpanya, that their greatest dream is to take the world by storm. At ngayon ay nagagawa na nila iyon. Si Rick, gusto kong maging stable sila. Iyon ang dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng iyon."
"Then what now? Natupad mo man ang mga iyan hindi naman sila magkasama," sabi ng mommy niya.
Narinig niya ang bahagyang pagtawa ng kaniyang ama. "My angel, tingin mo ba pupunta ako rito at magpopropose sa iyong muli kung hindi ko naayos ang lahat? Wildflowers is going back to manila this week. It's a surprise though."
Napadilat si Rick sa sinabi nito at hindi na nakatiis. Marahas na nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at tumingin sa mga magulang niya na nagulat at napatingin sa kaniya. "Totoo ba ang sinasabi mo? They are coming back?" agad na tanong niya.
Nakabawi sa pagkabigla ang kaniyang ama at malakas na tumawa. "I plan to surprise you. Hindi ako nabigo. Yes. Babalik sila para i-promote ang bagong album nila at mag homecoming concert. Bakasyon nila dahil natapos na ang two year contract nila. Unfortunately for you, I heard from Peter na balak silang i-renew ng Warner Music. So what will you do?" anito sa nanghahamon na tinig.
"What else? I will hold on to her and will never let her go," mabilis na sagot niya. Wala na siyang pakielam kung ano man ang maging plano ng banda nito. Sa loob ng dalawang taong hindi niya ito kasama ay napagtanto niyang hindi niya kayang walang balita dito maliban sa napapanood at nababasa niya. He has been dying to see her and to even hear her voice.
Bumaling sa kaniyang ina. Bahagya niya itong nginitian. "So you go back to him mom. I know you want to." Namula ito.
Natawa siya at nagpaalam na sa mga ito. Nasa labas na siya at patungo na sa kotse niya nang makarinig siya ng awitin mula sa katabing establisyimento. Natigilan siya dahil sa pamilyar na malamig na tinig ng babaeng kumakanta.
You're a million miles away. So far i can't even see you. Though somehow i could feel our connection.Like a red thread tied in each of our fingers. Yet, where are you?
Tinig iyon ni Cham. Napahinga siya ng malalim. Bago ang kantang iyon. Marahil parte iyon ng bagong album na tinutukoy ng kaniyang ama. Somehow, the song makes his chest ache. Kapareho ng pakiramdam niya tuwing naririnig niya ang unang carier single ng mga ito. Pakiramdam niya ay inaawit nito iyon sa kaniya.
Huminga siya ng malalim. Cham, I'm dying to see you again.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomansaRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...