NANGINGITING kumatok si Jeff sa pinto ng opisina ng papa niya sa ground floor ng main buiding ng Resort na pag-aari nila. Mula sa maraming papel na nasa lamesa nito ay nag-angat ito ng tingin sa kanya. Nagliwanag ang mukha nito. "Jeff my boy! Come here!"
Naiiling na lumapit siya rito. "I'm no longer a boy papa," pilyong sabi niya rito.
Malakas itong tumawa. "I know I know. So, kasali ka ba sa competition?"
Ngumisi siya. "Of course. And I will win," proud na sabi niya.
"Of course you will. You're my son afterall," sabi pa nito.
Tumawa siya. He idolized his father so much. Noong bata pa siya ay palaging proud na proud siyang sabihin na isang atleta ang papa niya. Noon pa man ay sinabi na niya sa sarili niya na gusto niyang tumanda katulad ng papa niya. May magandang propesyon, at may mabait na asawa na gaya ng mama niya. Ngunit mukhang ang una lang ang matutupad.
"Siyanga pala, pinaayos ko na ang cottage mo. Mamaya ay magkukwentuhan tayo okay son? I just have to finish these things para masamahan kitang mag surf. Go chase after women outside first at ng may maiuwi ka na sa mama mo. Naiinggit daw siya sa tita mo dahil si Janice daw ay may asawa na," pagtataboy nito sa kanya.
Natawa siya at tumayo. "Susundin ko ang una mong sinabi papa pero malabo ang pangalawang sinabi mo. Malabo pang may iuwi ako sa inyo ni mama," sabi niya rito.
"Oh? E ano nang nangyari sa binilhan mo ng singsing dati? Isang taon mo ring pinagpaguran iyon," komento nito.
Tumawa siya upang itago ang pait na bigla niyang naramdaman sa pagpapaalala nito sa bagay na iyon. "Pa, that was a long time ago." Tinapik niya ito sa balikat bago lumabas ng opisina nito. Kasabay niyon ay pagbura sa kahit anong alaala ng nakaraan, kahit saglit lang sana.
He went out to the beach and breathed the fresh air. Mahigit isang buwan na rin ang nakararaan mula ng magpunta siya roon. Kung tutuusin ay hindi pa siya pupunta roon kung hindi lamang doon gaganapin ang surfing competition kung saan isa sa mga sponsors ang clothing line na ineendorso niya. Malaki iyong event at inaasahan ng mga ito na siya ang mananalo.
Nagsimula siyang lumakad patungo sa dalampasigan kung saan marami ng mga kilalang celebrity ang nagkalat kahit na mamayang gabi pa ang opening party ng event. For a second, he thought of really following what his father said and find some woman to flirt with, but he instantly changed his mind. Mahigit isang linggo na rin mula ng mawalan siya ng interes sa bagay na iyon. To think that he has been flirting with many woman for many years now.
Napailing siya at pipihit na sana pabalik nang may mahagip ang mga mata niya. napahinto siya at napatitig sa babaeng naka two – piece swim suit na malakas na tumatawa habang nakikipaghabulan sa mga alon. She seemed to be oblivious with the heated stares she gets from the men around her. Nakaramdam siya ng inis. Kahit malayo ito sa kanya ay alam niyang si Ritzi iyon. There is no way he would not recognize her.
Ito lang naman ang dahilan kung bakit biglang nagulo ang normal na takbo ng buhay niya. Kung bakit ito naroon ay hindi na mahalaga. At least, he will be able to do what he should have done a long time ago.
Carry out his revenge and get it over with. Yes, that's what he will do. Napatingin na naman siya rito. Mukhang napagod na ito sa pakikipaglaro sa alon at nagsisimula ng umahon. Hinawi nito ng kamay nito ang basang buhok nitong tumabing sa mukha nito.
Naikuyom niya ang mga kamay niya. Alam niya na ni hindi nito napapansin na masyadong sensual ang paraan ng pagkakahawi nito sa buhok nito, o kung gaano nito pinaglalaway ang mga lalaking nakatingin dito. And it's pissing him off. Basta naaasar siya.
He gritted his teeth. What is happening to him? He wanted revenge. But why could he not stop himself from staring at her? And why in hell is she oblivious to the fact that she looks like a seductress on that two piece swimsuit of hers? At siya naman ay parang timang na naaakit dito.
Na parang hindi na siya dating naging tanga at napahiya ng dahil dito. Aalis na sana siya nang makita niya ang isang lalaking nagsimulang lumakad palapit dito. napamura siya at mabilis na lumakad upang unahan ito.
ASAN na ba si Ernest? Kanina pa hinahanap ni Ritzi ang kaibigan niya. Kanina lamang ay kasama niya itong lumalangoy ngunit may nakita itong kakilala at ang magaling niyang kaibigan iniwan siya. minsan talaga hindi niya maiwasang itanong sa sarili niya kung paano niya ito naging kaibigan. Mabuti na lang at nawili siya sa mataas na alon doon. Kahit nasa dalampasigan lang kasi ay mataas iyon.
Ngayon ay napagod na siya sa ginagawa niya. Umahon siya at bahagyang hinawi ang buhok niyang tumatapik sa mukha niya. Napakunot noo siya nang mapansing tila dumami ang tao sa parteng iyon ng dalampasigan at karamihan ay mga lalaki. Samantalang kanina naman ay silang dalawa lamang ni Ernest doon. Napakunot noo siya nang mapansing tila sa panig niya nakatingin ang mga ito. Tumingin siya sa likod niya. Wala namang katingin-tingin doon.
Nagkibit balikat siya at akmang aalis na nang mapapitlag siya sa kamay na biglang humawak sa braso niya. Poporma na sana siya upang gamitin dito ang nalalaman niya sa judo nang bigla itong magsalita. "Ritzi."
Awtomatikong napatingin siya rito. Bahagya siyang napaatras nang makilala ito. Si Jeff, wearing a hawaian shorts and a plain white shirt. Yet he looks so handsome in her eyes. Her heart started to beat wildly. "Jeff! What are you doing – oh, you're gonna join the competition?" tanong niya.
Himbis na sumagot ay hinatak siya nito. "Nasaan ang mga gamit mo?" tanong nito.
Napakunot noo siya. "Ha? Ayun," turo niya sa isang malaking beach towel na nakalatag sa di kalayuan. Hinatak siya nito patungo roon. "Teka, Jeff bakit ba?" takang tanong niya.
Nang makarating sila roon ay saka lamang siya nito binitawan. Walang salitang pinulot nito ang malong niya at isinuot sa kanya. "What were you thinking wearing swimsuit like that?" tanong nitong tila pinagagalitan siya.
Manghang napatingin siya rito. Nang magregister sa utak niya ang ginawa nito ay natawa siya. "Ano ba? It's not as if I'm not used to wearing this. Besides, conservative pa nga ang pagkakagawa nito. Tingnan mo nga yung ibang babae rito o," aniyang bahagya pang inginuso ang ilang mga babaeng naroon.
"Wala akong pakielam sa kanila sa iyo meron. Didn't you see those men? Kulang na lang ay lundagin ka nila kanina pa," salubong ang kilay na sabi nito.
Manghang napatingin siya sa pinanggalingan nila. Nakatinign nga sa kanila ang mga lalaking kanina lang ay nakatingin sa pinangalingan niya. Pagkuwa'y muli siyang napabaling kay Jeff na nakatitig pa rin sa kanya.
Marahas itong bumuntong hininga. "Forget it. I know you would not notice it anyway. You were always like that," komento nito. "What are you doing playing with the waves all by yourself anyway?" tanong nito.
Binuka niya ang bibig upang sabihing kasama naman niya si Ernest kanina. Ngunit may kung anong pumigil sa kanyang gawin iyon. Hindi na lamang siya umimik. Muli itong bumuntong hininga. "Never mind." Pagkuwa'y tumingin sa wristwatch nito. "Anyway's have you eaten lunch yet? Masarap ang seafoods dito," biglang sabi nito, wala na ang pagkakakunot ng noo nito.
"Hindi pa nga eh," sagot niya habang nakatitig sa mukha nito. She could still not believe that he is actually this close to her. Ang akala niya ay sa kasal ni Janice niya ito huling makikita. What a coincidence. Or was it fate?
"Then let's go. Hindi pa rin ako kumakain," aya nito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
Mangha pa ring napatingin siya rito. "Teka Jeff," pigil niya rito ngunit hindi ito huminto.
Lumingon lang ito sa kanya at malawak na ngumiti. Para yatang natunaw ang puso niya sa ngiting iyon. "What? You owe me lunch remember? And since you don't seem to have company, pwede naman kitang samahan for the rest of the day. Mamayang gabi pa naman ang opening ng competition," nakangiting sabi nito at bahagya pang pinisil ang palad niya.
Napatitig siya rito. She felt that familiar feeling again. Ang pakiramdam na tila may humaplos sa puso niya. At tulad ng dati, dahil iyon dito. Pinigilan niya ang mapabuntong hininga. Dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin ng mga pakiramdam na binubuhay ni Jeff sa kanya. Because those where the same feelings she had when she was young, and deeply in love with him.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...