Part 13

4.2K 148 2
                                    

HINDI doon nagtapos ang mga pagsulpot ni Lloyd sa music school nila. Isang araw na naghahanda na siya para umuwi ay bigla na naman siyang tinawag ni Bianca.

"Ang pag-ibig mo nasa labas." kinikilig na imporma nito.

Bigla siyang kinabahan. Pero hindi tulad ng dati, gusto niya ang kabang iyon. Napangiti siya.

"Hmm... ngumingiti ka na tuwing nagpapakita siya ah. Mukhang nakaget over ka na sa past heart break mo." puna ni Elena.

Natigilan siya. "Sana."

"Feeling ko naman nakaget-over na yan. Para na ngang teenager tuwing dumarating si Lloyd." singit ni Bianca.

"So ayos lang na sabihin ko sa kanya?" tanong ni Elena kay Bianca na biglang natigilan.

"Sabihin ang ano?" nagtatakang tanong niya. Nagtinginan ang mga ito. "Sabihin niyo na. inopen niyo na e."

"Ahm, kasi Janice, may nakapagsabi sa akin na nasa bansa daw si... Daniel." sabi ni Elena.

Hindi siya nakasagot. Nalito siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya o kung may nararamdaman ba siya. Pero na bother siya sa balitang iyon.

"Ay naku pero malabo naman na magkita kayo no. Huwag mo ng isipin iyon. Puntahan mo na si Lloyd at umuwi ka na." balewalang sabi ni Bianca.

Pilit niya ngang binalewala ang ideyang iyon at nagpaalam sa mga ito.

Nang matanawan siya ni Lloyd ay agad itong ngumiti.

"O? Kanina pa nakauwi si Mark a." aniya rito.

Ngumiti lamang ito. "Alam ko. Sinusundo lang kita."

"Si-sinusundo mo ko?"

Lalong lumawak ang pagkakangiti nito. "Ayon kasi sa pagkakatanda ko, coding ka ngayon. Naisip ko, baka kapag maabutan ka na naman ng ulan sa kung saan at wala ako doon baka may ibang magpayong sayo. Hindi pwede iyon. Ako lang ang pwedeng lumapit sa iyo. Kaya para sigurado, ihahatid na lang kita pauwi."

Ibang klase talaga ito. Kanina lang ay nababother siya sa balitang inihatid sa kanya ni Elena. But now, she feels better. She smiled. "Oo na nga."

Kwento ito ng kwento habang nasa biyahe sila. Natawa kasi siya sa unang beses na nagkwento ito ng anecdote nito at ng mga barkada nito. At dahil doon ay nagkuwento pa ito. At tumawa naman siya ng tumawa. Ayon dito, accomplishment daw para dito na mapatawa siya.

Nang makarating sila sa bahay ay masakit na ang tiyan niya. Hindi na nito ipinasok sa loob ng gate ang sasakyan nito. Ngunit bumaba din ito nang bumaba siya.

Bigla siyang natigilan nang matanaw ang hindi pamilyar na sasakyan sa garahe nila.

"Mukhang may bisita kayo. Sige na. Pupunta pa ako sa shop." sabi nito.

"Okay, thank you Lloyd."

Ngumiti ito. "Parang iyon lang. Sisiw."

Napangiti siya. Natanaw niya ang paglabas ni Manang Selia. Nawala ang ngiti niya nang makita ang pagkabahala sa mukha nito. "Janice..." nagaalalang binuksan nito ang gate nila.

"Manang bakit ho?"

"E kasi... may bisita ka."

Lalong napakunot ang noo niya. Napatingin siya kay Lloyd na nakatingin sa pintuan nila. Wala na ang ngiti nito sa mga labi. Tumingin din siya sa pintuan nila. Bigla siyang nanlamig. Ang nakatayo roon ay walang iba kung hindi si Daniel. Pareho parin ng huli niya itong nakita. Gwapo rin ito sa ibang paraan. Seryoso ang aura nito. Naka polo shirt at slacks. Mukhang galing ito sa isang interview.

"A-anong ginagawa niya rito Manang." tanong niya sa matanda. Hindi niya napigilan ang panginginig ng boses niya.

"Gusto niya daw po kayong kausapin."

"Nandyan ba si Daddy?"

"Wala sila." sagot nito. "Dahil kung nandyan ang daddy mo ay malabong papasukin ko yan. Mapilit lang talaga siya kaya ko siya pinapasok." bulong nito.

"Who is he?" tanong ni Lloyd.

Napalingon siya rito. Seryoso ang mukha nito. "Ah – college classmate ko siya." hindi niya paipaliwanag kugn bakit siya nagsinungaling dito.

Hindi ito nagsalita. "Ano – Lloyd, sige na, pupuntahan mo pa ang shop mo diba?" hindi niya sinagot ang tanong nito.

Matagal itong tumitig sa kanya bago marahang tumango. Hindi nagsasalitang muling sumakay ito ng sasakyan nito at pinaandar palayo.

Bumuntong hininga siya bago pumasok sa loob.

"So it's true. You have someone special right now." si Daniel ang unang nagsalita.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Pinilit niyang patatagin ang tinig.

Biglang lumambot ang mukha nito. "I want to talk to you Janice." may halong pagsusumamo sa boses nito.

She sighed. Naglakad siya patungo sa sofa at umupo doon. Sumunod naman ito at umupo sa tabi niya. Bigla siyang napausod palayo rito.

"Janice, please."

"Magsailta ka na Daniel." hindi tumitingin ditong sabi niya.

"I want to tell you I'm sorry. For what I've done to you. Hindi ko pala kaya na wala ka sa piling ko. Nang malaman ko sa daddy mo na may iba ka na hindi na ko matahimik. Kaya nang may mag-offer sa akin ng collaborative concert dito ay hindi na ko nagdalawang isip. I want to see you."

Nalilitong tiningnan niya ito. "Why would you want to see me? May Eunice ka na." tukoy niya sa babaeng ipinalit nito sa kanya.

"Wala na kami. Hiniwalayan ko na siya. Because I realized that I still loved you." anito.

Kung noon nito iyon sinabi ay marahil maiyak siya sa tuwa. Ngunit nakakatakang hindi niya iyon nararamdaman.bagkus ay unti-unti siyang nakakaramdam ng galit "It took you one year to realize that you still love me?" nanginginig ang boses na tanong niya.

"No, of course not. I knew it all along. But I tried to suppress it. Please believe me Janice."

"At anong gusto mong gawin ko? Na tanggapin kita basta basta na parang walang nangyari? I loved you Daniel. Pero hindi mo pinahalagahan iyon." hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.

Sinubukan siya nitong yakapin ngunit nagpumiglas siya. Pinunasan niya ang mga luha. "Umalis ka na. I'm so angry with you right now." pagtataboy niya rito.

Tumayo ito. "I will win you back Janice. I will do anything to make you mine again. I swear I will."

"How could you. Galit na lang ang nararamdaman ko para sayo."

Ngumiti ito. A smile so unfamiliar to her. "Anger is also a form of love babe. As long as you feel something for me, I know I have a chance. Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko noon. Give me a chance." pahayag nito. Ginamit pa nito ang dating endearment nito sa kanya. Bago umalis.

Napailing siya. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito lalo na ang mga sinabi nito. Matapos nitong itapon ang walong taong relasyon nila ay basta-basta na lang itong susulpot para sabihing gusto nito ng another chance. Nakakainis. Pero baka nga tama ito na may nararamdaman pa rin siya para dito. Dahil nasasaktan at nagagalit pa rin siya. Pero kakatwa, na hindi na iyon kasing sakit ng dati.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon