A Love Bloomed In SY '99 - Part 16

3.1K 128 2
                                    

TULAD ng sinabi ni Jeff kay Ritzi ay hindi na nga siya nito iniwan. Masaya silang kumain at nagkuwentuhan sa restaurant na pinagdalhan nito sa kanya na para bang iyon ang matagal na nilang ginagawa. Nalaman niya na pag-aari pala ng mga ito ang resort na iyon at kasalukuyang pinamamahalaan ng papa nito. Marami din itong tanong tungkol sa kanya na willing niyang sinasagot.

Pagkatapos nang tanghalian ay inaya siya nitong maglakad lakad sa parte ng resort na may hilera ng mga niyog at ipinagpatuloy nila ang kwentuhan. Nang bahagyang bumaba ang araw ay sa dalampasigan na sila at nanood sa mga nagsesurf sa parte na may matataas na alon. Aliw na aliw siya habang tinitingnan ang pagsakay ng mga ito sa alon.

Kahit noon, kapag naaaya siya ng mga kasama niyang fitness trainers sa Hawaii ay natutuwa siya sa mga nagsesurf. Ngunit kahit minsan ay hindi pa niya sinubukang pag-aralan iyon. Ngunit ngayong nalaman niyang sasali sa competition si Jeff bukas ay parang gusto niyang matuto.

"Kahit isang beses lang, I want to surf like that," naisatinig niya.

Nilingon siya ni Jeff. "Why don't you try it?" nakangiting sabi nito.

Tumawa siya. "Hindi ako marunong."

"I could teach you," he offered.

Marahas siyang napailing. "Huwag na. You are going to be in the competition tomorrow at ayokong ubusin ang oras mo na turuan ako. Hahanap na lang ako ng surf trainer dito ang alam ko meron kayo diba?" mabilis na sagot niya.

Kumunot ang noo nito. "Mas gusto mo pang magpaturo sa iba kaysa sa akin?"

"Hindi sa ganoon kaya lang –

"Then it's fine. Don't worry alam kong hindi mo ako pahihirapan. I'll just show you how to do it, tell you tips at panonoorin na lang kitang gawin iyon. Is tha a better deal?" nakangisi ng sabi nito.

Napabuntong hininga siya. Ayaw niyang abalahin ito pero may bahagi niya ang gustong turuan siya nito. Tiningan niya ito at gumanti ng malawak na ngiti. "Okay."

HINDI mapigilan ni Ritzi ang makaramdam ng matinding paghanga kay Jeff habang tinuturuan siya nitong magsurfing. Pinahiram pa siya nito ng isang board na pag-aari din daw nito. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng pointers na kailangan niyang tandaan, tulad ng tamang pagpaddle at pagtayo sa board hanggang sa pagbalanse at pagtanya sa taas ng alon. Pinakinggan niya ang bawat sinasabi nito habang nakatitig sa mukha nito. Napakaseryoso kasi ng mukha nito habang itinuturo iyon sa kanya. it was obvious that he loves surfing.

Pagkatapos ng mahabang paliwanagan ay kinuha nito ang isang board nito at pinapunta siya nito sa dalampasigan. I-dedemo daw nito kung paano iyon gagawin. So she excitedly followed him. Iyon kasi ang unang beses na makikita niya itong mag sesurf. She bet he's better that the other people surfing there.

And she was right. Para siyang namalikmata nang makita itong magsurf. Hindi lamang ito basta nakatayo sa surfing board nito na nagbabalanse, instead he was keeping his balance gracefully and playing with the waves without any sign of discomfort, his wet bared body glistening in the sun. He looked like a demigod with the blue sky and sea on his background.

She gasped with amazement when he jumped with his surfboard and landed gracefully on the next wave. Ni hindi ito nawalan ng balanse!

Nagulat pa siya nang magpalakpakan ang mga tao sa paligid niya na hindi niya namalayang nanonood din pala kay Jeff. Napangiti siya at napapalaklpak din. She suddenly felt proud for him.

Maya-maya pa ay umahon na si Jeff. Napatitig siya rito habang naglalakad ito palapit sa kanya, kipkip nito ang surf board nito sa tagiliran. Basang basa na talaga ito at hinihingal pa. "So, did you see that?" tanong nito.

Napangisi siya at nag thumbs up pa. "Very clear!"

Napatitig ito sa mukha niya, pagkuwa'y natawa. "Then that's good. Pwede mo na bang subukan?"

She beamed. "Yes."

JEFF could not help but stare at Ritzi. Nasa dagat ito at sinusubukang makatayo sa surf board na pinahiram ko sa kanya. Ngunit sa tuwina ay nahuhulog ito. Sa umpisa ay ilang beses niyang tinangkang lumapit dito upang tulungan ito. But she always refuses. Ang sabi nito ay ginawa na niya ang part niya kaya ito naman. She promised she will be able to stand on the board. And so he was sitting there on the sand and intently watching her surf. Hindi lang dahil tinuturuan niya ito kung hindi dahil may mga lalaki na namang umaali-aligid dito.

Nahulog na naman ito. Bahagya siyang napaangat para sana ay puntahan ito ngunit bigla rin itong umahon. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang muli na naman nitong hawiin ang buhok nito na tulad ng ginawa nito kanina. Pagkuwa'y muli nitong binitbit ang surfing board para magsimula uli. There was a serious and determined look on her face.

Napailing siya at muling ibinagsak ang sarili sa buhangin. Alam niyang kapag ganoon ang ekspresyon ng mukha nito ay ayaw nitong tutulungan ito. She has always been like that.

He suddenly remembered the first time he saw her.

It was one Saturday morning on 1995 when he was woken up by a sound of a ball dribbling. At first, he ignored it. Ngunit pagkatapos niyon ay narinig niya ang pagpasok ng bolang iyon sa ring. Noon siya bumangon at sumungaw sa bintana ng kuwarto niya. And there on the open court few meters aways from his room, he saw her. Pawis na pawis ito at mag-isang nagpapractice ng basketball. And that caught his attention.

Mula noon ay palagi na siyang nagigising sa tunog ng dinidribol na bola tuwing weekend. At sa tuwing titingin siya sa labas ng binata ay makikita niya si Ritzi na nagpapractice mag-isa.

At nang magtry out siya sa boy's basketball team nila ay nakita niya rin ito sa gym. Nagtryout ito sa girl's basketball team. And they both got it. Mula noon ay kahit nasa campus sila ay palagi niya itong tinitingnan. At habang tumatagal ay lalo niyang napagtatantong kakaiba talaga ito. She was different from all the girls in school. Ni wala itong kaarte arte. She was tomboyish but feminine at the same time. He fell in love with her.

And that all began because he was awed by her determination, by her passion, and by that serious look on her face tuwing nagpapractice ito. Katulad ng ekspresyon sa mukha nito sa mga oras na iyon.

Napangiti siya nang makitang bahagya na itong nakakatawa sa surfing board nito. She never changed afterall. She's still the same Ritzi I know.

Bigla siyang natigilan. Wait, what was he thinking? Why is he being awed by her again? He was doing all these things because of revenge! Hindi pwedeng maapektuhan siya nito. Hindi na siya magpapakatanga rito.

Tuluyan na itong nakatayo sa board at bahagya nang nadadala-dala ng alon ng hindi nahuhulog. Lumingon ito sa kanya at malawak na ngumiti.

Natameme siya. Pagkuwa'y marahas na napamura. Shit.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon