TILA napako si Ritzi sa kinatatayuan habang nakatingin kay Jeff na marahang naglalakad palapit sa kanya. It's as if everything around her became slow motion and all she could see and aware of was him.
Ngunit bago pa ito makalapit sa kanya ay may mga tao nang lumapit dito kabilang ang ilang t.v crew at sa tingin niya ay mga reporter at tagahanga nito. Yet, she remained looking at him.
Ngumiti-ngiti ito sa mga taong lumapit dito at mukhang sumasagot sa mga tanong ng mga ito. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang muli itong bumaling sa kanya. Sinalubong nito ang tingin niya at tumitig sa mga mata niya na para bang sa pamamagitan ng tinging iyon ay may gusto itong sabihin sa kanya. And she got it. He wants her to wait for him.
"I can't believe it! You are fast!" hinihingal na pukaw sa kanya ni Ernest.
"Running is my specialty," sabi na lamang niya rito.
"I could beat you. I swear," sagot nito.
Hindi na lamang niya pinansin ang chauvinistic comment nito at pinagmasdan na lamang si Jeff. Maya-maya pa ay umalis na ang t.v crew at ilang tao na lang ang kausap nito.
"Hey, Ritzi what are you looking at?" tanong ni Ernest na bahagyang niyugyog ang braso niya.
Bago pa siya makasagot sa kaibigan niya ay muling tumingin sa kanya si Jeff. Mukhang nagpaalam na ito sa mga kausap nito at tuluyan ng lumapit sa kanya. Wala siyang maapuhap na salitang maari niyang sabihin dito. O mas tamang sabihing, natatakot siya sa maari nitong sabihin sa kanya kaya hindi siya makapagsalita.
That was why she was caught off guard when he smiled. A smile someone gives to an old friend that he hadn't seen in a long time. "Ritzi ikaw ba iyan? Wow, I can't believe I could see you here. I thought you're abroad," bati nito.
Humugot siya ng paghinga at gumanti ng ngiti. "Yeah. We came back last week. You are quite popular now Jeff huh," komento niya.
Tumawa ito. Napatitig siya rito. When was the last time she heard him laugh? "Not really. And you, as always had beaten me. I wonder kung kailan kita matatalo sa pagtakbo," nakangiting sabi nito.
She laughed softly. "I wonder about that." Nakita niyang tumingin ito kay Ernest. "Oh by the way, this is Ernest," pakilala niya. parang gusto niyang mapangiwi na hindi niya dinugtungan ang pagpapakilala rito. She would explain to Ernest later.
"Kumusta pare," bati naman ni Ernest at inilahad ang kamay. Tinanggap naman iyon ni Jeff. "Congratulations for getting the second place," dugtong ni Ernest.
Nagkibit balikat si Jeff. "Thank you. Paano, may kasama ako eh. Nice to see you again Ritzi," kaswal na sabi nito.
Ngumiti siya. "Same goes for you."
Tumango ito sa kanya at kay Ernest at tumalikod na. Walang lingon likod itong lumakad hanggang sa mawala na ito sa paningin niya dahil sa maraming tao. Just like that, he casually went out of her sight again. Na parang binati lamang siya nito out of politeness and nothing more. It's wrong, but she felt a little sad about it.
"So how did you know Jeff?" biglang tanong ni Ernest.
"He was my high school school mate," wala sa loob na sagot niya. Pagkuwa'y natigilan siya. Nilingon niya ito. "Wait, you know him?" manghang tanong nito.
Nagkibit balikat ito. "Not personally. But I hear a lot of things about him kahit ayaw ko, He is quite popular. Jefferson Cardenas, a very good athlete, good looking, a celebrity of his own right, currently an endorser and paparazzis' apple of the eye."
Napangiti siya kahit na may nakapa siyang lungkot sa kaniyang dibdib. "That's so like Jeff. I knew he would be really popular. He was like that even then," komento niya.
Tumitig sa kanya si Ernest na waring sinisiguro kung ano ang iniisip niya. "And he is a certified womanizer. The press hailed him the lady killer. He never took any woman seriously but still they keep on tailing him. Women are just swooned by his appeal," tila nanunubok na sabi nito.
She rolled her eyes. "As if you are not like that," parungit niya.
Tila naman napaisip ito sa sinabi niya. Pagkuwa'y natawa. "Point taken. Halika na nga," aya sa kanya ni Ernest na nagpatiuna na sa paglakad. Sumunod siya rito. Habang naglalakad ay pasimple niya pa ring iginala ang paningin sa paligid. Baka sakaling makita niya ito kahit sulyap lang, kahit sandali lang.
But she never saw him again.
HAPON pa lamang ay umuwi na si Ritzi. Pagkatapos ng marathon ay bigla siyang nawalan ng ganang magpunta pa sa kung saan kaya nagpaalam na siya kay Ernest. Pumayag naman ito dahil may nakasalubong itong isang babaeng mukhang kakilala nito.
Naabutan niya ang mga magulang niya sa sala kausap ang tita niya. "Hello mommy, daddy, tita," bati niya sa mga ito kasabay nang paghalik sa pisngi ng mga ito.
"Hija good news nakakita na kami ng bahay. Gusto mong makita?" excited na sabi ng mommy niya.
Sinilip niya saglit iyon kahit ang gusto niya ay magpunta na sa silid na inookupa niya roon at magkulong. Maganda nga ang bahay na nakita ng mga ito. Ang kaso ay malayo iyon sa subdivision na dati nilang tinitirhan. Saglit pa ay nagpaalam na siya sa mga ito. Ikinatwiran na lamang niya na sumakit ang ulo niya sa init.
Nang nasa loob na siya ng kanyang silid ay pabagsak siyang humiga sa kama. Marahas siyang nagbuga ng hangin at mariing pumikit. Muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Jeff, maging ang pag-ngiti nito sa kanya at ang kaswal na pakikipag-usap nito sa kanya kanina. As if, nothing happened between them before. Ngunit himbis na matuwa siya ay nakaramdam pa siya ng kakaibang kaba sa ikinilos nito kanina.
Muli siyang bumuntong hininga at bumangon. Hinalungkat niya ang jewelry box niya. kinuha niya roon ang kuwintas na may pendant na singsing. She stared at it and touched it as if it was a very precious treasure. Well, it was really her precious treasure. Dahil kalakip ng kuwintas na iyon ang mga mahahalagang alaala niya. Her precious memories.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...