NAKAPIKIT si Cham habang may nakapasak na earphone sa magkabilang tainga niya. Nararamdaman niya ang make-up brush ng make-up artist na nagaayos ng mukha niya habang paulit-ulit niyang pinapakinggan ang awiting tutugtugin nila para sa finals ng "The next big name in music". Sa araw na iyon ang taping nila para sa music channel kung saan iyon ipapalabas. Kailangan nilang galingan dahil kahit ite-tape lamang ang episode na iyon ay hindi na sila maaring umulit dahil nga contest iyon. Kapag nagkamali sila kahihiyan sila sa buong pilipinas.
"Okay na ang make-up mo," narinig niyang sabi ng make-up artist sa kabila ng awiting naririnig niya.
Dumilat siya at ngumiti rito. "Salamat."
"Cham, ready ka na? Fifteen minutes na lang daw sasalang na tayo," sabi sa kaniya ni Yu nang makalapit.
Inalis niya ang isang earphone niya at ngumiti rito. "Yes I guess so," natatawang sabi niya.
"Wow, mas confident at realaxed ka ngayon kaysa dati. Bakit kaya?" nakangiting tanong ni Ginny. Pareho ng naka ayos ang make-up at buhok ng mga ito na gaya niya.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Sa totoo lang ay naninibago rin siya kung bakit siya kalmado. Samantalang kung dati baka kinakabahan na siya. Ngumiti siya. "Siguro dahil abala ako sa pakikinig sa tutugtugin natin nakalimutan ko ng kabahan," pabirong sabi niya.
"That's what you call bragging honestly. Para mo na ring sinabing magaling kang magsulat ng lyrics," pabirong komento ni Stephanie.
Tumawa siya. "Hindi. Magaling talagang magcompose ng music si Anje iyon 'yon," aniya.
Para kasi sa final round, required ang bawat grupo na magperform ng isang original composition. Kapag nanalo ang grupo ay ang kantang iyon din ang magiging carier single ng debut album ng grupong iyon.
Maya-maya pa ay tinawag na sila ng production assistant. Sa studio kung saan sila tutugtog ay inorient sila ng mga dapat gawin. Ayon sa program, bukod sa pagtetape ng performance ay kailangan din nilang mag-tape ng interview kasama ang isang VJ.
Nasa harapan na siya ng mikorpono at nakapuwesto na rin ang mga kabanda niya nang pagtingin niya sa isang panig nang studio ay makita niyang nakatayo roon si Rick. Gaya ng dati ay tumalon na naman ang puso niya pagkakita rito. Ngunit dahil kahit papaano ay nasasanay na siya sa reaksyon niyang iyon dito ay nagagawa na rin niyang magpakanormal kahit papaano. When he smiled at her and mouthed Do your best, she smiled back and felt her stomach flutter.
Ah, ngayon ay parang naalala na niya kung kailan siya unang naging kalmado. Iyon ay noong gabi ng after concert celebration nang Wildhorn. Buong gabi ay hindi siya iniwan ni Rick. Habang abala sa pagkakasayahan ang mga kaibigan niya at mga kaibigan nito, nakaupo lamang sila sa may bar counter at parang may sariling mundong nag-usap nang tungkol sa isa't isa. Hindi rin nito inalis ang braso nitong nakapatong sa bandang likuran niya. Kataka-taka mang walang kahit sinong muling lumapit sa panig nila upang istorbohin sila ay hindi na lamang niya iyon pinansin.
Masaya siya na katabi niya ito at hindi ito nagdalawang isip na magsabi ng tungkol dito. Bago sila maghiwalay, alam na niya ang tungkol sa mga magulang nito, lahat ng love life ng mga kaibigan nito at pati na rin ang tungkol sa pagkakagusto nito kay Grace noon ay hindi nito itinago sa kaniya.
Matapos ang gabing iyon at tinanggap niya sa sarili niya na pagkakaibigan lamang ang mamagitan sa kanila ni Rick ay naging kalmado na siya. Maging sa contest na iyon ay hindi na siya kinakabahan. Katunayan ay gustong-gusto niyang tumugtog sila. Gustong-gusto niyang kumanta. Lalo na at ang kakantahin niya ay isinulat niya para talaga kay Rick. Yes, she might be a coward by not telling him upfront what she feels, pero sa pag-awit ay mas matapang siya.
Nang sumensyas ang direktor na magro-roll na ang tape ay binigyan niya nang huling ngiti si Rick bago tumingin sa camera at huminga ng malalim. Nang marinig niya ang drumsticks ni Yu ay nagsimula siyang tumiklada sa gitara niya. Kasunod niyon ay narinig niya ang pagtugtog ng iba pang instrumento, hanggang sa pasiglahin iyon ng tunog ng drums. Then, she started to sing.
"There's one thing I want to tell you. Something I kept inside. From the moment I saw you. My heart was entranced...This feeling welled up inside, this feeling I could not say, I'll tell you through a song."
Muli ay hinanap ng mga mata niya si Rick. Nakatayo pa rin ito roon ngunit wala na ang ngiti sa mga labi nito. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Inalis niya ang tingin dito at muling humarap sa camera.
"The song of one fateful night, When my dream came true, to be with you, when you smiled at me, when you held my hand, when you sat next to me, under the sky. The song of when we first met, the song that rocked you to sleep. I will sing it again, this is our song."
Masigla ang tugtog nila. Ngunit napapikit siya nang mag-init ang mga mata niya. Emotions are welling up inside her. Buong puso siyang umawit sa pagbabakasakaling mabawasan kahit papaano ang nadarama niyang iyon. Umawit siya hanggang sa matapos ang kanta at marinig niya ang pagsigaw ng cut ng direktor at palakpakan ng mga tao roon. Nang tingnan niya si Rick ay nakatalikod na ito, his right arm seems to be on his face.
ISANG buwang umere sa national television ang video ng sampung grupong kasali sa finals upang sumagap ng boto. Hindi pa man tapos ang contest ay may ilan nang nakakakilala kila Cham kapag lumalabas silang magkakaibigan. May iba pa nga na nagpapapirma sa kanila kahit wala pa naman talagang nanalo. Marami ring tumatawag sa kanila na mga bars at inaalok silang tumugtog sa mga iyon. Dahil wala naman silang matatawag na manager ay si Yu ang nag-aasikaso ng schedule nila. Ang tinatanggap lamang nitong trabaho ay iyong mga pwede nilang gawin bago ang result ng contest. Nang minsang tanungin nila ito kung bakit hindi nila dapat tanggapin ang iba pang trabaho na lampas sa araw na iyon ay seryoso itong sumagot.
"Dahil sa mga susunod na buwan, ang management na at ang magiging manager natin ang magdedesisyon kung ano ang trabahong tatanggapin natin."
Nagkatinginan silang magkakaibigan. "Yu, sigurado ka na tayo ang mananalo?" pabirong tanong niya rito.
Tumingin ito sa kanila at ngumisi. "Tingin niyo hindi?" Nauwi ang usapang iyon sa tawanan.
Kahit noon ay confident na talaga ito sa banda nila. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi niya mawaglit sa sarili niya ang isiping tama ito. Ipinagdadasal na lamang niya na sana ay hindi sila biguin ng text at online votes.
"How are you coping up with the whirlwind changes?" nakangiting tanong ni Rick sa kaniya.
Nasa isang coffee shop sila malapit sa bar na tutugtugan ng banda nila makalipas ang ilang oras. Aksidenteng nagkita sila nito sa rehearsal dahil ang ifa-front act pala nila ay isa sa mga bandang minanage nito. Dahil tapos na ang rehearsal ay inaya siya nitong magkape muna.
"Medyo nakakashock pero kinakaya naman namin. Iyon nga lang, dahil halos gabi-gabi kaming may gig lately nagresign na lang kami sa mga dati naming day job para makatulog kami at makapagpractice sa araw. Baligtad na ang araw at gabi namin," nakangiting kwento niya.
Tumawa ito. "You'll get used to it."
Pinagmasdan niya ito habang umiinom ito ng kape. Mahigit dalawang linggo na mula nang final performance ng Wildflowers. Akala niya magrereact ito tungkol sa kinanta niya ngunit kahit kailan ay wala siyang narinig na kahit na ano tungkol dito maliban sa magaling daw sila. Hindi rin nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Ang tanging nabago lang ay mas madalas na niya itong nakikita at naging normal na sa kaniya ang kabaitang ipinapakita nito sa kaniya. Napansin din niya na touchy pala itong tao. Madalas ay inaakbayan siya nito o hinahawakan sa siko kapag naglalakad sila at kung minsan ay hinahatak siya nito na hawak nito ang kamay niya.
Ang damdamin niya rito ay hindi pa rin nagbabago. Katunayan, habang palalim ng palalim ang pagkakakilala niya rito ay nararamdaman niyang palalim din ng palalim ang pagkahulog niya rito. Alam niya na masasaktan siya ng husto dahil sa pagmamahal na iyon pero hindi niya iyon magawang supilin. Kaya hahayaan na lamang niya iyon. Saka na niya iisipin ang konsikuwensiya kapag dumating na ang araw na iiyak siya ng dahil dito. Sa ngayon sapat na sa kaniya na nakakasama niya ito ng ganoon at nakikita niya ang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...